(Third person POV)
" Kuya pakiulit nga po yung sinabi niyo?" - tanong ni Monica Ray sa konduktor ng Bus habang nasa labas sila. Isa siyang Pure American na may highlights na orange ang itim at maikling buhok. Kasalukuyang tumigil ang bus na sinasakyan nila dahil sa may kung anong sumabog sa makina nito.
" Miss, lumipat na lang po kayo ng bus." sagot naman sa kanya ng konduktor
" Huh? Kuya, wala nga kabahay bahay rito, sasakyan pa kaya?" Pagtataray naman ni Hanna Leigh Ross na mapaghahalatang masama na ang mood dahil sa kunot na noo. Kulay Itim ang kulot niyang buhok na may purple streaks.
" Mamaya iyan ate." sabi ng konduktor sabay walk out.
Nagkatinginan na lang ang dalawang babae at napilitang pumasok sa loob.
" Anyare?" tanong ni Jasmin Claire Carlisle, isang Filipina na may rebonded na black hair.
" Lipat na lang daw tayo" sagot naman ni Hanna na kunot pa rin ang noo.
" Fuck. We're in the middle of nowhere!" Pacucuss naman ni Danger
" Sinabi ko na rin iyan kanina. No choice tayo, lakad o maghihintay sa wala?" Hanna
" Naglakad na yung ibang pasahero." comment naman ni Alma habang sumisilip sa bintana. Maliban sa kanila, tatlong pasahero pa ang natitira sa loob ng bus, isang couple at isang mid 20's na babae.
" It's dangerous. Maliligaw lang tayo at mag-gagabi na." sagot naman ni Tarras na kasalukuyang tinititigan ang cellphone, nagdadalawang isip kung bubuksan niya ito at tatawagan ang ate o hayaan na lang itong patay.
" Wait, tatawagan ko si Ellie. Tanungin niyo kung saang lupalop tayo napadpad." sabi ni Visul habang iniharap niya sa nagkukumpulang kasama ang kanyang phone, samantalang napatakbo naman palabas si Hanna para magtanong.
UNATTENDED
" Tis' suck." comment ni Danger na ikinatango naman ni Jasmin
" Call Yue" suggest naman ni Alma
Agad naman idenial ni Visul ang number ni Yue.
UNATTENDED
" Tis' seriously suck" comment ulit ni Danger na sinundan naman ng pagbatok ni Visul sa kanya
" Okay. Sino sunod? Si Ren o Jade?" -tanong ni Visul sa mga kasama.
" Hindi maasahan sa ganto si Ren at si Jade--" hindi pagtutuloy ni Alma ng sasabihin nang tingnan nilang lahat si Tarras na binigyan lamang sila ng tingin na Call-her-and-we're-all-dead look niya.
" Okay, guys nasa Brg. Lindoy daw tayo." masiglang sabi ni Hanna sa kasama, kararating lang galing sa labas " What?" tanong niya sa kasama dahil tinitigan lang siya ng mga ito.
" We're doomed and ya still look happy" sarcastic na sabi ni Danger
" Anyare ba?" she asked oblivious of what happened.
" Unattended si Ellie at Yue. Si Jade naman ay... you know " sagot ni Jasmin with matching sulyap kay Tarras na agad namang ikinatango ni Hanna.
" Ahhhh. Eh si Prince tinry niyo na?" tanong ulit ni Hanna, ang pagkakaalam niya malapit lang sa Mansion ang tinitirhan ni Prince.
BINABASA MO ANG
Enchanted Forest
FantasiThere is more to the truth than meets the eye...To me, her existence in this forest... was on the edge of the truth.