Confession 12: Curse Under the Rain
Alice’s POV
“I’m on my way home pero dumaan muna ako dito sa coffee shop malapit sa mansion to buy my latté,” bungad ko sa kabilang linya. Inabot ko naman ang coffee na inorder ko at dumiretso na papalabas ng coffee shop. Narinig kong napabuntong hininga si Aldous saka sinabing ‘takecare’ daw and that word was horrible, I mean, yea, it’s new. I immediately hang up as soon as I bid my goodbye at humigop sa hawak kong coffee. The scent was so great at ang sarap sa palad ng init nito dahil sa maulan na panahon.
Napanguso ako ng maalalang kaya nakarating ako ng tuyo ang katawan sa coffee shop ay dahil hinatid ako ng taxi pero ngayong iniwan ko nga pala ang payong ko sa puntod ni Grandpa, I don’t think I can walk my way home alone. Kailangan ko na namang maghanap at mag-antay dito hanggang sa may dumaang taxi and what’s worse is, malapit na ang pwesto ko sa exclusive subdivision kaya bihira ang taxi na nagdaraan, lahat kasi ng nakatira dito ay may sariling sasakyan.
Napabuntong hininga na lang ako habang sinasakop ng dalawang kamay ang kabuuan ng cup, medyo malamig na kasi talaga dahil sa lakas ng ulan at ayoko naman magstay sa loob ng shop dahil pakiramdam ko ay mas lalo lang akong lalamigin sa aircon. Sabihin na nating maulan na nga ang panahon pero Pilipinas pa rin ito kaya hindi sila mag-aabalang maglagay ng heater sa isang coffee shop lalo na at hindi naman Baguio o Tagaytay itong kinatitirikan ng shop.
Nagpalinga-linga ako sa paligid, nagbabakasakaling makahanap ng available na taxi. I sip my coffee heaving a sigh right after. Mukhang walang pag-asa. I guess, I better call Aldous para sunduin ako rito kaysa naman tuluyan akong magmukhang kaawa-awa sa labas ng coffee shop na ito.
Sinimulan ko ng hanapin ang phone sa bag ko nang biglang may bumusina sa mismong harapan ko. My heart almost jump with the noise kaya naman masamang tingin ang agad na ipinukol ko sa rider ng isang black ducati.
“Sabay ka na,” he said still wearing his helmet. Kahit naman hindi na niya alisin ang helmet na 'yan, sa like-a-boss-tone pa lang ng pananalita niya ay obvious na obvious na kung sino siya. I raised him a brow at tatalikod na sana noong bigla siyang bumaba sa motor at takbuhin ako just to grab my wrist. Kung masama na ang tingin ko sakanya kanina, mas sinamaan ko pa ng makaramdam naman ang isang ito na hindi ako interesadong sumakay sa motor niya. Gusto ko makauwing tuyo at kompleto pa ang bahagi ng katawan.
Pasimple akong nagpumiglas habang binabawi ang wrist ko sakanya para hindi kami makakuha ng atensyon. “Let me go,” I started almost whispering.
“Kung mag-aantay ka ng mag-aantay para sa taxi dito, magyeyelo ka lang sa lamig ng panahon at wala namang daraan,” he paused at napansin kong ibinaling niya sandali ang tingin sa loob ng coffee shop bago ako muling tingnan. “At kung binabalak mo makisabay sa ibang lalaki diyan, hindi ako makakapayag.”
Halos tumalbog ang mga mata ko palabas sa eyesocket sa narinig. Pinilit kong bawiin ang braso ko sakanya pero masyado siyang malakas at mahigpit kung humawak hanggang sa nakita ko na lamang ang sarili kong kinakaladkad niya at ngayon ay nakasakay na sa itim na ducati habang nasa unahan ko ang bwisit na rider.
BINABASA MO ANG
BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)
ActionSERIES 2 || Running away is not the answer. ©2014