Confession 22: Puzzlement
Tao’s POV
Napapikit ako panandalian matapos maramdaman ang init ng paghagod ng whisky sa lalamunan ko matapos ko itong ubusin ng isang lagukan. Sandali kong pinagmasdan ang emptied glass na hawak ko sa kanang kamay bago muling ibalik ang tingin sa isang babaeng abala sa pagseserve ng pagkain at ngiti sa mga customers. Pinagmasdan ko ito hanggang sa muli siyang naglakad papunta sa ibang table.
Nasa isang bar ako ngayon at binabantayan si Tyra, ang nag-iisa kong nakababatang kapatid.
Hindi ko maiwasang mag-alala para sakanya mula noong gabing ‘yon. Halos madurog ang puso ko ng makita ang inosenteng si Tyra na naglalakad papauwi sa condo unit namin, wearing her cheerful smile… while a mysterious sh*t is pointing a gun directly to her head a few meters away. Hindi ko makita kung sino siya, kung babae ba o lalaki dahil na rin sa dilim ng lugar. Doon lang ako unang beses nakaramdam ng kaba and feel rooted on the spot. Pakiramdam ko nga ay tumigil ako sa paghinga habang pinagmamasdan siya. Good thing, nabalik ako sa senses ko ng tawagin ni Tyra ang pangalan ko noong malapit na siya sakin. Nakangiti siya habang kumakaway sakin. I diverted my gaze on the gun man at umalis sa pagkakasandal ko sa dingding at agad na nilapitan ang kapatid ko. I hugged her tight and smoothly pulled my gun on my waist ng hindi niya nahahalata. Mabilis kong pinapatukan ang gun man na agad ring bumulagta. I have my silencer habang binubulungan ng kung anu-ano si Tyra that night para hindi niya mahalata ang ginagawa ko.
“May sakit ka ba kuya? You’re shaking,” rinig kong bulong ni Tyra habang nakayakap pa rin ako sakanya. Bumuntong hininga ako para ikalma ang sarili ko. Marahan akong lumayo sa yakap at pinagmasdan siya habang itinatago ko rin ang baril sa gun pocket ko.
“You’re late. Tara na’t kumain,” pag-iwas ko sa sinabi niya. Inakbayan ko na siya papasok sa building.
Akala ko wala ng susunod sa bwisit na pangyayaring ‘yon pero put*ngna lang talaga! Hindi pa pala. Kanina, umagang-umaga may nakita na naman akong nag-aabang sa hindi kalayuan sa building ng unit namin at dahil papasok ang kapatid ko ng mag-isa, pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko sa kaba noong makita kong may hawak rin na baril ang bagong nagmamasid. Kaya mabilis kong tinakbo ang kapatid ko at inihatid ito sa ekwelahan niya. Takang-taka na nga siya sa ginagawa ko dahil hindi ko naman ugaling ihatid pa siya hanggang sa school niya at kahit anong tanong niya ay hindi ko naman masagot. Ito lang naman ang magagawa ko, ang bantayan ang nag-iisang babae sa buhay ko. Kaya nga ito ako ngayon at tinalo pa ang stalker sa kakabantay sakanya kahit saan siya magpunta. Hindi talaga ako mapapanatag hangga’t wala siya sa loob ng bahay.
Hindi ko alam kung sino ang gumagawa nito at kung bakit kailangan niya pang idamay ang inosenteng si Tyra. P*ta lang dahil wala naman siyang alam para madamay sa gulo ng buhay ko. Bukod sa Arendelle’s Mafia ay wala naman na kaming nakakabangga. I wanna kill them before they lay a hand on Tyra, but there’s something inside me na pinipigilan akong gawin ‘yon and the f*ck I never know what the f*ck was that!
Mabilis kong tinungga ang hawak kong alak at hinanap si Tyra sa loob ng maingay at madilim na bar. Kanina lang ay nakikihalubilo at nilalamon siya ng dami ng tao kaya hindi ko na siya makita. Marahas akong tumayo sa kinauupuan ko but before I even move my feet, hinarangan na ako ng isang waiter at may iniabot na isang alak. Napakunot noo ako dahil sa ginawa niya pero kinuha ko na rin. Nakita ko pang ngumisi ang waiter bago tuluyang nawala sa gitna ng dami ng tao. I tried to look for the jerk pero masyadong madilim at crowded kaya hindi ko na siya nakita. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa hawak kong alak at inamoy ito and there, I saw a piece of paper na nakadikit sa ilalim. Mabilis kong kinuha ito at hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang akong kinabahan.
BINABASA MO ANG
BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)
ActionSERIES 2 || Running away is not the answer. ©2014