Confession 31: Conspiracy
Ultimately, there are only two actions you can take in a game- advance your own strategy or respond to another player’s strategy.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - x
“What do you think you’re doing? Bakit mo ako sinundo sa mansion?” mataray kong tanong matapos kong isuot ang seatbelt. Hinarap ko siya and crossed my arms on my chest, raising him a brow. He smiled widely making me feel unease. Nakakakilabot kasi kung makangisi. I shot him a glare but he just shrugged before starting the engine. He then grabbed the stirring wheel and kicked the car out.
Napabuntong hininga na lang ako at komportableng isinandal ang sarili sa upuan habang nakatingin sa labas ng bintana. Sa totoo lang, habang tumatagal ay mas lalong nagiging weird itong si Oz. Minsan hindi ko na maintindihan ang mga pakulo niya. Hindi ko kasi alam kung kailan niya na naman maiisipan gumawa ng mga kalokohan. Tulad ngayon, bigla na lang siyang sumugod sa bahay para sunduin ako. He even acts like nothing and comfortably sa harapan ni papa at ni Aldous. Like hello? Against sa mga lalaking bisita ang dalawang ‘yon kaya himala na lang at nagawa niya pang magtagal sa mansion kasama namin kumain. Wala na talaga akong magets sa mga nangyayari.
“May mga nanliligaw ba sayo?” Napabalikwas ako sa biglaang pagtatanong ni Oz. And what’s with his question? Imbes na sumagot ay nanahimik na lang ako. “I mean… oh f*ck.” I heard him cussed under his breath. Nagsimula ng mangunot ang noo nito at napapahigpit na rin ang kapit niya sa manibela. Ano bang problema ng isang ito?
“Ang weird mo. Ano bang pinagsasabi mo diyan?”
“Can’t you just answer me? Just answer for fu-Pete’s sake.” Halatang nagpipigil itong muling magmura and that was cute. Nagsisimula ng mamula ang tainga nito habang napapabuntong hininga. Impatient bossy man. Tss.
“Do I really have to?” mapang-asar kong tanong. Pinukol ako nito ng masamang tingin kaya hindi ko na naitago ang ngisi sa labi ko. Gusto ko lang naman linawin niya ang pinagsasabi niya kasi sa totoo lang, hindi bagay sa isang Oz Bezarius ang hindi pagiging straightforward.
“Nevermind,” he hissed almost inaudible. Ibinalik na nito ang tingin sa daan at hindi na muling nagsalita. Napakibit-balikat na lang ako at nanahimik na rin sa upuan ko at itinuon ang atensyon sa labas ng bintana. Nevermind daw e.
Ilang sandali pa ang nakalipas noong ihinto na nito ang sasakyan sa parking lot ng Steins Gate University. Ni hindi ko nga napansin na nakarating na pala kami rito na hindi manlang nag-uusap. After his question na hindi ko sinagot ng matino ay pinanindigan na talaga nito ang pagdedma sakin. Akala niya naman papansinin ko rin siya? Asa. Wala naman akong ginagawang masama.
Mabilis akong naglakad palayo sa sasakyan noong makalabas ako. Hindi ko na ito inantay at hindi niya rin naman ako sinundan. Seriously? Bakit ganito ‘tong lalaking ito? Pasimple akong pumihit patalikod para sulyapan siya pero kalalabas lang nito sa sasakyan sukbit pa ang bag niya. Mukhang nilalock na yata niya ‘yong sasakyan. Nakatalikod siya mula sa kinatatayuan ko kaya hindi ko makita ang mukha niya. Hindi manlang niya ako hinahanap? Aba himala talaga! Parang hindi niya manlang napansin na wala na ako doon. Grabe!
BINABASA MO ANG
BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)
ActionSERIES 2 || Running away is not the answer. ©2014