The Bully

33 0 0
                                    

Third Person:

"Where the hell could she be?"

Nakatayo sa itaas ng iskwelahan ang isang lalaking nagmamasid. Hinahanap niya ang kanyang nawawalang kapatid na dapat ay matalag na nilang kasama noon pa. Sa galit na hindi niya ito makita ay nagiba ang mga mata nito. Naging mistulang kulay berde na may kulay itim ang lumilipad lipad sa loob nito.

"I am not going home without her."

Humangin ng malakas at kasabay noon ang pagkawala na parang bula ng lalaking iyon.

Malalakas na suntok ang natatamo ng kaawa-awang istudyante sa likuran ng iskwelahan. Madalas siyang nabubugbog dahil sa kahinaan nito at pagiging palpak.

"Pakiusap tama na. Hindi ko naman sinasadya. Ibibili nalang kita ng bago. Pakiusap, pakawalan mo na ako."

Sinabunutan siya sa kanyang buhok para itaas siya sa ere ng lalaking walang awang bugbugin siya. Nakaharang sa noo ng nambubugbog ang mahaba ng kaunti at kulay itim niyang buhok. Kulay itim ang naiirita niyang mga mata. Hindi niya tinatantanan ang lalaking kanyang binubugbog.

"Pakawalan? Ano ako? Basta nalang maaawa sa isang katulad mo? Isang kapalpakan ang ginawa mo kaya nararapat lamang sa iyo ang maparusahan!" Maangas na sambit nito.

"Pasensya na. H-hindi na mauulit. Pakawalan mo na ako."

"Tumahinik ka!!" Kasabay noon ay ang pagsipa niya ng malakas sa tiyan nito. Tumama ang likod niya sa isang puno ng malakas. Nagbuga siya ng kaunting dugo at nawalan ng malay. "Tss. Weakling." Iritadong sambit nito at iniwan niya na nakahandusay sa lupa ang kaawa awang binugbog niya.

Tumunog ang school bell senyales na magsisimula na ang unang klase sa hapon. Isa isang nagsipasukan ang mga istudyante ng Section A na dala dala ang kanikanilang mga libro at kuwaderno para sa unang subject.

Papasok na sana siya ng makita niya ang kabighabighaning babae na paparating para pumasok. Natigilan siya sa paglalakad at nabato sa kinatatayuan niya. Tumigil ang babae sa harapan niya sanhi ng pamumula ng kanyang mukha.

"Um... excuse me... You are blocking the way in..."

Nagising siya at tumabi kaagad. "ah sorry sorry!!" Mabilis niyang paghingi ng paumanhin habang nakakapit sa likodan ng ulo niya ang kanyang kanang kamay. Gumuhit ang matamis na ngiti ng babaeng nasa harapan niya ngayon.

"No... It's fine..."

"Is there something wrong miss?" Natigilan ang babae sa pagpasok nito ng biglang may magsalita mula sa likod niya. Nilingon ito ng babae habang nakangiti.

"No... there's nothing wrong... Caiden..." Sambit niya.

"Are you sure?"

"Yes... definitely..." Tumangong sagot niya kay Caiden. Nakatitig lang sa kanya ang kasama niyang si Drake na namumula kay Ceres. Agad naman itong napansin ng kalapit nitong lalaki dahilan sa pakikisawsaw niya.

I fell in love with a fallen angel (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon