Kenneth's POV.
Masakit, oo hanggang ngayon naalala ko parin lahat. Linoko niya ako. Ngayon magpapakita siya para magsorry? Para makipagbalikan? Hindi ko alam kung ano pang mararamdaman ko para sakanya.
Nandito ako ngayon sa isang playground na hindi naman kalayuan mula sa coffee shop kanina. Umupo ako sa swing at nag isip isip kung bat niya pa ko binalikan? Kung bat pa siya nandito? Siya kasi yung pinaka-unang babaeng minahal ko ng sobra sobra, minahal ko siya ng sobra higit pa sa sarili ko, kaya nasaktan din ako ng sobra sobra.
"Hoy." Sabay lapit sakin ng isang pamilyar na babae. Pagtingin ko si Regie.
"Oh napano ka?" Tanong ko.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Hindi ko alam."
"Bat parang malungkot ka?"
"Bumalik na kasi siya."
"Ha? Sino?"
"Si Merrique."
"Sino yun?"
Kinwento ko lahat sakaniya, hanggang sa umiyak na ko dahil sa tuwing binabalikan ko, maiiyak na lang talaga ako.
"Ah okay lng yan Ken, may mas deserving pa kesa sakaniya, madami pang iba dyan sa tabi tabi."
"Sana gano'n na lamang kadaling makalimot."
"Makakalimutan mo din yan! Mapang-asar ka eh."
Nginitian ko nalang siya, oo tama siya, may iba pa naman dyan eh, at gusto ko si Regie na lang.
"Asan si Lance?" Tanong niya.
"Ha? Ewan ko?" Sagot ko.
Hindi ko sinabi sakaniya dahil kasama niya si Rere, at baka magselos lang si Regie kapag nakita niya ba magkasama sila ni Rere.
"Ano nga palang ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Ah wala lang, boring kase masyado sa bahay." Sagot niya.
"Tara pasyal nalang tayo!" Pag-aya ko.
"Ayoko." Pagtanggi niya.
"Bakit naman?" Tanong ko ulit.
"Baka kase may kamalasan nanaman na mangyari tuwing kasama kita." Sagot niya.
"Ihh bahala ka nga, inaaya ka na nga. Lilibre sana kita." Sabay kindat sakaniya.
"Tara na nga." Sagot niya.
Libre lang pala katapat ng babaeng to.
"Bakit ang sungit mo?" Tanong ko.
"Tss."
"Anong tss naman? Nagtatanong ako ah."
"Ang kulit mo kase."
Sinamaan ko siya ng tingin
"San mo gustong pumunta?" Tanong ko.
"Tara sa Blue Magic!" Aya niya sabay hila sakin.
Pagpasok namin sa Blue Magic kaagad naman siyang pumunta dun sa may mga panda na stuffed toy.
"Gusto mo?" Tanong ko.
Hindi siya sumagot.
"Hoy sagot."
"Pano kung gusto ko? Bibilhin mo ba? Lilibre moko?" Sagot niya.
"Hindi." Sagot ko. "Joke, alin ba dyan ang gusto mo?" Tanong ko.
"Heh joke lng yun hahahaha naniwala ka naman." Sagot niya.
Kinuha ko ang hawak hawak niyang stuffed toy at dinala sa cashier para bayaran.
"Oh eto na si Little Xavier, alagaan mo yan ha." Sabay abot sakaniya.
"Hala seryoso ka?" Tanong niya.
"Mukha ba kong nagjjoke?" Sagot ko.
"Wow naks nagsusungit ka koya? Nagkapalit tayo ganon?"
"Oo ganon."
Habang naglalakad lakad kami kung saan saan nalang niya ako pinaghihila, kung saan saan nalang kami pumapasok. Habang tumitingin siya ng mga damit bigla kong nakita si Lance, kasama niya si Merrique. Bigla akong nataranta.
"Regie sukat mo nga yan dali dali." Utos ko sakaniya.
"Titignan ko lng di ko susukatin." Sagot niya.
"Dali na bagay sayo oh."
Juskooo.
Kaya ayon sinukat nga ni Regie yung damit, pero pagkalabas niya mula sa fitting room, napatunganga nalang ako sa nakita ko, parang anghel na bumaba sa lupa mula sa langit ang nakikita ko ngayon, ang ganda niya. Bagay niya.
"Oh ano?" Tanong niya.
"Bagay bagay." Sagot ko.
"LANCE?!"
Nagulat ako sa sigaw ni Regie. Pagtalikod ko nakita ko sila ni Merrique pumasok din sila kung nasan kami ngayon.
"R-regie." Mahinang sagot ni Lance.
"SINO YANG KASAMA MO?" tanong ni Regie.
"T-teka mali iniisip mo."
"Bahala kayo dyan!" Sigaw ni Regie't sabay dala sa bag niya't umalis. Habang suot yung damit na sinukat niya, kaagad akong lumapit sa cashier at binayad yun.
Sinundan naman ni Lance si Regie, kaya ako, naiwan ako kay Rere, kaagad ko naman siyang iniwan at lumabas. At sa tingin ko sinundan niya ko.
"Ken." Tawag niya.
Hindi ko siya hinarapan.
"Ken ano ba kausapin mo 'ko ng maayos."
"Maayos? Bakit? Ano pa bang pag-uusapan naten? Makikipag balikan ka? Pagkatapos mo kong saktan? Ganun nalang ba kadali sayo yun?" Sagot ko.
"Hindi mo kasi alam eh."
"Ang alin?! Diba sabi mo hindi mo naman ako minahal?!"
"K-ken, mahal na kita." Sabay patak sa luha niya.
"Wag ako, okay? Wag ako." Sagot ko.
"Hindi kita niloloko, minahal kita Ken, pero alam mo ba kung bakit si Nico ang pinili ko? Dahil yun ang gusto ng mga magulang ko." Pag-eexplain niya.
"Mahal mo ko? Bakit hindi mo'ko pinaglaban?" Tanong ko.
"Dahil hindi tayo compatible para sa isa't isa. Ken Katoliko ka, INC ako, kaya ayaw ng mga magulang ko sa TAYO." Sagot niya.
"Dahil lng sa religion susuko ka na? Ganon lang ba kadaling sumuko?"
"Alam ko hindi kapani-paniwala ang mga rason ko sayo ngayon, pero nagsasabi ako ng totoo." Sagot niya habang iyak siya ng iyak, pati ako naiiyak na sa mga nalalaman ko ngayon. Hindi ko alam kung maniniwala ako, wala akong alam kung anong gagawin ko.
Niyakap ako ni Merrique habang umiiyak siya, hindi ko alam kung pano ako kikibo, namamanhid ako, namamanhid ako sa lahat ng nalaman ko. Mahal niya ako? Babalik siya kase mahal niya ako? Pero pano na ang taong mahal ko ngayon? Nalilito ako sa nararamdaman ko ngayon, parang gusto ko nalang kumawala mula sa mga halo halong nararamdaman kong 'to. May iba nakong mahal, pero yung taong mahal kong yun ay may iba din mahal, at impossibleng magkagusto siya sakin, habang ang taong sobra sobra kong minahal dati ay nandito na't bumabalik sa 'kin.
~
YOU ARE READING
Behind The Mask
RomanceMahal mo siya, pero hindi pwede. kahit ipaglaban mo yung nararamdaman mo alam mong talo ka na simula pa lang