LUMIPAS ang mga araw ay nananatili parin si Sam sa bahay nila Elijah. Hindi parin ito makauwi habang hindi nahuhuli si JC. Nalaman na kasi nila Elijah ang pakay nito sa kumpanya ng mga Villagas.
“Masaya atah tayo, ngayon.” Ani Sam kay Seth ng maratnan niya ang mga ito sa malaking sala. “Inlove yan. Nakita na kasi niya sa wakas ang kachat mate niya.” Buksa dito ni Lee.
“Talaga. Anong pangalan ng kachat mate mo Seth?” Nakangiti ditong ani Sam. “Alexandra Javier.” Sagot nito. Nagtawanan naman ang mga pinsan ni Seth.
“Kabaliktaran lahat ng gusto niya sa isang babae ang ugali ng kachat mate niya.” Anang nakangising si Tate. “I think. I know her.” Ani Sam. Kaya napatingin sa kanya ang magpipinsan.
“Manang.” Tawag ni Sam sa kasambahay nila Elijah na napadaan malapit sa kanila. “Ano po yun, ma’am?” Tanong nito kay Sam.
“Uhm. Meron po bang mga pictures ang mga kaibigan ni Elijah dito?” Alam ni Sam na imposibleng walang pictures si Elijah ng mga kaibigan niya sa tagal nilang magkakaibigan. “Meron po. Sandali at kukunin ko po.” Sagot nito at agad silang tinalikuran.
Ang magpipinsan naman ay tahimik lang na nakikiramdam sa kasama nila. Ang magpipinsan lang kasi ang kasama ni Sam dahil pumasok sa opisina si Elijah.
“Ma’am ito po.” Agad nito inabot kay Sam ang isang photo album kung saan ang mga larawan ng mga kaibigan ni Elijah. “Salamat po.” Tipid niya itong nginitian bago niya binuksan ang photo album.
“Okay! Let me show you this.” Ani Sam na nakangiti. “So, siya ba ang kachat mate mo?” Sabay turo ni Sam ng picture ng makita niya ang picture ni Alexandra. Agad namang nagkatinginan ang magpipinsan.
“Yeah! That’s her.” Pagkumperma ng mga ito. “So, you know her?” Si Seth na napaupo ng tuwid.
“Since birth.” Sagot dito ni Sam. “Ninong at Ninang ko ang parents ni Alexandra. Actually meron siyang dalawang kakambal. Si Alexandrea o mas kilala sa tawag na Ale at si Alexander na mas kilala sa tawag na X. Kaedaran sila ng kuya ko. Si X ang isa sa mga close friends ni Elijah.” Anito.
“Triplets sina Alexandra pero magkaiba ang mga ugali nila. Kaya hindi mo mapagkakamalang triplets pala sila. Si X ang nagmumukhang matanda sa tatlo. Si Ale naman ang tahimik at tomboy siya. At si Alexandra at nagiging bunso sa kanila. Pasaway, maingay. Basta may pagkapilya siya.” Kwento sa kanila ni Sam.
“See. Kabaliktaran mo siya bro, maingay siya tahimik ka. Pilya siya seryoso ka. Pasaway siya matino ka.” Ang natatawa namang si Sky. Kaya napakamot ng ulo si Seth.
“Pahiram ng phone.” Sabay lahad ni Sam ng kamay. Agad namang inabot ni Seth ang cell phone niya kay Sam. Agad namang pinindot ni Sam ang keypad ng cell phone ni Seth matapus niya itong maabot.
“Hello.” Sagot ng nasa kabilang linya. “Hey! It’s me Sam.” Sagot niya rin dito.
“Oh! La la. But ikaw ang gumagamit ng number na yan my dear?” Rinig ng magpipinsan ang boses ng nasa kabilang linya dahil nakaloudspeaker ang tawagan ni Seth. “Dahil magpapakasal na ako sa kanya.” Pabirong sagot dito ni Sam.
“Ay! Besh wag ganun. Baka katayin yan ng jowa mong si Elijah. Juice ko dhai ayaw ko namang matsugi iyan nuh! Gusto ko pa siyang makilala.” Anang kausap niyang kinatawa ni Sam. “No worries. Alam mo namang nag-iisa lang si Elijah sa buhay ko.” Sagot nitong kinahagikhik ng kausap niya.
“Little witch. Kumain kana at wag mo ako isturbuhin dahil marami akong trabaho.” Dinig nilang kumakausap sa kausap ni Sam. “Thank you. I love you.”
“Crazy.”
“Sam ni Elijah nandyan ka pa?” Akala siguro nito e ibinaba na ni Sam ang tawagan. “Yeah! Sino yung kausap mo si Ale?” Tanong dito ni Sam.
BINABASA MO ANG
The Assassin(Completed)
ActionJULIAN ELIJAH HO(GSB-6)->Ang tinaguriang mangungutong ng magkakaibigan na GSB. Pero kahit na lagi niyang kinukutungan ang mga kaibigan niya ay lagi pari niyang kasangga ang mga ito. Ika nga walang mangungutong sa barkada kung walang nagpapakutong.