LUMIPAS ang mga taon na pagsasama nila Elijah at Sam bilang mag-asawa ay nanatili itong matatag. Tumigil na rin si Elijah sa trabaho niya sa pagiging assassin. Kaya naman niya buhayin ang pamilya niya kahit wala siyang kikitaing milyon sa isang kalabit lang niya ng gatilyo nang baril. Meron naman kasi siyang sariling kumpanya. At ang asawa niyang si Sam ay nanatili parin ito sa trabaho niya bilang OB.
"Hi! Ninang." Biglang napalingon si Sam ng batiin siya ng dalawa niyang inaanak na si Zeus at Sylvan. "Hey! Boys." Nakangiti niya ditong baling.
"Si Josh po, tita?" Tanong ng mga ito kay Sam. "Nasa kwarto niya, puntahan niyo na lang." Utos niya sa mga ito.
"Hey! Boys." Si Elijah na napangiti ng makita niya ang mga ito. "Hey! Nong." Panabay ng mga ito.
"Hinihintay na po kayo nila Dad sa bahay, Nong." Ani Zeus sa kanya. "Sige. Pupunta na rin kami dun maya-maya." Sagot niya dito.
"Okay! Po," sagot ni Zeus. "Nong, pupuntahan lang po namin si Josh." Dagdag pa ni Zeus. Isang tango lang ang isinagot niya dito. Kaya panabay na umakyat si Zeus at Sylvan kung nasaan ang kwarto ni Josh.
"Tok tok tok"
Katok ng dalawa sa kwarto ni Josh. Dahil walang sumagot ay tinulak ni Zeus ang pinto. Hindi naman ito nakalock kaya tuloy-tuloy silang pumasok. Agad nilang nakita si Josh na nakahiga habang nakadapa ito sa kanyang kama. Kaya mabilis itong nilapitan ng dalawa.
"Josh Vernon." Tawag nila dito. "Uhm." Bahagya lang itong umungol.
"Tado, get up dude." Sabay yugyug dito ni Sylvan sa balikat ni Josh. "Why?" Tinatamad nitong sagot.
"Basta bumangon kana dyan, may pupuntahan tayo." Ani Zeus na sumampa sa kama ni Josh. "Nasa labas ang barkada. Ikaw na lang ang hinihintay." Dagdag pa nito.
"Fine. Magpapalit lang ako ng damit." Anitong tinatamad na bumangon. Agad nga itong nagpalit ng damit habang naghihintay sa kanya si Zeus at Sylvan.
Matapus nitong magpalit ng damit ay mabilis namang bumangon ang dalawang nahiga sa kama niya habang hinihintay siya.
"Where we going?" Takang tanong ni Josh sa dalawa. "Malalaman mo mamaya." Sagot sa kanya ni Sylvan. Napailing na lang sa dalawa si Josh.
"Kuya, hatid mo ako kina ninang AD." Mukha agad ng kapatid ni Josh ang nabungaran nila pagdating nila sa sala. "Tsk! Sumabay kana lang kina Mommy at isa pa, nandyan lang naman ang bahay nila ninang AD oh!" Sabay turo nito kung saan ang bahay nila Zeus.
Bigla namang umaktong iiyak ang kapatid niyang kinabuntong hininga ni Josh. "Fine. Let's go." Pagsuko nito. Agad naman itong yumakap sa baywang ni Josh. "Thanks you kuya." Nakangiti na nitong aniya.
SAMANTALA napangiti na lang ang mag-asawa habang nakikinig sa usapang ng mga anak nila. Masaya silang nakikitang maayos ang pagpapalaki nila sa mga ito. Kahit na subrang kulit ng bunso nila ay lagi parin ito pinagbibigyan ng panganay nila. Hindi ito kayang hindian ni Josh. Kaya nagpapasalamat ang mag-asawa at nagkaroon sila ng masunuring mga anak at nagbibigayan.
"So." Ani Elijah. "Anong, so, mister. Magbihis kana at hinihintay kana ng mga kaibigan mo. Uulanin ka ng mga iyon ng buksa kapag nagpalipas ka pa ng isang oras." Taas kilay ditong ani Sam.
"Hayaan mo silang mambuksa." Mabilis nitong sagot sabay hapit niya kay Sam sa baywang. "Mister, maglalandi ka naman." Sita dito ni Sam.
"Ikaw lang naman ang nilalandi ko." Nakangiti nitong sagot. "Tsk! Kahit kailan talaga hindi ka nagbago. Ang hilig mo talaga sa anytime, anywhere na yan." Saad dito ni Sam sabay pulupot niya ng dalawang kamay sa batok ni Elijah at idinikit pa niya lalo ang katawan sa katawan ng asawa.
BINABASA MO ANG
The Assassin(Completed)
AksiJULIAN ELIJAH HO(GSB-6)->Ang tinaguriang mangungutong ng magkakaibigan na GSB. Pero kahit na lagi niyang kinukutungan ang mga kaibigan niya ay lagi pari niyang kasangga ang mga ito. Ika nga walang mangungutong sa barkada kung walang nagpapakutong.