(Ellie’s POV)
Padabog kong binuksan ang pintuan ng Gymnasium, nagsalubong ang kilay ko ng mapansing walang tao dito. Dapat sa mga oras na ito, nagti-training na ang basketball team.
“ Tsk. Nasaan kaya sila?” tanong ko sa sarili ko at muling inilibot ang tingin sa loob, maraming bola ng volleyball ang nakakalat.
Dalawang araw ko ng hinahanap sila Sirius pero hindi ko pa rin sila makita, nagtataka na nga rin ang ibang estudyante dahil wala silang makitang Varsity ng Basketball. Wala namang laro.
Ano kaya ang pinaggagawa ng mga iyon? Wala din si Prince tapos may kulang na sa service ng University para sa mga players.
Sila Lee rin, hindi pumapasok. But I can feel his presence around, Iniistalk na naman ako.
Akala niya hindi ko alam na isa sa mga propesiyon ng pamilya nila ang pagiging assassin. Damn him and his annoying ninja skills, hindi ko tuloy magawa ang mga gusto kong gawin. Pakiramdam ko, maling galaw ko lang may lilipad na shuriken papunta sa akin. Hindi ko tuloy malapitan si Diana, baka kung anong isipin nun. Alam pa naman niyang mangkukulam si Diana, I don’t want to risk my identity.
Thanks to him, nasa hyper-awareness mode ang katawan ko. Hindi tuloy makaporma sa akin si Jay. HA!
I mentally smirked ng maalala na ilang beses kong naiwasan ang mga advances niya ngayong araw na ito. Ang kulit. Ayoko na nga sa kanya, ipinagpipilitan pa ang sarili niya.
Seriously, ano bang mapapala niya sa akin? Hindi naman ako girlfriend material. Siya ata nagayuma ko, lakas talaga ng dating ko.
Uuwi na sana ako dahil sa madilim na ang langit ng may biglang magbounce na bola ng volleyball sa gitna ng court.
Tinitigan ko ito ng magpatuloy ito sa pagbounce hanggang sa gumulong.
Hala, minumulto na ata ako. Wala namang tao sa loob...ata. Hindi kaya, totoo yung ikinukwento nila Captain na may nagmumulto dito na dating player ng volleyball noong mga panahon na sinakop tayo ng mga kastila?
Gulping, dahan-dahan akong pumasok. I want to see it, whoever it is. Baka sakaling maging bestfriend ko siya at maturuan niya ako ng mga Volley skills niya noong buhay pa siya.
Sandali. Nauso na ba sa Pilipinas ang volleyball sports noong panahon ng kastila? Hindi pa ata.
Napatingin ako sa labas ng may narinig akong tumawag sa pangalan ko. I squinted my eyes, wala namang tao. Tsaka parang boses ni Lee.
I shrugged at ibinalik ang tingin sa bola, hindi naman ako nun tinatawag sa pangalan ko unless he’s mad or...worried? Pfft- As if naman mag-aalala yun sa akin.
Nang malapitan ko yung bola, napansin kong marami ring bolang nakakalat sa bleachers. Baka siguro gumulong lang then... naisipang magbounce ng sarili niya?
Sila Captain kasi ang tamad magbalik ng mga bola pagwala si Coach Neon, yan tuloy minumulto itong gym.
Pero parang nanggaling ito sa second floor. Tumingin ako sa taas, my mistake. Because the moment I looked up, a pointed -looking pole was heading towards straight to my head. Taking a step back, madali ko itong naiwasan ngunit nadaplisan nito ang ilong ko at bumaon sa sahig.
Ano bayan? Pinulot ko lang naman yung bola.
“ Pango na nga pinatulan pa.” Pagpunas ko ng dugo sa ilong ko at tingin ng masama sa kung sino mang bumato nun.
Sininghalan ako ng lalaking nasa second floor. Sa totoo lang hindi na matatawag itong tao dahil sa matatalas na ngipin nito, kulay green ang mga ugat niyang bakat na bakat sa katawan at pulang-pula ang matang nanlilisik, A mutant.
BINABASA MO ANG
Enchanted Forest
FantasyThere is more to the truth than meets the eye...To me, her existence in this forest... was on the edge of the truth.