Chapter 1

74 6 3
                                        

Kenneth's POV

"Anak! Gumising ka na diyan! Malalate ka na!" Sigaw ni mama mula sa baba.

"Ma maaga pa 10 minutes pa please.." pagmamakaawa ko.

"Anong 10 minutes?! First day ngayon wag kang magpapalate!" Sigaw ulit ni mama.

Kaagad naman akong bumangon at pumunta sa cr para maligo. Pagkatapos kong maligo at makapag ayos, bumaba na agad ako para kumain.

"Ikaw bata ka sa susunod wag ka nang magpupuyat ha?" Bungad sakin ni mama.

"Ma nasanay ako." Sagot ko.

"Edi tigilan mo na!" Sigaw ni mama.
"Opo."

Pagkatapos kong kumain dumating agad ang service ko. Nagpaalam ako kay mama atsaka umalis na.

"Ken! Excited ka na bang pumasok?" Tanong ni Lance habang naka sakay kami sa service.

Sa totoo lang hindi ako excited, nakakalungkot kase tapos na ang mga maliligayang araw ko. Back to reality nanaman.

"Hindi." Matipid na sagot ko.

"Bakit?" Tanong niya.

"Aniyo." sagot ko.

"Yan ka eh! Dinadaan moko sa mga korean words mo! Bwiet mag-aaral ako ng mga korean words na yan para maintindihan kita!" Asar na sabi ni Lance.

"Nothing lang naman yung meaning nun!" Sagot ko naman sakanya habang nakangiti.

After 20 mins na byahe papuntang school nakarating na rin kami. Medyo malayo kasi yung bahay namin sa school kaya nakaservice ako. Minsan traffic kaya hindi lng 20 mins. Umaabot ng 30 mins.

Pagbaba namin sa service sobrang ingay sa loob ng school, grupo dito grupo doon. Lahat ata ng estudyante dito by groups. Halos nagtatawanan lang silang lahat.

"Bro sa 3rd floor tayo diba?" Tanong ni Lance, magkaklase kame neto simula grade 1 pa hanggang ngayon. Forever na ata kami.

"Ah oo tara na."

Nagmadali kaming pumunta ni Lance sa room namin, kase konti nlng malalate na kami. Pagpasok namin sa room halos puno na yung room.
Kaagad namang umupo si Lance dun sa isang upuan. Habang ako hindi ko alam kung saan ako uupo kase parang wala ng bakante.

"Ah excuse me eto upuan." Pag offer naman nung isang magiging kaklase ko. Babae siya actually. Kaagad akong pumunta dun sa tabi niya.

"Kumpleto na ba tayo dito?" Tanong ng prof. namin.

"Opo sir." Sagot ng isa kong kaklase.
Sa tingin ko siya yung nagcheck ng attendance.

"Okay so I'm Mr. Macabali. Ako ang magiging Adviser niyo for this school year. 'Sir' lang ang itatawag niyo sa akin. Sasabhin ko sainyo kung ano ang mga rules na kailangang sundin niyo sa klase ko. Una Ayoko sa mga estudyanteng hindi  nakikinig. Especially kapag nagdidiscuss ako. Pangalawa, ayoko sa mga estudyanteng madaldal! Yung kapag nagdidiscuss ako sa harapan nakikipagdaldalan sa katabi! Pangatlo! Sa akin lang kayo humarap kapag nagdidiscuss ako. Wag yung habang nagsasalita ako dito may iba kayong ginagawa. At pang-apat ayoko sa mga tamad. Tamad mag-aral, tamad maglinis, tamad makinig tamad sa lahat. Kung hindi ibabagsak ko kayo. Are we clear now?." Tanong ni Sir.

"Opo." Sagot namin.

Sa buong umaga na to hanggang mamayang hapon halos si Sir lang ang papasok samin. Bukas pa lang daw papasok yung ibang teachers, kaya yung mga kaklase ko kwentuhan dito kwentuhan don kahit ngayon lang nagkakilala. Ako naman wala lang, naka-upo lang. Si Lance kasi nasa bandang harapan siya, habang ako nandito sa likod. Nung nagdismiss na para sa lunch kaagad ko namang linapitan si Lance.

