Chapter 6: Queen's Blade

74 2 0
                                    

(Third Person's POV)

" The fuck is this!" Sigaw ni Danger sa gilid ng daanan, kasama niya si Visul na nakayuko at nakathumbs up lang sa may kalye kahit wala namang dumadaan na sasakyan.

Sa likudan nila ay isang Mini bus, na pumutok ang gulong. Wala pa naman silang spare tire.

Sa loob nito ay pagod na nakahiga sa mga upuan sina Jasmin, Hanna, at Monica habang nakaupo naman sa may driver's seat si Prince at sa may pintuan naman ay nakaupo sina Tarras at Alma habang nagtatap ang kanilang paa sa lupa.

"Sinong may balat sa pwet?~" Parang lasing na sambit ni Hanna habang okyupado niya ang mahabang upuan sa likuran.

"Si Dangeer~" Parang nakasinghot naman ng katol na sagot ni Jasmin.

"I heard that!" Sigaw ni Danger sa labas na ikinatawa naman nila.

" I'm hungry~"  Bulong naman ni Monica habang haggard na nakadungaw sa bintana. 

" ...This suck.." bulong naman ni Alma.

Dumating nga si Prince pagkatapos ng ilang oras na may dalang mini bus maayos na sana ang biyahe nila ng bigla na lang ng overheat ang Radiator nito, naaayos naman nila ito pero sa kinamalasmalasan naman nila ay pumutok ang gulong.

Kaya ito sila ngayon stranded malapit sa bundok, naghihintay ng mga sasakyan na pagbibigyan silang pasakayin, unfortunately walang masyadong sasakyan  sa madaling araw. Wala rin silang signal dahil rin sa bundok ang daanan, medyo nagpapasalamat dito si Tarras hindi kasi siya macocontact ng ate niyang overprotective. 

" Sorry. Nakalimutan kong magdala ng spare tire." pagyuko ni Prince sa manibela.

" Don't be. Sadyang malas lang talaga si Danger." Sagot ni Hanna ng umupo siya sa kanyang hinihigaaan.

" Yeah, may balat kasi siya sa pwet." Pahabol pa ni Jasmin ng tingnan niya si Danger at Visul na nakatayo sa tabi ng daanan.

" I'm too hungry to deal wit' ya, Arrowhead." sagot ni Danger bago umupo sa lupa.

" Oh yeah, CAT?" Pangaasar ni Jasmin 

Napatayo naman si Danger sa kanyang inuupuan at hunarap kay Jasmin, " I dare ya to call me cat again." He growled dangerously at her, pupils dilating in anger.

Nag-grin lang si Jasmin bago ibinuka ang bibig niya para asarin pa si Danger.

" You think I'm scared of a --"

" Huh? My Magic is not working." pagputol naman ni Alma sa nagsisimulang bangayan.  Nakaluhod siya sa harap ng sirang gulong habang ang kamay niya ay nakahawak dito.

" Oi, why are you using your magic?" Tanong naman ni Tarras ng lumapit siya kay Alma. Magic is prohibited to use unless it's needed, ang number 1 rule na sabi sa kanila ni Yue sa mission  na ito.

" Desperate times called for desperate measures, right?" Pagngiti ni Alma sa kanya bago tumayo " More importantly, Prince, isa ba itong bus na ito sa nilagyan ni Jade ng anti-magic barrier?" Tanong niya sa driver nila.

" Nah. This is just a random bus from school." Sagot ni Prince ng dumungaw siya sa may pintuan ng bus. 

" Langya. Magnanakaw ka na pala ng bus ngayon." Hindi mapakaniwalang saad ni Hanna.

" Nagpaalam ako kay Diana." Depensa naman ni Prince.

" Anyhow," Pagputol ulit ni Alma sa usapan kaya naman napukol sa kanya lahat ng kanilang atensyon, " This means someone is trying to stop us from reaching the forest." Saad niya as-a-matter-of-fact.

Enchanted ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon