Chapter 9

36 4 17
                                    

Kenneth's POV.

Paggising ko kaagad kong kinuha ang phone ko, and yes may nagtext.

"Bro kita tayo sa coffee shop malapit sa school now na." -Lance.

Kaagad naman akong naligo't nagbihis.

"Ma aalis muna po ako." Pagpapaalam ko kay mama.

"San ka pupunta?" Tanong ni mama.

"Inaya ako ni Lance ma." Sagot ko.

"Wag kayong magpagabi ha."

"Opo."

Nagcommute lng ako papunta sa coffee shop. Hindi ko nga natanong kung bat nag aya si Lance.

Pagdating ko sa coffee shop nakita ko siya't may ka-usap na babae, familiar ang likod niya.

"Oh Ken andito ka na pala."

Tumingin sakin yung kasama ni Lance, nagulat ako sa nakita ko, si Merrique.

*Flashback*

6th monthsary namin ni Merrique ngayon, may ihahanda akong suprise para sakanya. Kaya pagkatapos ng klase namin kaagad kaming pumunta dun sa venue. Kasama si Lance at si Nikka.

Mga 3 hours kaming nagpeprepare para sa surprise.

Ang usapan namin ay 9pm siya pupunta dito, busy kasi siya sa school niya, 8pm ang uwian niya, malapit lng naman tong venue sa school nila.

9:10 pm

"Hoy Ken 10 minutes nang late yun ah." -Nikka.

"Hintay lang." Sagot ko habang nakangiti.

9:30 pm

"Oh asan na? 9:30 na aba nakakaantok." -Lance.

"Baka natraffic."

Nakailang text at missed calls na 'ko sakanya pero ni isa wala siyang sinagot.

Napaidlip ako ng konti at pagising ko 11:13 pm na, pero wala paring Merrique na sumulpot.

"Okay so I guess walang Merrique na dadating." -Lance.

"Oo nga Ken, tara na." -Nikka

Hindi ako makasagot sakanila, deep inside durog na durog na puso ko dahil walang Merrique ang lumitaw sa gabing ito, ni anino niya'y wala.

Kinabukasan

Hindi siya sumipot kagabi, kaya ngayon nakipagkita siya sa'kin.

"Ken... k-kanina ka pa ba diyan?" Tanong niya.

"Ah hindi naman." Sagot ko nang hindi man lang makatingin sakaniya.

"I'm sorry."

"okay lang yun." Sagot ko.

"Hindi Ken."

"Bakit?"

"A-ayoko na." Parang gumuho ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi niya.

"Ha? Ano ba wag mo'kong lokohin ng ganyan."

"Seryoso ako, tigil na natin to. Sorry pero simula pa lang hindi naman talaga kita mahal, si Nico, si Nico ang mahal ko. Sinubukan kitang mahalin pero akala ko kaya ko. Hindi ko pala kaya. Sorry kung masasaktan kita. Sorry kung pinaniwala kita na mahal talaga kita, I'm sorry hindi ako deserving para sa'yo, kaya Ken, itigil na natin to, ayoko na, I'm sorry."

Hindi ko alam kung pano ako sasagot sakaniya, basta ang alam ko lang sobra akong nasasaktan ngayon.

"Sana kaagad mong sinabi sakin 'yan, sana hindi mo nalang ako pinaasa, sana hindi mo nalang ako sinagot,alam mo ba kung gaano ako nasasaktan ngayon? Sa mga sinasabi mo? Mahal kita eh, mahal na mahal kita, sana hindi mo nalang pinilit ang sarili mo. Sana hindi mo nalang ako nakilala, sana hindi nalang ako nagpapansin sayo dati. Sana hindi nalang ako nag-effort para sa'yo. Sana kaagad kong nalaman yan para hindi ka na nahirapan, sana ngayon hindi ako nasasaktan ng ganto, mahal na mahal kita eh, alam mo yun diba? Oo dati pa alam ko na wala naman akong chance sayo, pero bat sinalo mo 'ko? Akala ko hanggang pangarap lang kita dati, pero hindi ko inaakala na ang tangi kong pangarap ay siya din ang mananakit sakin ng ganto, pero sa pagsalo mo sakin, sobramg sumaya ako, sobra sobra, pero may kapalit pala itong lungkot. At ikaw rin ang dahilan kung bakit ako malungkot,  mas gusto ko pang umasa kesa sa saluhin mo'ko. Sobrang sakit, sobra. Mahal na mahal kita eh." Sagot ko sabay ang pagpatak ng mga luha mula sa mga mata ko.

