The Girl with a Black Metal Collar

41 1 0
                                    

Drake's P.O.V.

Boring naman dito sa classroom. Yes, I am here inside this stupid worthless school. Lunch time na namin at tapos na akong kumain. Nakatingin ako sa labas ng bintana sa tabi ko. Dama ko din ang mga tingin nilang lahat. Ano bang problema? Naiinis na ako. Konti nalang pagsusundutin ko na mga mata nitong mga to. Kinalimutan ko nalang ang mga iyon at itinuon ang attention ko sa pigurang nakita ko kahapon. Napanaginipan ko nanaman siya. I can't see her face, but her beautiful voice made me keep on thinking of her.

"um...... Drake?"

Nagising nalang ako sa pag-iisip ko nang may babaeng magsalita sa tabi ko. Nilingon ko ang istorbo at nakita ko ang tatlo kong kaklase. Sina Joyce, Stephanie, at Jasmine na may dalang kung ano, namumula pa ang mga mukha nila. Nasampal ba sila ng isang daang bese ng kung sino at ganito kapula mga mukha nila?

"um... Drake... para sa iyo o" ----Stephanie

"tanggapin mo sana" ----Joyce

"sana magustuhan mo" ----Jasmine

Sabay sabay silang may inaabot na mga box ng kung ano ano. Tinitigan ko lang ang mga inaabot nila, sunod ay sa kanilang tatlo ako tumitig. I sigh out and stood up, leave them there standing just like stupid poles. Halata sa kanila ang pagkakagulat nila, wala akong pakialam.

Nag-antay nalang ako sa labas ng classroom. Nakatayo ako sa tabi ng bintana malayo sa classroom. Sa labas ay nakita ko nanaman itong si Jake, kinakawawa nanaman niya yung studyanteng nakasalamin. Kinukuhanan niya ng pera at sinisira pa ang mga gamit.

Hindi ko nagustohan ang nakikita ko kaya bumaba nalang ako at kausapin siya, dadaanin natin ito sa usapang lalaki sa lalaki. Pagdating ko ay tumigil si Jake at tumingin sa akin.

"Ano nanaman ba at nandito ko nanaman, ha Drake?"

"Simple... Let him go..."

"Huwag kang makialam dito. Porquet ikaw ang heartthrob ng school ay ganyan ka na umasta."

Dinuduro duro pa niya ako habang nagsasalita at siga pa kung maglakad palapit sa akin. I ignored him and looked at the guy with glasses.

"You..."

"M-me?"

Ay hindi si Jake kaya ako nakatingin sa iyo. -_- Sino pa ba kasi tinutukoy ko? Hay ewan, di bale na nga lang.

"Move..."

"Y-yes!"

Agad siyang tumayo at tumakbo paalis. Pinapanood ko nalang siya umalis habang nakapamulsa ang dalawa kong kamay. Napansin ko nalang na may lumilipad na bato papunta sa akin kaya agad ko iyong naiwasan. When I look back at Jake's direction, he was ready to punch me but I dodge it. You want to talk like this again? Fine... Let's do it.

I fell in love with a fallen angel (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon