The Return of The Guys

30 0 0
                                    

Third Person:

Dinig sa labas ng kuweba ang nasasaktang sigaw ng isang babae. Nasa gitna ng kagubatan ang kuwebang iyon kaya hindi maririnig ito ng kahit sino. Madidinig din ang boses ng madaming tao sa loob nito na may sinasabing kung anu-ano. Sa kabila ng kanyang paghihirap ay nakita niya ang isang lalaking nakasuot ng long black hooded robe na may kapit na patalim. Sa sobrang talas non ay kahit saan mo iyon itusok ay madali lang iyon tatagos. Nakapalibot sa kanya ang mga taong may suot ng kagaya din ng lalaking malapit sa kanya na may hawak ng mga nakasinding mga kandila at may nagsasalita ng isang orasyon. Tumingala siya at nakita niya ang isang nilalang na nakaupo sa tronong bato. Hindi niya makita ang mukha nito dahil lumalabo na ang kanyang paningin ngunit alam niyang hindi ito isang ordinaryong nilalang dahil sa nakita niyang may kung ano sa likod nito. Kahit na hindi niya ito malinaw na nakita, alam niyang mga pakpak iyon dahil sa itsura ng nilalang na iyon.

Nag-angat ito ng isang gilid ng kanyang mga labi at nadama na lamang niya ang pagsaksak ng patalim sa kanyang dibdib na unit unti ay gumaga ng butas dito. Hindi na niya nagawang makasigaw dahil napuntirya nito ang kanyang lalamunan. Hirap na siyang huminga. Ibinalik niya ang tingin niya sa lalaking gumawa noon sa kanya. Huling nakita niya bago siya mawalan ng malay ay ang nakatatak na simbolo sa kamay nito na may kapit ng kanyang.... puso.....

Lumapit ang lalaking iyon sa nilalang na nasa trono at lumuhod sa harap nito, ksabay ang mga taong nasa likod niya, upang iaalay ang puso ng babaeng walang awa niyang pinatay. Kinuha nito ang puso mula sa kamay ng lalaki at inilapit sa kanyang mukha upang langhapin ang amoy nito. Isang buo nitong kinain at mabilis na nilunok. Tumayo siya at itinaas ang kamay sa ere. Naglabas ito ng itim na ilaw sa pagitan ng kanyang mga palad. Matapos non ay masayang bumalik ang mga taong nandoroon sa kani-kanilang tahanan.

Papaalis na sana ang tatlong natira sa loob ng kuweba ngunit piniit sila ng nilalang. Hinarap nila ito na ngayon ay nasa  harapan na nila. Yumuko sila upang magbigay galang habang nag-angat ito ng isang kamay. Isang itim na bola ang lumabas dito na umuusok at pinapakita dito ang isang nagaganap.

"Hanapin ninyo siya.... Siya ang bago nating kasapi..." Nakakatakot ang boses nito. Puno ng kasamaan at napakalamig nito, boses ng demonyo.

"Masusunod po panginoon." Anas ng nasa gitna at tuluyan ng umalis para sa kanilang misyon. Ngumiti ang nilalang bago tumawa.

"Mapapasaakin na ngayon....

....Drake Wingsheart...."

~~~~~~

Nahulog ang maliit na pigurang may pakpak na gawa sa bato mula sa loob ng isang templo na kasukat ang isang doll house ngunit mas malaki pa iyon. Nataranta ang isang lalaking may tatak ng simbolo sa kanyang dibdib. Dinampot niya iyon at sinuring mabuti.

"Isa nanamang anghel ang ipinatapon ni ama." Anas nito na may takot at pagaalala sa boses nito. Dali dali siyang tumayo at ibinabad sa agua bendita ang maliit na pigura. Binudburan niya ito ng lupang mainit matapos niya itong hanguin. Naglabas ito ng usok na nagpakita ng isang imahe. "Kung ganoon, naroon siya." Mabilis niyang niligpit ang kanyang mga kagamitan at nagmamadaling lumabas.

"Etahamezoda" (pronounce as e ta a h a ma e zod o de a)

I fell in love with a fallen angel (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon