Confession 16: Cinderella Was Gone

12.7K 225 10
                                    

Confession 16: Cinderella Was Gone

 

Who ever did this to me, I won’t turn into a Goblin, but for now… Cinderella was gone.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Mabilis akong bumaba sa dala kong Gallardo. Good thing dahil pinahiram sakin ni mama ang sasakyan na ito, ‘yon nga lang we have to keep this a secret from papa dahil siguradong hihimatayin na naman sa over reaction ‘yon. Awtomatikong napatingin ako sa suot kong wrist watch habang naniningkit pa ang mga mata dahil sa matinding sikat ng araw. Kung kailan naman kasi hapon na, saka naman mambubulabog ng tawag sa bahay ang dean ng course ko para sabihing kailan niya akong makausap regarding my offense dahil sa brutal incident last week. Balak ko naman ng pumasok pero naisip kong bukas na lang dahil late akong nagising. Namimiss ko na rin ang araw-araw na pagsneak ni Aldous sa kwarto ko at gagamitan ako ng kung anu-anong kalaswaan sa katawan para mapilitang gumising ng maaga and jerk the bath room.

I sighed with the thought. Kapansin-pansin na abala ang mga estudyante ng Steins dahil sa pagkagaslaw nila ngayon sa ground. Pagala-gala sila sa initan habang may mga bitbit na kung anu-ano. Pumasok na lang ako sa elevator ng building ng magbukas na ito. Dahil ipinaglihi yata ako sa kuryusidad, nagtatakang nagpalinga-linga ako sa paligid habang tinatahak ang kahabaan ng hallway ng 3rd floor. What the hell is happening here? Kunot-noong napahinto ako sa tapat ng dean’s office habang sinisilip mula sa railings ng corridor ang mga pinagkakaabalahan ng mga estudyante sa ibaba. It’s like, they are upto something. May mga estudyanteng pabalik-balik sa loob ng gym at ang iba naman ay abalang maglagay ng mga palamuti sa campus ground. Mukhang may program na magaganap at hindi ko alam.

“Grand party celebration for the 3rd year Temple Island’s anniversary.” Napalingon ako sa nagsalita sa tabi ko. Diretso itong nakatingin sa mga estudyante sa ibaba saka nilingon ako nito at ngumiti. “I’m so sorry. Mukhang nabigla kita sa pagsulpot ko dito,” mahinahon at magalang na tono nito.

“No, ayos lang at least alam ko na. Matagal din akong hindi naging updated sa loob ng Steins,” sagot ko rito.

“I know-” nahinto ito sa pagsasalita ng awtomatikong mapatingin ako sakanya. Ngumiti naman ito ng hindi komportable at mukhang nahihiya. “I mean, hindi naman siguro lingid sayo ang mga nangyari last week, right? Classmate ako ni Colix and I hope hindi mo pa nalilimutan na sinabi ko sayo ‘yan last week,”

 

“Hi, Alice.”

 

“Who are you?”

 

Napatawa ito sandali bago muling tumitig sa’kin. “You’re too famous here. They are right that you are such a beauty,” mahinang sagot nito pero sapat na para marinig ko. “I’m Colix’s classmate and tulad niyo ay transferee din ako. I’m Aoi Yuzuriha,”

 

“I see,”

“I have my eyes on you,”

 

I eyed her. Ganoon pa rin naman ang ekspresyong suot niya, isang komportableng ngiti pero hindi ko talaga gusto. Mukha lang naman siyang isang simpleng estudyante pero ayoko ng ugali niyang pasulpot-sulpot sa harapan ko at magsasalita ng mga weird na bagay. It’s just that… she’s not the type na magiging komportable ako. I have my eyes on you. What the heck was that?

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon