Confession 40: Unconscious Consciousness

7.1K 138 9
                                    

Confession 40: Unconscious Consciousness

 

Hindi ko maiwasang paminsan-minsan ay mapatitig sa mukha ni Spade habang nililinisan nito ang sugat sa noo ko. Oras na kasi para palitan ang gasa at sobrang lapit ngayon ng mukha niya sakin. Nararamdaman ko na nga ang pagtama ng hininga nito sa pisngi ko and what’s strange is this chill I’m feeling now. Sariwa pa ang sugat at tahi na natamo ko sa kilay matapos ng laban. Masakit pa ang katawan ko at hindi maigalaw ang isang binti. Malinaw pa ang bakas ng pagkakasakal sa leeg ko pero kahit papaano ay hindi na ako ganoong nahihirapan sa pagkilos lalo na at araw-araw ring nakabantay sakin si Spade dito sa mansion. Sina mama at papa naman ngayon ang nagbabantay sa hospital habang hindi pa sila bumabalik sa Japan at habang nagpapagaling pa ako.

“Tapos na.” Lumayo ito at ngumiti sakin. Napaiwas naman ako ng tingin ng maramdaman ang pag-init ng pisngi ko. Darn. He’s too handsome with that boyish smile of his.

Sa ilang linggo naming magkasama ni Spade ay mas naging komportable na ako sakanya. Minsan siya ang magbabantay sa hospital habang sina mama at papa naman ang magpapahinga dito sa mansion. Nabalitaan ko rin na madalas pa ring dumalaw doon si Charm at minsan na rin silang nagkita ni Spade doon. Good thing dahil hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam na iba tungkol sa kalagayan ng kapatid ko. Salamat dahil may iilan pa rin akong nasasandalan ngayon bukod sa magulang ko.

“Gusto mong kumain?” Tiningnan ko lang siya at hindi nagsalita. Inayos ko ang unan at nahiga sa sofa. Nasa sala kasi ngayon. Nakita kong tapos na niya ayusin ang medicine kit na hawak niya.

“Matutulog ako.” Simpleng sagot ko. Sinamaan niya ako ng tingin pero inirapan ko lang siya. Hindi tatalab sakin ang pananakot niya.

“Kumain ka muna. Hindi ka pa nagtatanghalian,” sagot nito saka hinatak ang sleeve ng suot kong sweater patayo.

“Yah, Spade!” Saway ko pero ngumiti lang ito.

“Umupo ka lang diyan. Ipaghahanda kita ng makakain.” Hindi na ako natuloy sa pagpoprotesta nang mabilis itong tumalikod at naglakad palayo patungong kusina.

Napabuntong hininga na lang ako sa inasal niya. Nakasanayan ko na rin ang ugali ng lalaking ‘yon na umabot sa puntong pati dighay niya kilala ko na. Sa dalas ba naman naming magkasama sa araw-araw na ginawa ng Diyos. May mga oras nga na naaalala ko sakanya si Oz. Like last night when I caught light fever, siya ang nag-alaga sakin at tinawag ko raw siya sa pangalang Oz habang natutulog ako. Honestly, I felt sorry for him. Medyo naguilty ako sa nagawa ko kahit na hindi naman sadya ‘yon. Feeling ko naoffend ko siya. At mas nakararamdam ako ng guilt tuwing ganyan siya sakin kabait sakabila ng nagawa ko.

***

 

“Dahan-dahan lang sa paghakbang. Hindi naman aalis ang kwarto ni Aldous.” I hissed and rolled my eyes. Kanina niya pa ako pinapagalitan dahil ang bilis ko daw maglakad kahit na pipilay-pilay pa ako. Eh sa anong magagawa ko kung gusto ko na makarating doon? Ilang araw ko na ring hindi nadadalaw si Aldous dahil sa nangyaring laban. Hindi agad ako pinayagan ni papa na umalis ng mansion dahil sa pilay ko saka sariwa pa ang mga natamo kong sugat at pasa sa katawan.

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon