Ken's POV
Paggising ko kaagad kong kinuha ang phone ko para tignan kung nagreply ba si Regie dun sa chat ko, pagbukas ko ng messenger pangalan niya kaagad ang hinanap ko, pagbukas ko dun sa messages namin ayun seen lang. Pati dun sa text ko hindi siya nagreply. Pero dun sa number ni Lance, nagreply siya.
Pagdating ko sa school kaagad kong nilapitan si Keith.
"Goodmorning." Bati niya.
"Goodmorning din." Bati ko.
Naging close kami ni Keith sa loob ng 3 weeks. Halos pareho kami ng fandom. BLINK, Army, Once, ReVeluv at IGGOT7. Halos lahat ng bagay napagkakasunduan namin, mahilig din kase kami sa Kdrama.
Pagkatapos ng morning class namin, sabay kaming naglunch.
"May gusto ka kay Regie 'no?" Tanong niya.
"Huh? Ako? HAHAHA bat naman ako magkakagusto dun?" Sagot ko.
"Kase halata naman na ang saya mo sa tuwing kasama mo siya."
"Heh! Baliw! Trip ko lng siyang asarin."
Habang kumakain kami saktong nakita namin si Regie kasama yung bestfriend niya.
Naghahanap sila ng pwesto para kumain pero puno na yung canteen, at saktong sakto 2 lang kami ni Keith sa mesa namin.
"HOY ATENG SUNGET!!" tawag ko sakanya.
Humarap naman siya.
"Dito na kayo oh, wala na kayong pwesto." Pag-offer ko.
"Wag na maghihintay na lang kami." Pagtanggi naman ni Regie.
"Bes dito na ano ba offer na nga ni kuya." Sabay hila ni Jez kay Regie.
Napanagiti nlng ako kase umupo din naman siya. Habang kumakain kami ni isa walang umiimik samin. Sakto namang dumating sina Lance at ang barkada niya.
"Hi guys!" Bati niya samin.
Ngumiti nlng ako sakanya.
"Oh magkasama ulit kayo Ken?" Tanong niya.
"Wala na kase silang pwesto kaya dito na namin sila pina-upo. Wag kang mag-alala tapos na kaming kumain ni Keith, dito na kayo oh."sagot ko.
Sabay tayo at labas sa canteen kasama si Keith.
"Ano ba yan di pa ko nakapagpahinga eh." Pagrereklamo ni Keith.
"Sa room na lang." Sagot ko.
Bumalik na kami sa room. After 30 minutes nagsibalikan na yung mga kaklase ko, pati yung teacher namin.
Nagdiscuss sila ng kung ano ano, habang yung utak ko lutang, ni walang pumapasok sa utak ko. Ewan ko kung bakit. Basta naiisip ko lng si Regie. Hindi naman ako inlove sakanya o ano pero bakit ganto? Natatawa ako sa tuwing naiisip ko yung mga nangyari samin na kamalasan.
Pagkatapos ng afternoon class namin nagpaalam na agad si Keith sakin. Si Lance naman nilapitan niya ako.
"Bro, tara samahan mo'ko kay Regie." Aya niya.
"Ha? Saan?" Tanong ko.
"Basta tara."
Kaagad naman kaming pumunta sa room nila, at ayun, nakita na namin sila. Kaagad namang nilapitan ni Lance si Regie para tulungan siya sa bit bit niya. Sabay silang naglakad habang kami ni Jez, sabay kami.
"Sweet nila 'no?" Bulong ni Jez sakin.
Napatango na lang ako.
"Sana magkaboyfriend din ako katulad ni Lance." Bulong ulit niya.
"Huh?"
"Wala wala."
Nung nakarating na kami sa sasakyan kaming dalawa ni Jez yung nasa likod. Hindi ko rin alam kung saan kami pupunta, may pakulo ata tong si lance.
Habang nagbbyahe ako, nabibitter ako sa mga naririnig at nakikita ko.
Gusto kong sabihin na 'walang forever magbbreak din kayo' kaso baka masira ko yung pagkakaibigan namin ni Lance. Nakakabitter sila.
Dinala kami ni Lance sa isang private resort, na nakaready na may petals petals pang nalalaman sa may gate tapos may nalalaman pang patakip takip ng mata kay Regie kase surprise daw tapos pinauna niya kaming pinapasok. May pa banda banda pang nalalaman may pa table for two pang nalalaman tapos ang kasama ko sa isang table ay si Jez. Tapos sila naman sa kabila. May pa heart heart pa na gawa sa mga petals petals. Bitter na ko. Anong pakulo to Lance?
Pagpasok nila inalis ni Lance ang takip sa mata ni Regie. Tapos kame ano? Nanonood lang. Nabibitter, tapos yung kasama ko, kinikilig. Grabe kung makahampas na tila mabubugbog na ko sa kada hampas niya.
Nakita ko naman na nagulat si Regie sa pakulo ni Lance.
Habang kumakain sila't nagkkwentuhan, nagcecellphone lng si ako. Scroll down dito scroll down doon hanggang sa narinig kong tanong ni Lance.
"Regie?"
Ako naman nataranta ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya kunyare nahulog yung kutsara ko.
Tumingin sila sakin.
"Ay hehe sorry nahulog."
"Regie, pwede bang..."
Pinatugtog ko yung paborito kong kanta yung BOOMBAYAH ng BLACKPINK ayan full volume.
"Ken!!" Sigaw ni Lance.
"Ay hehe sorry napindot ko."
Humarap ulit siya kay Regie.
"Pwede bang.."
Ginalaw galaw ko yung upuan ko.
"Ken ano ba!" Sigaw ulit ni Lance.
"Regie pwede ba kong maging boyfriend mo?" Tanong ni Lance.
Wala na 'kong nagawa.
"Oo Lance." Sagot ni Regie.
Feeling ko may kirot sa puso ko nung narinig ko yung sagot niya. Para anytime babagsak yung luha ko pero pinipigilan ko.
"TALAGA?!" gulat na tanong ni Lance.
Nakita ko namang tumango si Regie.
"Congrats guys!" Bati ni Jez.
"Congrats!" Bati ko.
Pagkahatid namin kena Regie at Jez kaagad naman kaming umuwi.
"Bro, salamat ha? Kundi dahil sayo hindi naman mangyayari to."
"Ah wala yun! Syempre kaibigan kita kaya kita tinulungan kay Regie." Sagot ko.
Pagdating namin sa bahay kaagad na kong pumunta sa kwarto ko't nagbihis.
"Ken ako na ang gagamit sa accound ko ha?"
"Ah sige sige."
Hindi ko alam kung ano ba tong nararamdaman ko, selos ba to o inis kase ako yung parang nag-effort na magkakilala sila. Tapos yung mga effort na yun ibang tao pala ang makikinabang at hindi ako. Sabagay kaibigan ko nga si Lance. Mali naman kung mahuhulog ako sa taong mahal niya. Kung nahulog na ko, kasalanan ni Lance. Kase sakin niya pinagawa yun. Pwede naman kasi siya nalang pero bat ako pa? Simula bata kami magkasama na kami ni Lance, pero pano kung dahil lang sa pag-ibig masisira ang pagkakaibigan namin? Ipaglalaban ko ba yung nararamdaman ko para kay Regie? O titiisin ko nalang ang mga sakit at itatago ang nararamdaman ko para sa pagkakaibigan namin ni Lance?
~
YOU ARE READING
Behind The Mask
RomanceMahal mo siya, pero hindi pwede. kahit ipaglaban mo yung nararamdaman mo alam mong talo ka na simula pa lang