Confession 47: Cinderella’s Fangs
"Don't let them swing their knives in front of your face. You're a Queen."
Again, explicit language ahead.
- - - x
Pinilit kong gumalaw mula sa kinatatayuan ko ngunit bigo ako dahil sa makapal na lubid na nakatali sa kamay ko na nakasabit sa kisame. Hinang-hina na rin ang mga tuhod ko dahil sa matagal na pagkakatayo. Masakit na masakit na ang buong katawan at mukha ko sa bugbog na inabot ko mula sa mga tuta ni Aoi. Hindi ako makapaniwalang ang mga taong dati kong hinawakan ay siya ring magdadala sakin sa ganitong sitwasyon. I can’t believe Silver Wolves will be my way to hell. That sounds cool, right? Minsan tinatanong ko sa sarili ko, kung paano kaya kung hindi ko nakilala si Alice, ganito pa rin kaya ang kalalabasan ng lahat? O baka ako ngayon ang nasa pwesto ni Aoi, helping her to kill this young lady for the sake of my love for her. I loved Aoi, before. Sweet. Well, but not until Alice came and ruined and stole my mind and whole heart for Aoi.
My eyes were as heavy as rock pero pinilit ko pa ring idilat. Kailangan kong makita si Alice. Kailangan kong makita ang babaeng mahal ko. Marami pa akong dapat sabihin, ipaliwanag at itanong. Gusto ko pang kumpirmahin kung tama ang nakita ko. And finally, I was able to lift my eyes to open. I heard her screamed her heart out as the knife burry in her thigh. I wanted to run to her, hug her and pushed that crazy b*tch away from her. No one could have hurt my Alice. No one.
Aoi pulled the knife and tried to stabbed Alice but she carefully dodged it but not the second one. I gasp as I witness the scene. She’s going to kill Alice but I can’t f*cking do anything! Ni hindi nga ako makapalag. Hindi manlang makasigaw. Kahit nga ang huminga at dumilat ay pilit na pilit pa. I stared at her face. She can’t die like this. I won’t let anyone kill her. Or I’ll die here with her. I can’t afford to lose her, again.
And like time machine, I felt my own time warp from the very beginning. How it started and how it became like this.
“What the f*cking hell are you two doing?!” malakas at galit kong sigaw matapos ibato sa kung saan ang kaninang hawak kong sigarilyo. Gigil na hinablot ko ang kaliwang braso ni Aoi palayo sa taksil at puny*tang si Leon. Tangna! Kailan pa nila ako ginagagong dalawa? At sa loob pa mismo ng HQ ng gang ko? P*ta.
“O-Oz… i-it’s not what you think-”
“It’s not what I think?!” Sigaw ko nang subukang magpaliwanag ni Aoi. Tiningnan ko ang lamesa sa tabi namin kung saan ko sila naabutang naglalampungan ni Leon. Puno ng hindi mabilang na bote ng alak at pinaggamitan ng marijuana. No wonder they looked used and high. Muli kong ibinalik ang galit na tingin kay Aoi at mas hinigpitan pa ang hawak dito. Napangiwi ito sa sakit at mahinang napadaing. “What the hell do you think I’m f*cking thinking?!” Gigil kong sigaw.
“O-Oz…”
“Oz, tama na. Nasasaktan si Aoi-”
“Isa ka pang put*ngna ka!” Ibinalibag ko ang braso ni Aoi saka malakas na sinuntok si Leon. Hindi niya inaasahan ang ginawa ko kaya naman mabilis ko siyang napatumba sa isang suntok. Hindi na ako nagulat na parang balewala lang sakanya ang ginawa ko saka niya idinura ang dugo sa bibig niya.
BINABASA MO ANG
BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)
ActionSERIES 2 || Running away is not the answer. ©2014