Confession 13: Unexpected Visitors
Humihikab na inayos ko ang suot kong uniform habang naglalakad papunta sa kusina. I can’t sleep last night that’s why I’m effing sleepy now. Tuwing ihihinto ko ang sarili sa pag-iisip ay nakikita ko na lamang na napapayuko na ako kasabay ng pagbagsak ng mga talukap ng mata ko. I just can’t help it.
Mabilis akong naupo sa pwesto ko at wala sa loob na isinubo ang toasted bread na nasa harapan ko. Inaantok man ay pinilit kong idilat ang mga mata ko para naman hindi nakakahiya sa pagkain. Mapapagalitan din ako nitong mag-asawa pag nakitang aantok-antok ako sa ganito kaaga.
“Is it heavy?” napatingin ako sa kadarating lang na si Aldous papunta sa katabi kong upuan. Agad na dumampot ito ng toasted bread at nilagyan ng jam. Hindi naman ako sumagot sa tanong niya sa halip ay nangunot lang ang noo ko. Napansin naman niya yatang hindi ko gets ang sinasabi niya kaya itinuro nito ang mga mata ko. “That eyebags. Too big for a girl,” walang pakialam na tugon muli nito. Sinamaan ko na lang siya ng tingin at uminom ng fresh milk. “Hindi ka nakatulog ng maayos kagabi? Ang sarap nga matulog dahil maulan e,”
“F*cking lights and thunders don’t let me have my beauty rest. They envy my face,” naiinis na bulong ko.
“Sabihin mo, natatakot ka lang.” Inirapan ko na lang siya.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit sobrang natatakot ako kagabi sa mga kulog at kidlat. That time, pakiramdam ko ako lang mag-isa sa mundo, na kayang-kaya akong lamunin ng kulog at kidlat, na wala akong kakampi at ano mang oras ay mamamatay ako. Just the thought of Granpa not on my side last night… ang mas nakadagdag ng takot na nararamdaman ko. Palagi niya akong sinasamahan sa kwarto ko tuwing may kulog at kidlat sa gabi at siguro ay namimiss ko lang ang mga bagay na iyon.
Kaya ngayon ay nagsasuffer ako sa matinding antok for failing to have my sweet night. Lahat naman ginawa ko kagabi para lang hindi mapansin ang kalapastanganan ng hangin, malakas na buhos ng ulan, kulog at kidlat. Nagtakip ng unan sa mukha, nagtago sa kumot, nagkulong sa shower room pero wala pa ring epekto. Gusto ko sanang lumabas ng kwarto pero hindi ko na ginawa. Ang matulog nga lang di ko kaya, maglakad pa kaya sa dilim ng mag-isa. Tss.
Lumingon ako sa paligid ko noong mapansing matagal na pala akong nakatunganga sa basong hawak ko. Kaya naman pala parang wala akong naririnig sa paligid dahil sa matinding paglalakbay ng kaluluwa ko papunta sa planetang yekok. Ni hindi ko nga napansin na si Aldous na pala ang nag-abot kay papa ng newspaper kahit na gawain ko ‘yon at ang pagsalo sa’min ni mama sa hapagkainan mula sa kusina… and Oz eating his breakfast.
“Oz?” hindi ko makapaniwalang tanong kaya naman ay natigil ito sa paghigop ng kape at bored akong tinitigan. Akala ko maaga itong umalis ng bahay namin. Hindi na nahiya, dito na nga natulog pati ba naman pagkain.
“Dapat ay maagang aalis ang binatang ito pero sinabi kong dito na rin magbreakfast at sumabay sainyo pagpasok,” paliwanag ni mama na para bang nainitindihan nito ang gusto kong marinig sa tono ng boses ko. Awtomatiko namang napaharap ako kay papa na kabababa lang ng newspaper. Kaya naman pala lukot na lukot na naman ang mukha ng isang ito.
BINABASA MO ANG
BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)
ActionSERIES 2 || Running away is not the answer. ©2014