Drake's P.O.V.
Bad trip talaga. Bakit kasi may pacamp camp itong president namin. Ayoko pa namang may kasama kapag gabi na. Maliban na lang kung slumber night namin nina Caiden, Clay, Chris, at Micheal. Pero kung kasama ang mga kaklase namin and if there are more bitches, it will be a long night for me.
Darn it!! Kung pwede lang uupakan ko ng isa ang president namin sa idea niyang ito. We will be camping at the Marika Forest. Pinangalanan nila ito ng ganoon dahil tahimik ito. Nakaupo ako ngayon sa sinapin kong tela habang nakasandal sa isang puno.
Naglalaro ang iba habang abala naman ang iba sa kung anu-anong ginagawa nila. Ayokong maki-isa sa kanila dahil hindi naman magiging maganda ang pakikitungo ko sa kanila.
Naiinis talaga ako. Hay!! "Huy Drake tara!! Maghanap tayo ng mga supernatural creatures. Baka meron!!" Pagyaya sa akin ni Chris.
"Pagsabihan mo nga iyan Drake. Ang kulit eh. Sinabing walang ganoon dito..."
"Walang ganoon kapag umaga, Caiden." Singit ni Clay sa sinabi ni Caiden. "Tuwing gabi lang meron." Dugtong pa niya.
"Tuwing gabi?" Meron ba talagang ganoon? Kung sa bagay meron nga akong nakikita na mga taong may pakpak, eh bakit hindi magkakaroon ng mga nilalang na sinasabi ni Chris.
"Oo Drake. Meron at totoo sila. Marami sa atin ang hindi bukas ang isipan. Pero ito ang tatandaan ninyo. Huwag ninyo sila gagambalain kundi magkakaroon ng gulo."
"Okay sige..."
Sige daw itong si Chris pero halata kong nakacross-fingers siya sa likod niya. Hay nako naman itong isang ito.
"Teka... nasaan si Micheal at si Ceres? Kanina ko pa sila hindi nakikita." --- Caiden
"Oo nga... kahit ako hindi ko pa sila nakikita..." --- Chris
"Ah sige mauna na ako. May aasikasuhin pa ako." --- Clay
"Sige, sabihin mo na lang doon sa dalawa kapag nakita mo sila na magsisimula na ang tanghalian." --- Caiden
Tumango si Clay at umalis. Kanina lang nung binanggit ni Caiden ang tungkol kay Ceres at Micheal, parang may iba sa kanya. Hindi ko maintindihan ang mga ikinikilos ni Clay nitong huli. Hindi naman siya dating ganyan.
Nagsimula ang tanghalian at magkakasama kaming limang kumain. Nakita ni Clay sina Ceres at Micheal na nagngunguha ng mga pananim kaya naman daw umuwi ang dalawa na puro dumi. Maganda pa din naman si Ceres kahit na.... HAAAAIIIISSSHHH!!!!! Ano ba itong iniisip ko?!! Hay di bale na nga lang!!
Naalala ko yung sinabi ni Clay kanina.
"Meron at totoo sila. Marami sa atin ang hindi bukas ang isipan. Pero ito ang tatandaan ninyo. Huwag ninyo sila gagambalain kundi magkakaroon ng gulo."
Ano naman kaya ang ibig sabihin ni Clay sa sinabi niyang gulo? But I am still amazed. I never knew that Clay knows some kinds of these stuffs. Haha. Puro inisan at tawanan ang maririnig mo sa grupo naming. Humiwalay kami sa mga kaklase namin. Alam ninyo na kung bakit. Ayoko nang ulitin pa.
BINABASA MO ANG
I fell in love with a fallen angel (On Hold)
ParanormalHe is an emo, almost a gothic person. Many Satanist people want him in their clan and groups. He is the heartthrob of so many girls. He doesn't care for anyone, for anything. For him, every human being are so naïve. He wants to be alone. No one can...