ANG magkakaibigan ay napasugud lahat sa hospital ng hindi alam kung ano ang nangyayari. Basta ang bilis ng pangyayari. Nagkakasiyahan lang sila ng makarinig sila ng sigaw. Kaya ang lahat ay natigil sa kani-kanilang mga ginagawa. At ng tingnan nila kung ano ang nangyayari ay doon nakita nila ang walay malay tao na si Aslea Dennisse. Nahulog ito sa pool at namumutla na.
“Anong nangyari sa anak ko?” Ang maluha-luhang tanong ng ina ni AD na si Weng sa kanila ng marating nila ang hospital kasama nito ang asawag si Aljhon. “Axel, anong nangyari sa kapatid mo?” Baling nito kay Axel na hindi rin alam kung ano ang nangyari sa kapatid.
“Mom, I don't know?” Sagot nito sa ina. “Yugene, iho anong nangyari sa anak ko?” Halos makaawa nitong tanong kay Yugene.
“I'm sorry tita, pero ang doctor na lang po tanongin natin.” Sagot nitong parang gusto ng pumiyok ang boses. Kaya base sa nakikita ni Elijah sa kaibigan nilang si Yugene ay may alam ito at tinatago lang niya. Alam niyang may alam ito sa totoong kalagayan ni AD.
Lumipas ang oras at lahat silang naroon sa hospitalnay naghihintay sa sasabihin ng doctor kung ano ang nangyari kay AD ng makita nila itong lumabas ng ER. “Doc, kumusta ang anak ko?” Tanong ng daddy ni AD sa doctor na puno ng pag-aalala ang makikita mo sa mukha nito para sa anak.
Bahagyang huminga ng malalim ang doctor bago niya sinagot ang mga katanungan nila. “Sa ngayon po ay stable na ang lagay ng anak niyo Sir, pero hindi ko po alam kung kailan siya magigising. Ang dapat niyo pong gawin ay maghanap ng heart donor para sa heart transplant sa kanya.” Deritsang anang doctor dahil sa pag-aakalang alam nilang lahat ang sakit ni AD.
“Heart donor, heart transplant.” Tila paulit-ulit iyon na bumabalik sa utak ni Elijah.
“A-anong pinagsasabi mo doc?” Naguguluhang tanong ng ina ni AD sa doktor. Nagpalipat-lipat naman ang doktor ng tingin sa kanilang lahat. Dahil lahat sila ay nagtataka at nagtatanong kung ano ang pinagsasabi nitong kailangan ni AD ng heart donor at kailangan niyang agarang magkaroon ng heart transplant.
“I'm sorry, akala ko alam niyo ang kalagayan ng patient.” Hinging paumanhin ng doctor sa kanila. “But, like what I said. Kailangan niyong maghanap ng heart donor na magmamatch sa kanya. Mayron pong matinding karamdaman sa puso ang anak niyo Sir.” Paliwanag ng doktor.
“H-hi-hindi totoo yan Doc. Baka nagkakamali ka lang.” Anang ina ni AD na humagulgul na nang iyak.
“Mom, his not lying. Nagsasabi po siya ng totoo.” Ani Axel na agad niyakap ang ina. “Hindiiii, hindi ang anak ko.” Anang ginang na agad niyakap ng kaibigan nila Elijah na si Axel. Parang bomba na sumabog sa harapan nila ang narinig. Si AD malubha na ang karamdaman nito ngunit wala silang kaalam-alam.
“Bakit hindi niya sinabi sa'tin, sana naagapan agad.” Awang-awa si Elijah sa ina nila AD habang umiiyak ito. Kahit kailan kasi ang tigas ng ulo ni AD. Kung ano ang gusto niya ay hindi niya sinasabi basta magugulat ka na lang bigla sa kanya. “Mom, I know natatakot lang siya kaya hindi niya sinabi sa atin. But kailangan niya tayo ngayon, we need to be strong.” Alo ni Axel sa kanyang ina.
“Doc, maari na po ba namin siyang makita ngayon?” Tanong ni Frank sa doctor.
“Bukas niyo na po siya maaring makita, dahil sa ngayon ay mananatili muna siya sa ICU para bantayan ang status ng patient.” Paliwanag ng doctor. Halos lahat silang nandoon ay nashock sa narinig, hindi sila makapaniwala na may sakit palang nililihim sa kanila si AD. Ang akala kasi nila ay maayos ito at walang sakit na iniinda.
“Mom, umuwi na po muna kayo ni Dad. Kami na po ang bahala dito.” Ani Axel sa kanyang ina. “Dad, baby Princess will be okay. Matapang siya at malakas I know hindi siya susuko.” Ani Axel sa kanyang ama ng balingan niya ito.
BINABASA MO ANG
The Assassin(Completed)
ActionJULIAN ELIJAH HO(GSB-6)->Ang tinaguriang mangungutong ng magkakaibigan na GSB. Pero kahit na lagi niyang kinukutungan ang mga kaibigan niya ay lagi pari niyang kasangga ang mga ito. Ika nga walang mangungutong sa barkada kung walang nagpapakutong.