Chapter 4: Inside the Enchanted Forest

72 3 0
                                    

(Third Person's POV) 

Madilim at nakakatakot ang daanan na dinadaanan ngayon ng isang grupo ng kabataan. Napagtripan lang nila na pumunta dito ng dahil na rin sa usap-usapan sa naturang lugar. 

Isang Dare,  Ang dahilan nila kaya nila tinahak ang daan sa may 'Enchanted Forest' kahit halos hatinggabi na. Noong una ay nagkakatuwaan pa sila pero ng magtagal ay namuo na ang tension at takot. Ilang oras ng tumatakbo ang sasakyan nila at wala pa rin silang nadadaanang bahay. Malakas na ang kutob nila na naliligaw na sila. 

" Hon, malapit na ba tayo?" Tanong ng isang babae habang nakakapit sa braso ng kanyang kasintahan. Mapapansin sa mga ito ang amoy ng alak.

" Malapit na."  Sagot naman nito at angat sa baba ng kasintahan upang halikan ng biglang huminto ang kanilang sasakyan.

" Anong problema?"  Iritado niyang tanong sa kaibigan na may hawak ng manibela.

" Ewan ko. Bigla na lang tumigil." Sagot naman ng driver at pinipilit istart ang sasakyan ngunit wala namang nangyari.

" Anong ewan mo? Ikaw ang driver dapat alam mo!!"  Sigaw naman ng isang lalaki habang mahigpit na yakap-yakap ang kasintahan.  Tatlong couples sila na napagkasunduang pumunta dito.

" Sandali nga lang, titingnan ko ang makina."  Saad ng driver at lumabas ng kotse. Binuksan niya ang hood nito at kinutingting ngunit wala naman siyang makitang mali dito.  Sumuko siya sa pagkutingting at sinarado na lamang ang hood upang kumbinsihin ang mga kasama para maglakad.

"KYAAAH!"  Sigaw ng babae na nakaupo sa passenger's seat ng maihampas ng kung ano ang ulo ng kasintahan.

"Baby! Baby! BABY!!"  Sigaw ng babae at dali-daling lumabas ng sasakyan upang tingnan ang kasintahan. Nanigas naman ang buong katawan ng natira sa loob ng sasakyan ng makitang tumayo muli ang lalaki sa harap ng hood. At umikot sa di kanais-nais na anggulo ang duguan nitong ulo upang tingnan sila.

" AAAHHH!!" 

" AHHHHH!"  

Kanya-kanya sila ng sigaw ng bigla na lang ito magbuga ng dugo sa salamin ng kotse at magkagutay-gutay sa mismong harapan nila. Nahimatay na lamang ang babaeng nasa labas sa nakita. Mabilis namang nagsilabasan ang nasa loob at karipas ng takbo sa loob ng gubat.

"Ano-hah--Tangina!" Sigaw ng lalaki habang tumakbo at mahigpit na hawak ang kamay ng kasintahan.

" Hon. Makakalabas tayo dito. Makakalabas tayo!"  Paulit-ulit niyang sinasabi sa kasintahan kahit hingal na hingal na siya sa pagtakbo.

Napatigil siya ng hindi man lang sumagot ang kasintahan at hindi paghingal nito.

"Hon?--AHHHH!"  Agad siyang napabitaw dito ng makitang wala na itong ulo ngunit patuloy pa rin sa paglalakad.

"Ah! AHH!" Parang baliw na sigaw ng lalaki at takbo palayo sa kasintahan. Bago pa man siya siya tuluyang makalayo dito ay may kung anong itim ang lumapit sa kanya at bumaon sa katawan niya. Lumapit ang isang babaeng nakadamit ng kulay itim sa bangkay ng naturang lalaki.  Blangkong tumingin lang siya dito at tumingin sa direksyon kung saan ay may umugong na tilian. 

" Foolish humans" Pagbubuntong hininga niya at parang bulang nilamon ng kadiliman sa naturang lugar.

(Ellie's POV)

Ang aga-aga nabulahaw tulog ko. Geez. Madaling araw pa lang may umuugong ng wang-wang malapit sa bahay namin kaya kahit inaantok pa ay ako lumabas na ako ng bahay para malaman kung anong problema sa labas. Ang dilim dilim  pa ah.

Enchanted ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon