Chapter 8

30 4 19
                                    

Kenneth's POV.

Tuwing umaga ako nalang mag-isa ang pumupunta sa school, si Lance naman araw araw sinusundo niya si Regie sakanila tuwing umaga, pero kahit ganon hindi pa rin siya nagpapakilala sa parents ni Regie. Tapos pag uwian siya rin naghahatid kay Regie.

Ako naman, narealize ko na nahulog na pala talaga ako kay Regie, nahulog na ako na kahit hindi ko alam kung gaano ba 'to kalalim, kung may sasalo ba, pero alam ko walang sasalo, patuloy akong nahuhulog at hindi ko alam kung paano ako makakaahon, pipilitin ko nalang din naman sigurong lumayo. Lalayo na lang ako, hindi lang para sa nararamdaman ko kundi para din sa sarili ko.

Magkasama kami ngayon ni Keith, nakipagkita ako sakanya.

"Sa tingin mo, tama ba na lumayo sa taong mahal mo dahil may iba na siyang mahal?" Tanong ko.

"Kung sobra sobra ka nang nasasaktan, lumayo ka na." Sagot niya.

"Ahhh."

"Bat mo tinanong?"

"Wala."

"Kay Regie 'no?"

"Huh?"

"Halata ka na wag mo nang ideny, tuwing magkasama kayo sobrang saya mo. Halata ka na, wag mo nang itago pa sakin."

"Halata ba talaga?"

Tumango siya.

Sa tuwing magkasama kami ni Regie, ang alam ko lng puro pang-aasar lang ang ginagawa ko sakanya, kasi naman eh ang cute niyang mainis, mapang-asar pa naman ako, nag-eenjoy ako tuwing na-aasar siya.

Habang nagkakalad lakad kami sa mall, bigla kong nakita sina Regie at Lance, magkahawak sila ng kamay at tila masaya sila. Ako dapat yun. Ako dapat yung lalakeng kahawakan niya ng kamay, ako dapat yung lalakeng nagpapasaya ngayon sakaniya. Ako dapat yun.

"Oh sina Lance yun diba?" Tanong ni Keith.

"Oo."

Hindi ko alam kung bakit sakanila lang ako nakatitig, hindi ko alam kung bakit pa namin sila sinusundan.

"Dito tayo Ken." Sabay hila sakin ni Keith.

"Anong gagawin natin dito?" Taanong ko.

"Sinusundan natin sila eh! Baka makita pa nila tayo't mag aya pa sila, pano nalang ang pang-iiwas mo?"

"Sabagay."

Regie's POV

Magkasama kami ngayon ni Lance dito sa mall, hindi ako sanay na may kasamang lalaki kapag nagmamall, madalas kase puro babae ang mga kasama ko. Hindi naman kase ako malapitin sa mga lalake, sa totoo lang ayaw ko talaga sa mga lalaki, pero hindi ko alam kung pano ako nagkagusto kay Lance, basta pag nakikita ko siya ang cool niyang tignan, isa pa madaming nagkakagusto sakanya sa school, kaya sa tuwing nakikita ako ng mga nagkakagusto sakanya, kung ano ano nalang ang mga pinagsasabi tungkol sakin.

"Sina Ken yun ah." Turo ni Lance.

"Ah oo nga."

Jusko Lance please wag na nating lapitin mga yan lalo na't ando'n si Ken, mang-aasar lang yon.

"Ken!!" Sigaw ni Lance.

Naman eh.

Kaagad namang narinig ni Ken ang sigaw ni Lance.

"Oh Lance." Sagot niya.

"Tara sama na kayo samin." Aya ni Lance.

"Ha? Eh k-kas--"

Behind The MaskWhere stories live. Discover now