3 days na rin simula nung naging close kami ni Regie. Yung tipong close na close na talaga. Alam na namin ang isa't isa. Kulang nalang ay meet up. Gusto na rin namang makipag kita ni Lance kay Regie yung silang dalawa lang. Pero hindi sa school. Inutusan ako ni Lance na ayain ko daw sa date si Regie bukas, wala ngayon si Lance dito, kasama niya yung mga tropa niya. Sa loob ng 1 week sa school, feeling ko nagbabago siya dahil sa mga katropa niya.
Pagkatapos kong kumain ng breakfast naglinis muna ako sa bakuran namin at nagdilig ng mga halaman. Pagkatapos non pumunta na ko sa kwarto ko tsaka nagpahinga. Kaagad kong kinuha ang phone ko para machat ko na si Regie.
"Hi Goodmorning! Wag kang papalipas ng gutom ha? Kumain ka 3x a day para tumaba taba ka naman ng konti, sobrang payat mo naman eh. Ingat ka :) " -sent.
Iba na yung nararamdaman ko sakaniya. Pero mali to. Tinutulungan ko lang si Lance.
"Goodmorning Lance :) sige ikaw rin kumain ka3x a day ingat din :)" -Regie.
"Regie pwede ba kitang ayain bukas?" -sent.
"Saan?" -Regie.
"Labas tayo libre ko." -sent.
"Ha? Anong oras naman?" -Regie.
"Mga 12? Sa may coffee shop malapit sa school. Pwede ka?" -sent.
"Ah oo naman sige see you." -Regie.
"See you! :)" -sent.
Hindi ako excited kase hindi naman ako ang makikipagmeet, si Lance yung makikipagmeet hindi naman ako. Mali talaga tong nararamdaman ko sakaniya eh, mali.
"Lance pumayag si Regie na makipagkita bukas." Bungad ko sakaniya pagkapasok niya sa kwarto ko.
"Yesss! Salamat bro! Anong oras daw?" Kita ko yung sobrang saya ng kaibigan ko.
"12 pm sa coffee shop malapit sa school." Sagot ko.
"Ah sige sige Ken salamat!"
Ngumiti na lamang ako. Susubukan kong maging kaibigan din ni Regie si ako. Bilang Ken, hindi bilang si Lance.
"Ikaw yung nakabungguan ko nung isang araw sa canteen diba?" -sent.
Sana replyan nya ako kagaya ng pagreply niya dun sa Lance.
Isang oras na ang nakalilipas pero ni seen wala. Aigoo.
Nakuha ko nang nakatulog pero wala parin?! Okay so snob si ate.
"Kenneth! Anak! Baba na dito kakain na." Sigaw ni mama.
"Opo ma." Sagot ko sabay tayo.Pagkababa ko kaming dalawa lang ni mama, wala si Lance.
"Ma asan si Lance?" Tanong ko.
"Ah lumabas gagala daw sila, buti hindi ka sumama?" Tanong ni mama.
"Ayoko ma, alam mo ma, simula nung nakilala ni Lance yung mga tropa niya, parang napalayo na yung loob ko sakanya. Kase parang bad influence sila kay Lance." Sagot ko.
"Hay nako anak dapat binabantayan mo yan si Lance."Napatango na lang ako. Hindi ko kayang sabihin kay mama yung ginawa nina Lance nung isang araw. Nung nagcutting sila. Ano bang gagawin ko. Hayst.
Pagkatapos naming kumain,kaagad kong hinugasan ang mga plato at bumalik na sa kwarto ko.
Pagtingin ko sa cellphone ko may isang nagchat. Dali dali ko naman itong tinignan. Ang akala ko ay rineplyan ako ni Regie, yun pala yung kaklase lang namin dati. Gusto niyang makipagmeet may ipapakilala daw siya sakin.
YOU ARE READING
Behind The Mask
RomanceMahal mo siya, pero hindi pwede. kahit ipaglaban mo yung nararamdaman mo alam mong talo ka na simula pa lang