Confession 32: Mind Maze

8.2K 134 13
                                    

Confession 32: Mind Maze

 

“There are some things in life that will only be understood through words.” Winry Rockbell (Fullmetal Alchemist)

- - - - - - - - - - - - - - -  - - - - - - - - x

 

“Watashi wa anata no denwa o matte imashita.” (I was waiting for your call) bungad ko sa kabilang linya matapos sagutin ang tawag ni mama.

[Oh yeah, moshi moshi,] (Oh yeah, hello) sarkastikong sagot naman nito. Napatawa ako ng mahina noong maisip ang iritadong mukha ni mama. Ayaw niya kasing hindi manlang naghehello ang mga tinatawagan niya pero siya rin naman ay hindi naghehello kapag may tumatawag sakanya. Gantihan lang ‘yan. [Colix is going to pick you there.]

 

“Main gate? Kare wa nanji ni tsukimasu ka?” (What time will he arrive?) napatingin ako sa suot kong wristwatch. Ang aga naman kasi ng flight nina mama papuntang Japan. Mabuti na lang at pwede akong magcutting class sa next subject ko dahil hindi naman major saka walang exam.

[He’ll be at 10 so better hurry up.]

 

“Demo…” (But…) napatingin ako sa kaharap kong carbonara at napalunok. Nakakailang subo pa lang ako and 9:45AM na. Hindi pa naman biro ang layo ng main gate mula dito sa cafeteria. Napabuntong hininga na lang ako at eat a spoonful pasta saka isinukbit ang bag ko. Kinuha ko pa ang dalawang garlic bread bago tuluyang lumabas sa cafeteria.

[Naze?] (Why?)

“Nandemonai.” (Nothing) “I’ll hung up na, ma. Tumatakbo kasi ako.” Hinihingal kong sambit habang patuloy na tinatakbo ang daan papuntang main gate. Grabe naman kasi ang lawak ng Steins.

[Yokatta. Matte!] (I understand. Wait!) Akmang ibaba ko na ang tawag noong magsalita muli ito. Iritado kong ibinalik sa tenga ang cellphone. [Ki o tsukette. Jaa.] (Take care. Bye) Then she hung up. Gusto ko sanang kiligin kay mama pero sa isang banda, may part na trick niya ‘yon para siya ang magbaba ng tawag at hindi ako. Tss.

Mabilis kong tinatakbo ang daan noong mahagip ng mata ko ang nakatalikod na lalaki sa hindi kalayuan. Akala ko nga si Oz dahil kapareho niya ito ng tindig kaya napahinto at napakurap pa ako ng mga mata. Nakapamulsa ang dalawang kamay nito at bahagyang nakayuko sa kaharap niyang nakaupo. Pero noong mapagtanto kong babae ‘yong nakaupo dahil sa haba ng buhok nito at nakapalda pa, naisip kong hindi si Oz ‘yon. May pagkaallergic na kasi sa babae ‘yong bossy na ‘yon.

“Hindi naman siguro,” bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan sila.

Bigla akong napatalon sa gulat hawak pa ang kaliwang dibdib ko noong malakas na bumusina ang nakaparadang sasakyan sa harap ng main gate. Agad namang sinita ng guard ‘yong aroganteng driver pero umulit lang ito ng busina. Sa inis ko ay nilapitan ko na ito pero agad ring napahinto noong mapansing pamilyar ang dilaw na sasakyan.

Si Jaguar ito.

“Manong guard, tumabi ka. Nagmamadali kami,” suway ko at mabilis na binuksan ang passenger seat. “Let’s go.” utos ko habang inaayos ang seatbelt ko. Hindi ko na nga hinarap kung sino ang driver dahil alam kong si Aldous ‘yon.

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon