Chapter 19

18.8K 611 9
                                    

NAKAUPO si Elijah sa kanyang opisina ng dumating ang tauhan niya. Kaya agad siyang napaupo ng tuwid. Kanina pa niya ito hinihintay dahil sa pinapagawa niya ditong trabaho.

"Boss, ready na po ang lahat. Ngayong gabi po ang palitan nila ng druga at pera." Agad nitong aniya kay Elijah na agad tumango. "Good. Tinawagan mo ba ang GSB agency?" Maya ay tanong nito.

"Yes! Boss, si boss Frank na daw ang bahalang makipag-usap sa mga NBI." Sagot nito. "Okay! Sige daanan muna lang ako dito mamayang hapon." Utos niya dito.

Matapus makipag-usap ni Elijah sa tauhan niya ay hindi pa man niya nauumpisahang buklatin muli ang mga papeles na nasa ibabaw ng mesa niya ay biglang bumukas ang pinto ng opisina niya. Sunod-sunod na pumasok doon ang mga kaibigan niyang kinakunot ng noo niya.

"What the hell are you doing here in my office?" Gulat nitong tanong sa mga ito. Tila wala naman narinig ang mga ito at kanya-kanya ng pwesto ang mga ito ng upo sa opisina niya.

"Anong ginagawa niyo dito?" Pag-uulit nito ng tanong sa mga ito.

"Nandito kami para makipagdeal sayo." Sagot ni Blake sa tanong niya. "Oh! Akala ko ba takot kayong makipagdeal sa akin dahil mga kuripot kayong lahat?" Anitong magkasalubong ang mga kilay.

"Nha. Ibang deal ito bro, kaya alam namin na hindi mo kami mauungasan." Sabat naman ni Axel.

"That's true." Sang ayun dito ni Mark.

"Okay. Anong deal naman ang pakulo niyo?" Taka nitong tanong. "Madali lang naman bro, makikipaglaro ka sa amin ng 'Bato, bato pick." Nakangising ani Tyrone.

"At ano naman ang kapalit ng laro niyong ito?" Anito. Nakikinita ni Elijah na pagkakaisahan nga siya ng mga ito. "Kung sino ang mananalo ay mauunang magpakasal kesa sayo. Ang matatalo mo e ikaw naman ang mauuna sa kanya." Paliwanag sa kanya ni Flake.

"Oh! Ano game ka?" Nakangising ani Rain. "Fvck you Castillo." Mura dito ni Elijah. "Game." Pagsang ayun nito.

"Sige. Ako ang mauuna." Buluntaryo ni Tyrone. "Wala ka naman girlfriend." Sita dito ni Elijah.

"Wag kang magreklamo kung ayaw mong inatin ko ang mata mo." Ani Tyrone sa kanya. "Fine." Agad nga silang naglaro ni Tyrone ngunit napangisi siya ng matalo niya ito. Parang okay lang naman ang pagkatalo ni Tyrone.

Sumunod kay Tyrone ay ang tahimik na si Frank at Yugene. Napakamot na lang siya ng matalo siya ng dalawa. Kaya ibig sabihin ay mauuna ang mga ito sa kanya magpakasal. Sumunod naman kina Yugene at Frank ang kambal na si Flake at Blake. Ngunit talo ang kambal.

"Oh! Ako ang next." Sabi ni Rain. "Bato bato pick. Bato bato pick." Napangisi agad si Rain ng matalo niya si Elijah.

"Okay! It's my turn." Singit ni Axel. "Bato bato pick. Bato bato pick. I win." Ani Axel ng matalo niya si Elijah.

"Okay! Let me try, too." Si Austin na kanina pa natatawa sa mga ito. "Oh! Me too." Hirit din ng kararating lang na si Kurt.

"Bato bato pick. Bato bato pick. Talo ka Martinez. My turn." Sabay kindat ni Kurt kay Elijah na nakasimangot. "Bato bato pick. Bato bato pick. I win." Sabay sigaw ni Kurt. "Yessss."

"Magsilayas na kayo. Dahil ako ang last." Pagtataboy ni Mark sa mga ito. "Oh! Bro, pati ba naman ikaw. Ako ang mauna sayo magpakasal. Talagang bubuntisin ko ang kapatid mo kapag inunahan mo ako." Nakasimangot nitong aniya kay Mark.

"It's fine. Papakasalan mo naman." Nakangising ani Mark. "Come on bro, it's a game." Saad pa dito ni Mark. Kaya walang nagawa si Elijah kundi pagbigyan ito.

"Bato bato pick. Bato bato pick." Nagkatawan na lang silang lahat ng hindi maipinta ang mukha ni Elijah. Dahil panalo si Mark sa kanya. "Geez. Magsilayas na nga kayo dito." Anito sa mga ito. Kaya nagtutulakan naman ang mga itong nagsilabasan sa opisina niya.

The Assassin(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon