Drake's P.O.V.
"Kung ganoon ay tutulungan kita."
Sagot ni Belial kay Clay. Tumango naman si Clay pagsang-ayon kay Belial. Hindi ko pa din maintindihan ang mga nangyayari sa kanila. Sino ba talaga si Clay? Ano ba siya? Maraming bagay ang hindi ko pa alam. Siguro, oras na matulungan ni Belial si Clay ay matatanong ko na din sila.
"Guys wait, nakita ninyo ba si Micheal?"
Tanong ni Caiden sa amin na agad namang pinagtakhan ng lahat. Nagtinginan kami at napunta ang tingin namin kay Clay.
"If you guys want to ask about him, i don't know. Hindi ko siya nakita matapos ang dinner ng klase."
Nasaan naman kaya yung tarantadong iyon? Siguradong naghahanap nanaman iyon ng mga babae. Buti na lang ay iba ako sa kanila kung hindi siguradong sira ang grupo namin.
"I'll go and find him." pagprisinta ni Chris at tumayo. Palabas na siya nang biglang...
"Chris stop..." ---Belial
"Why?" ---Chris
"Just leave him alone." ---Belial
Ano daw? Sira ba patunog nitong si Belial? Bakit hindi namin siya hahanapin?
"Drake... wag mo nang itanong pa sa isip mo. It's better to stay away from him at night."
Puta, nabasa niya isip ko. Mga tsismoso at tsismosa 'ata itong mga anghel na ito dahil sa may kakayahan silang basahin ang isip ng ibang tao. Porquet mga mind-readers, kailangan nang sumagot. Pisti... -_-
"Gusto mo bang pabayaan na lang kita sa susunod kapag nasa panganib ka at hindi ka makapagsalita Drake?" ---Belial
Namilog ang mga mata ko sa sinabi sa akin ni Belial at napabuntong hininga. "Oo nga, sabi ko na nga po, titigil na po ako."
Narinig ko ang pagtawa ng nasa paligid namin kaya tinignan ko sila ng masama. Natigilan sila sa pagtawa at si Belial naman ang napansin kong ngumiti at tumawa ng mahina. Sobrang ganda niya talaga. Totoo ang sinabi sa libro, kakaiba ang kagandahang taglay ng mga anghel.
Kinaumagahan, lahat kami ay handa na sa pag-alis ng kagubatan. Simula ng magising ako ay hindi ko na nakita si Belial at si Micheal. Nasaan na kaya ang gagong iyon at si Belial, ano kaya ang ginagawa niya sa ngayon?
Nagbus kami papuntang school. Doon kasi ang babaan namin at wala kaming klase ngayong araw na ito. Nagpaalam kami sa isa't-isa nung pagbaba namin sa tapat ng school. Tinapik ako ni Clay sa balikat ko nung papaalis na siya at pinaalalahanan.
"Drake, i hope you two will have a great day today."
"Huh?"
"See ya..."
Pamamaalam sa akin ni Clay. Hindi ko siya maintindihan. Ano kaya ang ibig sabihin niya? Napailing na lang ako at naglakad papauwi, dala-dala ang mga gamit ko. Tulad ng dati, parehas lang ang mga ginagawa ng mga tao sa paligid.
Pero, wala silang alam tungkol sa mga katulad ni Belial at ng kuya niya. Ano kaya ang gagawin nila kung sila ang nasa kalagayan ko o kung nalaman ng buong mundo ang tungkol sa mga anghel? Isa lang ang alam kong mangyayari at hindi maganda kung mangyayari iyon.
Nakarating ako sa bahay ko at agad akong nagtungo sa kwarto ko at iniayos ang mga gamit ko. Isang araw ko ding hindi nalinis ang bahay na ito. Pumunta ako sa stock room at kinuha ang mga panlinis ko at paglabas ko ay...
"What the?!!"
Nangingintaban sa linis ang bawat sulok. Maayos na din ang mga aparador na kanina lang ay may alikabok pa. Anong nangyari? Nananaginip lang ba ako? Papaanong naging malinis na agad ang paligid?
BINABASA MO ANG
I fell in love with a fallen angel (On Hold)
ParanormalHe is an emo, almost a gothic person. Many Satanist people want him in their clan and groups. He is the heartthrob of so many girls. He doesn't care for anyone, for anything. For him, every human being are so naïve. He wants to be alone. No one can...