KINABUKASAN ay magkasamang pinuntahan nila JC at Jane ang agency ng GSB na pag-aari ni Frank Murillo. Walang kasiguraduhan ang lahat ngunit ayaw niyang biguin ang dalagang kasama. Kaya nilakasan niya ang loob alang-alang dito.
“Are you okay?” Tanong ng dalaga kay JC ng ihinto niya ang sasakyan sa tapat ng GSB agency. “Yeah!” Sagot nito sabay ngiti.
Agad na pumasok sina Jane at JC sa matayog na gusali na pagbungad mo pa lang sa lobby nito ay makikita muna ang nakasulat na malaking letrang GSB Agency.
“Hi! Good morning.” Nakangiting bati ni Jane sa receptionist. “Yes! Ma’am, may I help you?” Magalang na tanong ng receptionist kay Jane.
“Gusto ko sanang makausap si Mr. Murillo.” Sagot niya dito. “Meron po ba kayong appointment sa kanya ma’am?” Magalang na tanong ulit ng receptionist kay Jane.
“Oh! No. Wala akong appointment sa kanya. Pero pakisabi na lang na ako si Mary Jane Recto at kasama ko si JC De Leon.” Anito sa receptionist. Hindi pa man tumatalima ang receptionist ng may magsalita sa likod nila. Kaya napalingon silang lahat dito.
“Ako na ang bahala sa kanila.” Anang nagsalita sa likod nila.” “Okay! Sir Jeb.” Pagtalima ng receptionist. “This way.” Yakag nito sa dalawa. Kaya hawak kamay namang sumunod sa tinawag ng receptionist na Jeb ang dalawa.
Agad pinindot ni Jeb ang elevator at ng bumukas iyon ay siya rin ang naunang pumasok sa loob habang nakasunod naman sa kanya si JC at Jane.
Habang nasa loob sila ng elevator ay panay hinga ni JC ng malalim. Natatawa naman ng lihim si Jeb habang pinapakiramdaman niya ang dalawang kasama sa loob ng elevator.
Ting......
Pagbukas ng elevetor ay agad lumabas si Jeb kaya sumunod ring lumabas ng elevator ang dalawang kasama.
“Hey! Kahlan nandyan na ba sa opisina niya si Murillo?” Tanong agad ni Jeb kay Kahlan ng makita niya ito. “Oo, kararating lang niya.” Sagot sa kanya nito.
“Okay! Thanks. Dito tayo.” Ani Jeb na agad lumapit sa isang pinto at bahagya niyang kinatok ito.
‘Tok tok tok’
“Come in.” Boses mula sa loob ng silid. Kaya agad itinulak ni Jeb ang pinto. Agad namang napaangat ng mukha ang nasa loob ng silid nang pumasok na ang tatlo.
“Gusto ka daw nila makausap.” Ani Jeb ng makitang nagtatanong ang mukha ni Frank. “Okay! Have a sit.” Sabay turo niya ng magkaharap na upoan sa harap ng mesa niya.
“So, ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?” Seryosong tanong ni Frank sa mga taong kaharap niya.
“I’m Mary Jane Recto. At siya si JC De Leon.” Pakilala ni Jane kay Frank.
“Anong relasyon mo sa lalaking ito?” Si Frank na naupo ng tuwid.
“It’s complicated,” sagot lang nito sabay hinga ng malalim. “Kaya kami nandito ay para kausapin ka.” Anito. Samantalang si JC ay nakikiramdam lang ito. Dahil feeling niya ay mapapaaga atah ang pagsundo sa kanya ni kamatayan.
“Okay! Tungkol saan ang gusto niyong pag-usapan natin?” Tanong nito kay Jane habang pinag-aaralan ni Frank ang kinikilos ng dalawang kaharap lalo na si JC. Si Jeb naman ay nakamata lang ito sa kanila.
“Alam ko kasing wanted itong si JC. At alam kung pinaghahanap niyo na siya.” Paliwanag ni Jane. “Isinusuko mo ba siya dito kaya kayo nandito?” Si Frank na ang mata ay nasa kay JC.
“Not really. Pero kaya kami nandito ay para magpaliwanag sa inyo si JC kung ano ang punot dulo ng lahat kung bakit niya nagawa ang mga bagay na maaring natuklasan niyo tungkol sa kanya.” Saad dito ni Jane.
BINABASA MO ANG
The Assassin(Completed)
ActionJULIAN ELIJAH HO(GSB-6)->Ang tinaguriang mangungutong ng magkakaibigan na GSB. Pero kahit na lagi niyang kinukutungan ang mga kaibigan niya ay lagi pari niyang kasangga ang mga ito. Ika nga walang mangungutong sa barkada kung walang nagpapakutong.