"Ken sorry, lalayo na lang ako." Sagot niya.

Hinawakan ko ang braso niya.

"Thanks for braking my heart, 'till we meet again, I love you."

At patuloy ma siyang umalis

Siguro magiging masaya naman ako nang wala siya. Kaya ko naman siguro. Sobrang sakit, nakakatakot magmahal...

*end of flashback*

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"K-ken."

"Ano? Bakit kapa nagpakita? Bat ka pa bumalik? Ano? Iniwan ka ni Nico? Sinaktan ka ni Nico? Iniwan ka ni Nico? Pinaiyak ka ni Nico? ANO?!"

Hindi siya sumagot.

"ANO TAMA AKO? HAHAHAHAHA OK. BAHALA NA KAYO DYAN AALIS NA KO."

"Teka Ken!" Pagpigil ni Lance.

"LANCE, SA TINGIN MO MAGSSTAY AKO? KASAMA YAN? ANO ? MAGPAPAKATANGA AKO?"

"KEN ANO BA?!" sigaw ni Lance.

"PWEDE BA LANCE? WAG MO NA KONG IPAGPILIT SAKANIYA. ALAM MO NAMAN NA SIGURO GINAWA NIYA DIBA? KAKAMPIHAN MO YAN?! WOW HA." sagot ko.

"Ken..." mahinang bulong ni Merrique.

Tumingin ako sakanya.

"Ano?" Tanong ko.

"Alam ko napaka walang hiya ko't makipag kita sayo." Sabi niya.

"Oh alam mo pala eh wag mo na pagkalat." Sagot ko.

"Nagsisisi ako kung bakit mas pinili ko si Nico, kesa sayo. Pareho lang ang nangyari sa'tin. Niloko ako ni Nico."

"Oh, anong gagawin ko? Magcecelebrate na ko? Papaparty na ko? Karma tawag dyan ok."

"KEN WAG KANG GANYAN SA BABAE." sabat ni Lance.

"Wala ka munang pake ok?" Sagot ko.

"So ano? Andito ka para makipagbalikan?" Tanong ko.

"Ken I'm sorry."

"Sorry moto, bahala na nga kayo dyan. Aalis na ko. Wala na ba kayong sasabihin?"

"M-mahal kita Ken..."

"Oh okay. Yun lang? Okay sige." Sagot ko't umalis na.

Bwiset. So ano? Makikipagbalikan siya? Pagkatapos ng ginawa niya? Kala niya ata ganun lng kadali? Sobra sobra niya kong sinaktan noon. Spbra sobra akong katanga noon sakaniya. Pero ngayon, wala na. Ni konting feelings sakaniya wala na. Kasalanan niya eh. Tapos ngayon magsisisi siya? Panindigan niya mga sinabi niya, wala na akong pake sa nararamdaman niya. At yung mahal niya ko? Wala akong P A K E.  Hindi na ko muling magpapakatanga pa sa isang kagaya niya. Lalo na ngayo'y may iba akong gusto, at kahit anong gawin niya, walang Ken ang babalik pa sa buhay niya, wala ng Ken ang magmamahal pa sakaniya. Pinili niya si Nico eh, bat di niya yun panindigan? Ngayon babalik siya't iiyak sa harapan ko? Tapos si Lance nama'y tinutulungan siya? Maganda siya, kaso ni katiting na feelings ko para sakaniya, naglaho na rin.

~

Behind The MaskWhere stories live. Discover now