"Lance tara na." Aya ko sakaniya.

"Teka may isasama ako." So ayun sa loob ng 4 hours ang dami na niyang tropa halos lalaki. Ako medyo op ako saka hindi umiimik kase wala pa kong kakilala sakanila.

Pagdating namin sa Canteen bumili na kami ng makakain namin. Kanya kanyang bili. May time na parang gusto kong humiwalay sa mga to kase sobrang na o-op ako. Ang pinag-uusapan nila ay tungkol sa Dota.

Hindi kase ako mahilig sa Dota. Kpop at Kdrama lang sapat na sa'kin. Kaya hindi ako makarelate sakanila.

"Kenneth! Salita ka naman!" Sabay palo ni Lance sa braso ko.

Tumawa lang ako. Nahihiya kase ako.

"Papakilala muna kita sakanila ha." Tumayo si Lance mula sa pagkaka-upo niya.

"Kenneth, si Gab, Joshua, Ren, Justine, at Mark nga pala sila ang magiging tropa naten dito sa school! Ngayon lang tayo magkakatropa!" Sabay angat sa braso ko para makipag shake hands sakanila. Hindi na ko nakapalag. Masyado kaseng makulit tong si Lance.

"Kenneth naglalaro ka ba ng Dota?" Tanong ni Gab.

"Nako. Yan pa? Maglalaro ng Dota?" Pang-aasar ni Lance.

"Kaya pala hindi siya nagsasalita kanina pa." Sagot ni Gab sabay tawa.

Habang kumakain kami may mga pumasok na grupo ng mga babae dito sa canteen, sa tingin ko mga grade 9 pa lang sila.

"Ken! Si Regie yung kinukwento ko sayo! Ayun!" Sabay turo.

Actually maganda siya. Maputi at mukhang matalino. Sakanya lang ako tumitingin tingin habang nasa canteen kame.

"Ano? Maganda ba?" Tanong ni Lance.

"Pwede na?" Sagot ko.

Pagkatapos naming kumain bumalik na kami sa room at pagbalik namin sa room wala pa si Sir kaya ayun! Chikahan sila to the max. Inaya naman ako nina Lance na sumali sakanila, nakisali naman ako. This time may mga babae na silang kasama.

Pagpasok ni Sir, ganun parin naman ang gawain namin. Kwentuhan pero mahinang boses naman kase halos lahat kami dito takot sakaniya. Nakakatakot kase kung tumingin si Sir. Pero sabi ng mga naging estudyante niya, mabait naman daw siya.

Nung nagdismiss na kanya kanyang aya nanaman sila. Kesyo punta sa cafè, sa mall o kung saan saan pa. Pero kami ni Lance kaagad na kaming sumakay sa service at umuwi na.

Sa'min muna makikitulog si Lance ngayon, kase wala pa yung mga parents niya.

"Ken!" Tawag sakin ni Lance.

"Bakit?" Tanong ko.

"Halika dito! Tignan mo yung crush ko! Eto oh." Sabay pinakita sakin yung facebook account.

"Anong gagawin ko jan?" Tanong ko.
"Wala pinakita ko lang."

Bumalik ako sa kama ko at kinuha ang cellphone ko. Dali dali ko namang sinearch ang pinakita sakin ni Lance. Siya nga yung nakita namin kanina sa canteen. Maganda nga talaga siya. Lalo na sa personal.

"Bro. Tulungan mo naman ako sakaniya. Diba magaling ka sa mga sweet sweet messages at sa mga damoves mo? Tulungan mo naman ako sakaniya oh. Please?" Pagmamakaawa ni Lance.

"Pano?" Tanong ko.

Inexplain sa akin ni Lance ang gagawin ko. Magpanggap daw ako na ako siya. Magiging poser muna daw niya ako. Ako daw ang manliligaw dun sa crush niya. Pero yung identity ni Lance ang gagamitin ko. Nung una hindi ako pumayag, pero bandang huli napapayag din ako ni Lance.

Behind The MaskWhere stories live. Discover now