Unknown Name's P.O.V.
Bumabagsak ako, nagalit sa akin si ama. Ano nga ba ang ginawa kong masama? Ah, oo, naalala ko na. Nagalit sa akin si ama sa isang bagay na dapat ay hindi ko ginawa.
Nasa lawa ako malapit sa kinaroroonan ng aking hardin. Pinapanood ko ang isang tao gamit ito. Maraming beses akong bumaba sa lupa upang pagmasdan at panoodin siya. Madalas ko siyang bantayan at bisitahin.
May mga ilang beses ding tinatawag ko siya at binibisita sa panaginip niya. Siya ang isang taong nangangailangan ng makakasama at makakaintindi sa kanyang buhay. Hindi alam ni ama na ginagawa ko ang mga ito.
Isang beses, bumisita ulit ako sa lupa upang subaybayan siya. May mga sinabi siya sa kanyang isip na ikinatuwa ko. Hanggang sa makadating siya papunta sa kanyang iskwelhan ay minamanmanan ko siya. Tumatakbo sa isipan ko ang mga sinabi niya.
"Humans are so naive"
Napaismid na lamang ako sa sinabi niya at hindi ko napigilang magsalita.
"Humans? Really?"
Napansin ko ang pagbabago ng itsura niya. Naghahanap ang kanyang mga mata. Mukhang alam niyang nandito ako, ah. Nakakatuwa naman para sa isang taong katulad niya ang mag-isip ng ganon at maramdaman niya ang isang katulad ko na nandirito ngayon.
Tama lang talaga na pinili ko siya upang panoorin kahit labag pa ito kay ama. Napansin kong pumasok na siya sa loob. Susundan ko sana siya ng may humarang sa harapan ko.
"Hindi naman 'ata tama sa isang katulad mo ang mapadpad dito sa lupa ng walang misyon"
"Isa ring pagkakamali ang harapin mo ako ngayon, ex-brother."
"Aba naman. I didn't know you've learn to speak english, sister."
"What brings you here? Sa pagkakaalam ko, you don't show up without bringing something bad....
.... Lucifer...."
Oo tama kayo ng pagkakarinig. Ang nasa harapan ko ay isang rebel angel, Lucifer, my brother that father banished from heaven. Ano naman kaya ang kailangan niya at nagpakita siya sa akin. Hindi siya nagpapakita o nagpaparamdam sa kahit na sino na walang dalang masama na gagawin. Lucifer is just the same as brother Satan. They are both banished from heaven.
"I just want to see my favorite sister, is there something wrong with it?"
"Don't make a fool of me Lucifer. Ano ba ang kailangan mo?"
He smirked, "Tama nga lang talaga na ipangalan sa iyo ang mga salitang iyon. Isa ka nga talagang misteryosa at kakaiba,
..... Belial...
Sige, sasabihin ko na. The day will come and soon...... Legion will be complete"
"L-legion?"
BINABASA MO ANG
I fell in love with a fallen angel (On Hold)
ParanormalHe is an emo, almost a gothic person. Many Satanist people want him in their clan and groups. He is the heartthrob of so many girls. He doesn't care for anyone, for anything. For him, every human being are so naïve. He wants to be alone. No one can...