HABANG pinagmamasdan ni JC ang babaeng natutulog ay panay mura niya sa sarili. Mga ilang minuto din niya itong pinakatitigan bago siya lumabas ng silid at naghanap ng maari niya ditong ipunas. Kumuha rin siya ng damit niyang maari niya ditong ipasuot dahil ang damit nito ay hindi niya alam kung nasaan na.
Pagbalik ni JC sa silid ay tulog parin ang babae. Kaya agad niyang binasa sa loob ng banyo na naroon ang dala niyang bimpo saka ito muling lumapit sa kama kung saan natutulog parin ang babae.
“I-i’m so-sorry.” Anito. Maingat niyang pinunasan ang mukha ng babae gamit ang basang bimpo.
Mula mukha ng babae patungo sa talampakan nito ay pinusan ni JC ng basang towel. Panay rin ang mura niya sa sarili habang ginagawa niyang punasan ang babaeng natutulog.
Matapus itong punasan ni JC ay agad niya itong sinuutan ng damit. Bago niya ito kinumutan. “Sana mapatawad mo ako sa nagawa ko. Patawarin mo ako.” Kausap niya dito sabay upo niya sa tabi ng natutulog.
“Jane. I’m sorry.” Mahina nitong saad sa natutulog na si Jane.
Lumipas ang oras hanggang sa hindi namalayan ni JC ay hinila na pala siya ng antok.
Samantala dahil nakaramdam ng pagkauhaw si Jane ay kaya naman agad siyang naggising. Agad rin naman niyang nakita ang isang basong tubig sa side table. Kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng oras dahil agad niyang inabot ang baso at ininom ang laman nitong tubig.
Uhaw na uhaw si Jane. Pakiramdam niya ay nanunuluyo na ang lalamunan niya. Kaya naubos niya agad ang laman ng baso. Matapus niyang uminom ay muli niyang ibinalik ang baso sa side table. At doon lang niya napansin ang taong nakayukyuk malapit sa kanya ang ulo.
Pinakatitigan ni Jane ang taong nakayukyuk malapit sa kanya. Pakiramdam niya ay kilala niya ito. Maging ang taong pilit umangkin sa kanya ay pakiramdam niya ay familiar sa kanya ang amoy nito. Hindi nga lang niya alam kung sino.
Ng makita niyang gumalaw ang kamay ng lalaki ay mabilis siyang tumingin sa ibang gawi.
Ng magising si JC ay agad niyang napansing gisin na si Jane. At dahil hindi niya alam kung paano magsisimula ng sasabihin ay bahagya siyang tumikim. “Ehmmm.” Tikim nitong siyang kinatingin ni Jane sa kanya. At ganun na lang ang gulat sa mukha ni Jane ng mapagsino ang lalaki.
“J-john Carlo.” Katagang lumabas sa bibig ni Jane. Pakiramdam ni Jane ay tinakasan siya ng dugo sa nakikita. “I-i-ikaw.” Sabay turo nito kay JC na biglang napayuko.
“B-bakit mo ito nagawa sa akin. Naging masama ba akong kapatid sayo?” Nanginginig nitong tanong kay JC na hindi makatingin ng tuwid kay Jane. “Kuya, binaboy mo ako.” Sabay patak ng butil nang luha mula sa mga mata ni Jane.
“Ang sama mo kuya. Binaboy mo na nga ako. Tingnan mo kung ano ang ginawa mo. Sininturon mo pa ako.” Mangiyak-ngiyak nito aniya.
“I’m sorry. Hindi ko alam na ikaw ang babaeng kinuha ng mga tauhan ko. At wala ako sa tamang pag-iisip ng gawin ko ang lahat. I’m in drugs.” Paliwanag nito.
“I hate you. I hate you. Sana hindi na lang kita naging kapatid.” Anitong walang tigil na ang pagluha. “Nirespeto pa naman kita at hinangaan. Pero hindi ko alam na ganito ka kahayop.” Sabay duro nito kay JC.
“Sayang. Ginawa pa naman kitang insperasyon sa pag-aaral ko. Alam mo ba na noon sa tuwing may karangalan kang nakukuha sa pag-aaral mo ay napakasaya ko. Sinasabi kung ‘kuya ko iyan’. Pero anong napala ko. Binaboy mo ako.” Sabay sigaw nito kay JC.
“May galit ka ba sa akin ha. Hanggang ngayon ba ay hindi mo parin matanggap na inampon ako ng parents mo. Ha! Sagutin mo ako?” Pinagbabayo nito ang dibdib ni JC habang umiiyak. “No, matagal ko nang tanggap na inampon ka nila Mama at Papa. Pero I swear, hindi ko alam na ikaw ang nasa harapan ko. I’m sorry Jane. Patawarin mo ako.” Makaawa nito sa dalaga sabay yakap nito kay Jane ng mahigpit. Nagpupumiglas man si Jane mula sa pagkakayakap sa kanya ni JC ay hindi siya nito pinakawalan.
BINABASA MO ANG
The Assassin(Completed)
ActionJULIAN ELIJAH HO(GSB-6)->Ang tinaguriang mangungutong ng magkakaibigan na GSB. Pero kahit na lagi niyang kinukutungan ang mga kaibigan niya ay lagi pari niyang kasangga ang mga ito. Ika nga walang mangungutong sa barkada kung walang nagpapakutong.