Troy's POV
Nang magising si Sahha mula sa mahabang pagkakatulog ay hindi ko na inaksaya pa ang pagkakataon para makausap siya.
"Kanina..." dahan dahan kong sabi ngunit pinigilan niya ako.
"So-sorry...sorry talaga... Hindi ko sinasadyang masampal ka.. I swear..I'm very sorry Troy...sa-sa halip na pasalamatan kita sa pagkakaligtas mo saakin ay yun pa yung ginawa ko. I'm sorry.." mabilis at sunod-sunod niyang sabi.
What the hell? Tsk. Kailan ba siya titigil kaka-sorry.
"Tsk. Can you please calm down at patapusin mo muna ako okay...?" mahinahon ko namang sabi at tumango naman siya.
Alright, this is it. Kung hindi ko siya tatanungin kailan pa?
Okay...easy Troy...easy...Ano't ano man ang mangyari, kahit ano pa ang sabihin ni Sahha ayos lang saakin. Kahit pa sabihin niyang nakakaalala na siya, dahil una sa lahat ay hindi na kami magiging magkapatid sa paningin niya at...
At ano Troy Monrovy? Pwede mo na siya mahalin?
Tss. Ano bang iniisip ko? Anong mahalin?
She's just nothing. I just like her because she also reminds me of Ehrisse.'Maybe...it's about time na limutin mo na si Ehrisse?'
Whoa...where it came from? Nababaliw na ba ako?
No!! I will never do that...
'Pero di na siya babalik pa..'
At ano? Si Sahha? Si Sahha ang ipapalit ko sakanya? Ang babaeng pumalit sa pwesto niya? At ano? Pagbabawalan na naman kami ni Mommy ganun?
Aissshh!! Bakit ba kinakausap ko ang sarili ko? Ang mahalaga ngayon ay magka alaman na kami. I will help her in any ways, at isa pa malakas ang kutob ngayon na wala pa siya naaalala. Ganun din naman ang sinabi ni Doc Ramos kanina.
Batay sa nangyari kay Sahha kanina that's the proof na wala pa siya naaalala. Pero sign din yun na malapit na siya maka alala. Maybe?
According to Doc. Ramos, malamang na may mga ala alang nagpaflash sakanya but it is not clear at kung pipilitin niya itong alalahanin ay makakasama sakanya, dahil pwede itong maging dahilan ng tuluyang pagkawala ng ala-ala niya.Napansin kong nagtataka na si Sahha saakin sa lalim ng iniisip ko kaya naman nagsalita na ako.
"Kanina...nang sumakit ang ulo mo...a-anong naaalala mo?Don't worry Sahha.. Ano mang sasabihin mo ay di makakarating kila Mommy. Just... Just tell me the truth...please.." I sincerely said.
Nakita kong kumunot ang mukha niya at tumitig saakin. Nakikita kong may kaunting galit sakanyang mga mata at pinipigilan lang niya ito ilabas. Tumayo siya bigla, namaywang at tumalikod siya saakin. Nang tumayo naman ako para harapin siya ay siya namang pagharap niya ulit saakin at kita ko ang nanginigilid niyang luha sakanyang mga mata.
"Alam mo...hindi talaga kita maintindihan!" bigla ay hiyaw niya at napayuko nalang ako sakanya. "And it's driving me crazy to think that... I...myself...I....I don't know who really I am.." halos pabulong at maubusang hininga niyang sabi.
Hindi ko alam kung ano pa ang mga susunod pa niyang sasabihin kaya minabuti ko nalang na manahimik at pakinggan siya dahil ramdam na ramdam ko ang galit at pagkalito sakanya.
She didn't remember anything yet.
"1 year ago ng magkamalay ako. Since that day, you're very cold to me, masungit, and it seems that I am not your sister..you...you're treating me like nothing..." pahina ng pahina niyang sabi sa dulo habang umiiyak. Nanatili naman siyang nakahawak sa baywang niya at isang kamay niya ay abalang magpahid ng kanyang mga luha.
BINABASA MO ANG
Secret Identity
Romantizm"Having an amnesia was like hell! You cannot contain yourself. The eagerness to know the truth beyond and behind the truth wil kill you." Someone ruined Sahha's life. She lost her family and her memories. She went to the Aviados. The family who took...