So ayun, napapayag ako ni Lance sa gusto niya. Hindi ko alam kung bat ako pumayag, pero kase kaibigan ko talaga tong si Lance.
"Bro ayan account ko chat mo na!" Utos sa'kin ni Lance.
"Simula ngayon, ikaw muna gagamit ng account ko ha? Gagawa na lang ako ng ibang account ko para sa mga kaibigan ko. Ikaw na munang bahala sa account na yan. Ikaw na rin bahala sa panliligaw mo kay Regie." Sabay ngiti.
So ayun sinunod ko nalang ang utos niya sa'kin. Kaagad ko namang ginawa yung utos niya na ichat si Regie, so yun chinat ko.
"Hi?" -sent
Sobrang kabado ko nung nasend ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganto yung nararamdaman ko eh kay Lance naman yung account.
"Hello. Sino ka?" -Regie.
Sobrang kinakabahan na talaga ako, hindi ko alam kung ano ang irereply ko. Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.
"Ako si Lance, hindi mo ba nababasa ang pangalan ko?" -sent.
"Nababasa ko I'm not blind. Pero sino ka? Pano mo ako nakilala?" -Regie.
"Kaschoolmate mo'ko." -sent.
"Ah okay I see. Sige matutulog na ko." -Regie.
"Tulog agad? Kaka-usap lang natin." -sent.
"Maaga pa bukas." -Regie.
"Sige goodnight." -sent
So yun naseen na lang ako. Hindi na niya ako rineplyan.
"Ken ano? Nachat mo na?" Tanong ni Lance.
"Oo. Ayan basahin mo tulog na ko." Sabay punta sa kama ko at natulog na.
~
Paggising ko naligo na ako agad at nag-ayos, naabutan ko naman si Lance na kumakain na.
"Ken bat ngayon ka lang nagising? Kanina pa gising si Lance. Bungad nanaman sakin ni mama.
"Ma hindi naman yata natutulog yan e." Pagbibiro ko.
"Grabe Ken!" Sagot ni Lance.
"Kain na dali na baka dumating na service niyo." Sabay hapag ng pagkain.
Habang kumakain kame pansin ko naman na sobrang ngiti ni Lance. Kung maka ngiti wagas eh, abot na sa tenga ngiti niya. Ang weird niya ngayon.
Pagdating namin sa school pumunta agad kami sa room medyo maaga pa naman kaya konti pa lang kami.
Si Lance naman agad siyang nakisama sa mga tropa niya hindi na ko sumama kase ayoko tsaka tinatamad ako.
"Hi!" Bati sa'kin ng katabi ko.
"Hello." Sabay ngiti.
"Kpop fan ka pala?" Tanong niya.
"Oo, pano mo nalaman?"
"Inistalk kita kagabi." Sagot niya.
Sana kpop fan din to para naman may ka-usap na ako dito. Tsaka pansin ko lang. Tahimik din tong katabi ko, ni hindi nakikipagkwentuhan sa mga iba naming kaklase.
"Kpop fan ka rin?" Tanong ko
Tumango siya at nag head down sa armchair niya. Antukin ata to eh. Daig pa si Lance na hindi natutulog.
After 10 minutes dumating na yung iba naming kaklase at si Sir. May ibang teachers na rin ang pumasok. Syempre tuwing first to second day wala namang ginagawa halos magpapakilala lang isa isa. So ganun lng ginawa namin bago maglunch.
YOU ARE READING
Behind The Mask
RomansaMahal mo siya, pero hindi pwede. kahit ipaglaban mo yung nararamdaman mo alam mong talo ka na simula pa lang