Confession 01: Starting My Peaceful Life

35.7K 415 10
                                    

Confession 01: Starting My Peaceful Life

 

“Gangster Blood runs through my veins, but I don't want to enter their world. I never wanted to be like my parents- my mom. I don't want to be a Gangster. I will continue cutting off this thread just to make my life a whole simple and in peace. Never wanted to be threaten with death, bloods and enemies. No Gangster thing, no worries and this is my Confession.”

Muli kong binasa ang wallpaper sa laptop ko bago ko ito isara. Inilagay ko na ito sa bag at binitbit na rin pababa ng bahay. Ngayon na kasi ang alis namin dito sa Japan, 'yon kasi ang gusto ko at dahil minsan lang naman daw ako humiling sabi ni papa ay pinayagan na nila ako sa gusto ko pero hindi pumayag si mama na ako lang mag-isa ang manirahan sa Pilipinas kaya ngayon ay kasama ko silang tatlo. Kagabi ko pa nga pinagdadasal na sana ay iwan na dito si Aldous o kaya naman sya mismo ang humiling na magpaiwan pero inamag lang ako ay hindi natupad ang gusto ko. Malas.

Wala ng tao sa sala ng bumaba ako kaya naman ay dumiretso na ako sa labas ng bahay. Naabutan ko namang nasa loob na ng sasakyan ang mag-asawa habang naglalagay pa ng gamit sa compartment si Aldous at tito Codie. Naglakad lang ako papalapit sakanila at iniwan din doon ang maleta ko.

“Oh? Kasama ka pala?” nang-iinis na tanong sakin ni Aldous kaya inirapan ko na naman sya.

“Shut up bishie guy. I should be the one asking you that,” nginisihan nya lang ako habang napapailing. Naglakad na ako papunta sa backseat katabi si mama.

“Sigurado ka bang gusto mo sa Pilipinas?”

 

“Para namang hindi ka tumira sa 'Pinas mama”

 

Bahagya syang napangiti saka hinawi ang ilang piraso ng buhok na nakaharang sa mukha ko. “Kung ako ang tatanungin, gustong-gusto kong bumalik doon dahil doon kami nagkakilala ng papa mo-”

 

“Mom...” natawa naman sya dahil sa pagputol ko sa sinasabi nya. Uulitin na naman kasi ang way nila sa pagsingit ng lovestory.

“Okay, I know. Sinasabi ko lang naman. Ang akin lang naman kasi ay hindi kayo sanay doon dahil dito na kayong dalawa lumaki at nagkaisip sa Japan. Sa klima pa lang ay ibang-iba na kaya siguradong maninibago ka”

 

“I know mom. Masasanay rin ako,” tumango naman s'ya sa sinabi ko. “New ingredients of surrounding make the taste of life more exciting and delicious,” makahulugan kong tugon kay mama na mas nagpalawak ng ngiti nya.

“Sana, yung ingredient na ayaw mo ang hindi maidagdag sa spices ng buhay mo.” Napakunot lamang ako ng noo sa sinabi ni mama pero hindi ko na s'ya nagawang sagutin dahil saktong pumasok na ang kapatid ko pati si tito sa loob.

Tahimik na lamang kaming bumyahe patungong airport.

Hindi kami naipit sa traffic jam going here kaya naman mabilis lamang kaming nakarating. Tulad kanina, kinuha ko na ang maleta ko at ginawa ang mga dapat gawin. Hindi ko nga kinakausap si Aldous dahil nakakainis lang. Gwapo sana, wag lang talagang magsasalita dahil puro walang kwenta at pang-iinis lang ang lumalabas sa bibig.

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon