Confession 45: Chain of Fate
“This is not destiny. This is a chain of fate.”
- - - x
Nakapangalumbaba lang ako habang nakasilip sa bintana kung saan ay tanaw ko ang mga naglalaro ng baseball sa field. Past 6PM na pero patapos pa lang ang practice ng mga estudyante. Pinagmasdan ko lang sila magwrap-up ng mga gamit nila. Gusto ko matuto maglaro niyan sa totoo lang, pero ayaw ni papa dahil hindi daw larong babae ‘yon kaya ito ako ngayon at hanggang nood lang sa mga players.
“Hintayin mo ako dito, ha? Ihahatid ko lang itong papers sa faculty.” Naalala ko na naman ang mariing bilin sakin ni Spade bago siya umalis ng room. Nag-exam kasi kami kanina at siya ang inutusan ng matanda naming professor na magbitbit ng test papers papunta sa faculty kaya ngayon ay naiwan akong mag-isa dito sa room namin. Sabi ko nga ay sa parking lot na lang ako mag-aantay para hindi na siya umakyat dito sa 5th floor dahil nasa 3rd floor ang faculty room pero ayaw naman niyang pumayag. Mas safe daw dito kaysa doon dahil maraming pauwi na estudyante na nagpupunta sa parking lot. Ewan ko rin kung anong connect ng reason niya.
I yawned. Naninibago pa rin ako sa pagiging sobrang maantukin ko. Antukin naman na talaga ako noon pero hindi naman kasi ganito kalala. Mabuti na nga lang at hindi rin ako madalas maduwal at hindi ako ganoon kaselan sa pagkain. Iniyuko ko ang ulo sa armchair ko at nagsimulang ipikit ang mga mata. Siguradong gigisingin naman ako ni Spade kapag nandito na siya o kaya naman ay bubuhatin niya ako papuntang kotse tulad ng madalas niyang gawin tuwing makakatulog ako.
Patulog na sana ang diwa ko nang marinig ang pagbukas ng pinto. Binuksan ko ng kaunti ang mata ko para silipin ang pagdating niya. Napangiti ako ng makita ang pigura ng isang lalaki sa pintuan habang naglalakad ito palapit sa pwesto ko. Muli kong ipinikit ang mga mata at inantay ang paglapit niya sakin. Naramdaman kong umangat ako mula sa kinauupuan ko at nagsimula na itong maglakad habang buhat-buhat ako. Pero habang ginagawa niya ‘yon, ibang pangalan na naman ang pumasok sa isip ko…
Oz Bezarius.
***
Isiniksik ko ang sarili sa kumot na nakabalot sakin matapos maramdaman ang pagdampi ng malamig na simoy ng hangin sa balat ko. Ngunit muling naalimpungatan nang maamoy ang pamilyar na pabango ng kumot. Bumilis at naging abnormal ang kabog ng dibdib ko sa naisip. Napabalikwas ako ng upo at doon lamang napansing nasa loob ako ng isang kotse. Sa backseat ako nakatulog. Tulad naman ito ng kotse ni Spade pero hindi ganito ang amoy ng pabango niya. Alam ko at kabisado ko ang amoy ng ginagamit niyang pabango dahil sa tagal naming magkasama. Lumapit ako sa bintana ng sasakyan saka nakitang hindi pamilyar sakin ang lugar. Mukhang malayo ito sa kabihasnan, parang probinsya ang set-up.
Lumabas ako at hindi ko naiwasan ang mapayakap sa sarili dahil sa lamig ng hanging bumungad sakin. Muli kong kinuha ang kumot sa kotse at binalot sa katawan ko. Tila naman ay nakaset ang puso ko na kumabog ng ganito kabilis tuwing maaamoy ang pabango sa kumot. Hindi ko maipaliwanag. Tumingala ako sa liwanag ng buwan at pinagmasdan ang gabi nito. Naalala ko ang gabing pinagmasdan ko rin ang buwan habang iniisip ang mga pangyayaring nangyari samin ni Oz. Pasimple kong hinawakan ang tiyan ko. Siya rin ang kasama ko habang pinagmamasdan ang liwanag ng buwan ‘non.
Nalipat ang tingin ko sa maliit na kubo hindi kalayuan sa pinaradahan ng kotse nang may lumabas doon na isang lalaki. Nakatalikod ito mula sa pwestong kinatatayuan ko kaya hindi ko makita ang mukha niya. Fitted plain white shirt ang suot nito kaya naman nashape ang perfectly sculptured bisceps niya pati na rin ang broad and strong back and shoulders. May pagkamessy ang buhok at maputi. Nanlaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan ito. That familiar great-musculine stature. Hindi ako pwedeng magkamali.
BINABASA MO ANG
BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)
ActionSERIES 2 || Running away is not the answer. ©2014