Confession 18: The Nightmare
Aldous’ POV
“Hindi na ulit bumalik si Oz, nasaan na kaya ang batang ‘yon?” Nagkibit-balikat lang ako sa tanong ni mama. Hindi ko naman kasi alam ang isasagot. Mula kasi noong gabing ‘yon, hindi na siya ulit bumalik para manlang makibalita. Hindi ko naman alam kung nasaan at wala rin naman akong pakialam.
Nandito kami ngayon nina mama kasama sina Spade sa isang kainan malapit lang sa hospital, ayaw kasi ni mama kumain doon sa cafeteria pakiramdam niya raw magkakasakit siya doon. May ginagawa pa namang check-up ang doctor kay Alice at sinabing pwede na daw muna naming iwan. Ayaw man ni mama dahil sa matinding pag-aalala, napilit na rin siya ni papa. Ito ngang sina Spade uuwi lang sa council para maligo at magbihis tapos balik na naman dito.
“Sana naman magising na si ate Alice. Dalawang araw na rin kasi,” tugon ni Charm habang kumakain. Isa pa itong babaeng ito, mula noong napasugod sila sa hospital ay hindi ako niyan kinakausap o kahit manlang tingnan. Parehas sila ni Clover. Ewan ko kung anong problema niyang dalawang ‘yan. Hindi naman sa may pakialam ako, hindi lang ako sanay. Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa pagkain at inubos.
Bumalik na rin naman kami sa hospital at naabutang natutulog pa rin ng mahimbing si Alice. Sabi naman ng doctor, basta malinis na ang katawan niya mula sa apomorphine drug na ‘yon, siguradong magigising na siya. Hindi ko pa rin makalimutan ang mga nangyari ng gabing ‘yon. Ang lakas ng tama sakanya noong drug.
“You should wake up and see who saved you,” bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan siya. Unti-unti na ring nawawala ang pasa ng katawan niya at hindi na rin siya ganoon kaputla. Mabuti na ‘to ng hindi niya kami pagkamalang mga demonyo.
“Kids, pwede na kayong umuwi at magpahinga muna. Absent na nga kayo ngayong araw.” Lumapit ako sa tabi ni mama na kinakausap ‘yong tatlo.
“Ayos lang naman po kami saka gusto po naming makitang gumising si Alice,” sagot ni Spade. Gaano na ba sila kaclose ng kapatid ko at ganyan siya?
“Pwede naman kayong bumalik mamaya. Gusto ko lang na makapagpahinga na rin muna kayo,”
Nagtinginan muna silang tatlo at tumango. “Sige po Mrs. Grey. Tawagan niyo po agad kami pag nagising na si Alice. Babalik na lang po kami mamayang gabi.” Hinatid ko na sila sa pintuan at isiniara bago umupo sa couch.
“I never imagined this would happen to her,” mahinang bulong ni mama habang hinihimas ang mukha ni Alice.
“Ganito rin ba kahirap ang mga pinagdaanan mo noon ma?” pang-uusisa ko. Medyo curious lang naman.
Umiling ito. “In my case, alam ko kung anong grupo lang ang kalaban ko. Alam ko kung anong grupo ang pinagtataguan ko. ‘Yun nga lang, hindi ko alam ang reason.” Tumatango-tango ako. “I just need to hide our identity and slowly find who’s the master mind… pero mukhang iba naman sa ate mo,”
BINABASA MO ANG
BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)
AcciónSERIES 2 || Running away is not the answer. ©2014