Chapter 11

66 5 26
                                    

Regie's POV

"Regie teka lang magpapaliwanag ako." Sabi ni Lance habang patuloy parin akong sinusundan.

"Teka lang." Sabat hawak niya sa braso ko.

"Ano?" Tanong ko.

"Mali iniisip mo Regie."

"Ha? Magkasama nga kayo eh."

"Si Merrique yon ex ni Ken."

Nabigla ako sa sinabi ni Lance. Siya yung sinabi ni Ken kanina sakin.

"Oh ano? Ok na tayo?" Tanong niya.

"Hindi mo kase agad sinabe." Sagot ko.

"Tara balik na tayo dun." Aya niya sabay hawak sa kamay ko.

Pahdating namin dun nadatnan namin silang magkayakap, ngayon ko lang nakita si Ken na ganon kalungkot at umiiyak. Madalas kasi lagi siyang nakangiti o nakatawa, kaya hindi ako sanay na makita siyang umiiyak.

Umalis si Ken mula sa pagkayakap ni Merrique sakaniya.

"S-sorry." Rinig kong sabi ni Merrique.

Hindi sumagot si Ken, tumingin siya sa dereksyon namen.

"Ken." Sabi ni Lance.

Tinignan ni Ken si Lance ng hindi sumasagot.

"Ayoko na." Sagot ni Ken at naglakad palayo.

"Regie samahan mo muna si Ken, sasamahan ko lang muna si Merrique." Utos ni Lance.

Kaagad ko namang sinundan si Ken.

"Ken teka bagalan mo naman paglalakad mo jusko." Sabi ko habang hinahabol ko siya.

"Wag mo na kong sundan, diba nga ako yung kamalasan sa buhay mo?" Sagot niya.

"Heh! Lakongpake kung kamalasan ka pa sa buhay ko, dadamayan lang kita sa problema mo eh." Sagot ko.

Bigla siyang tumigil sa paglalakad at humarap sa akin.

"Seryoso ka?" Tanong niya.

Tumango ako.

"Tara samahan mo'ko." Sabay hila niya sakin.

Dinala ako ni Ken sa isang lugar na hindi ko naman alam kung saan to, walang ka tao tao kaming dalawa lang.

"Nakakatakot naman dito." Bulong ko.

"Dito ako lagi lalo na kapag may problema ako." Aniya.

"Mahal mo pa?" Tanong ko.

"Hindi ko alam? Pero kase, may iba na 'kong mahal." Sagot niya.

"Sino naman?" Tanong ko.

"Ikaw." Seryosong sagot niya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, di ko alam kung anong isasagot ko.

"Joke." Aniya.

"Mukha ba kong nakikipagbiruan ha?" Inis na tanong ko.

"Oo, mukha kang joke." Sagot niya.

"Ah ganon ba? Bahala ka na nga diyan."

"Joke lang ulet HAHAHAHAHAHAHA ano ba yan tumawa tuloy ako ng di oras dahil sayo."

"Edi umiyak ka ulet." Sagot ko at naglakad palayo. Kaagad naman niya akong sinundan.

"Akala ko ba dadamayan mo'ko?" Tanong niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Behind The MaskWhere stories live. Discover now