The Truth

36 1 0
                                    

Drake's P.O.V.

Si Ceres? Bakit siya? Papaanong si Ceres at si Belial ay iisa? Hindi ito maaari. Kailangan ko ng kasagutan sa mga tanong ko. Narinig ko siyang umubo ng kaunti kaya agad ko na din siyang binuhat.

"Tara na Chris... Dalhin na natin siya sa tent..."

"Teka Drake!! Napapadalas ang pagtatagalog mo ah?"

"Wala akong oras para makipagbiruan Chris.... Si Ceres...."

"Nakita ko ang nangyari kanina Drake. Mukhang hindi siya ordinaryong tao lang."

Tumango ako bilang sagot at nagsimula na kaming magtungo sa tent namin. Inabutan namin si Clay na nagbabasa ng libro sa loob. Tinawag ko siya para kunin ang atensyon niya. Tumayo siya para tulungan kami.

"What happened?"

Tanong sa akin ni Clay habang ibinababa ko si Ceres.

"Long story.... We have to heal her right away.... She has been bitten by some sort of creature...."

"What kind of creature?"

"Goaal...." (pronounce as ye o a a el)

Sasagot na sana ako nun nang biglang magsalita ng kung anong salita si Ceres habang walang malay.

"Enochian.... tabi dyan..."

Saad ni Clay na hindi ko mainitindihan. Agad siyang nagtungo sa kanyang bag at may hinanap. Naglabas siya ng isang bote na may lamang hindi mo makita sa sobrang linis nito. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ito binulungan ng kung ano. Mukhang naprapraning na itong si Clay.

Iniangat niya si Ceres pagkatapos niyang buksan ang bote at pinainom ito sa kanya. Pagkatapos ay inihiga niya itong muli at nagbuhos ng kaunti sa palad niya. Kinuskos muna niya ito sa gitna ng dalawang palad niya tsaka idinantay ang isa sa noo ni Ceres at ang isa ay sa leeg.

Nung una wala man lang itong kasugat-sugat pero laking pagtataka namin ng biglang labasan ng dugo ito. Marka na parang kinagat siya. Siguro doon siya kinagat ng kapatid niya kanina. Umupo ng maayos si Clay at nagmulat si Ceres ng kanyang mga mata.

"Where am I?" tanong ni Ceres sa amin.

"Sino ka?"

"Huh?"

"Sino ka? Bakit ka naririto sa mundong ito?"

Bakit ba tanong ng tanong si Clay kay Ceres ng ganoon? Nawiwirdohan na ako sa kanya.

"What do you mean?"

"Elasa cahisa un torgi gi vpaachi na dobitza(pronounce as e el a es a ka a h i es a vo en ta o ra ye i ye i vo pe a a ka h i  en a  de o ba i ta zod a)

I fell in love with a fallen angel (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon