Chapter 6

50 3 13
                                    

Kenneth's POV

Kinabukasan pagkatapos ng klase dumiretso ako sa Principal's office kase may ipapautos nanaman samin yung tita ko. Oo tita ko yung principal dito hehe. Kaya sa tuwing may inuutos siya sakin si Regie yung sinusuggest ko na kasama ko sa lahat ng iuutos niya, kaya yun lagi kaming magkasama! Sarap nya kasing asarin. Natutuwa ako kapag naaasar siya.

Pagpasok ko sa office nadatnan ko na si Regie dun.

"Ayan na yung gamit niyo maglinis na kayo." Utos samin.

"Po? Saan po kami maglilinis?" Tanong ni Regie.

"Tara sundan mo'ko!" Kaagad kong hinawakan ang kamay niya at lumabas sa office dala ang mga gamit na gagamitin namin.

Paglabas namin kaagad nanaman niyang binitawan ang kamay ko.

"Bwiset bat lagi mong hinahawakan kamay ko?" Iritang tanong niya.

"Sus BABE naman eh." Pang-aasar ko.

"Wow inenjoy mo yung BABE 'no? Wag mo 'kong matawag tawag na babe!" Iritang sagot niya.

"Ok, tara na babe." Pang-aasar ko ulit.

"Bwiset to. Alam mo namang may gusto ako kay Lance diba?" Sabay palo sa braso ko.

Oo, gusto niya si Lance, dati pa.

"Oo na! Iniinis lang kita! Tara na sundan mo 'ko."

Sinundan niya 'ko hanggang sa marating kami kung san kami maglilinis.

"Nakakatakot naman dito." Bulong niya.

"Mas nakakatakot kapag nafall ka sa isang tao tapos hindi ka niya kayang saluhin." Sagot ko.

"Dami mong alam."

Maglilinis kami ngayon sa lumang library dito sa school.

"Bakit kaya laging ako yung kasama mo sa tuwing inuutusan ka?" Tanong  niya.

"Secret hehe." Sagot ko.

Sinamaan ko siya ng tingin.

Habang naglilinis kame tili siya ng tili, ang dami kasing gagamba at butiki dito. Habang naglilinis kame may nakita akong gagamba, so may naisip ako HAHAHA. Kaagad ko namang hinuli yung gagamba.

"Hmm Regie."

"Oh?"

"May ibibigay ako sayo, regalo ko sayo."

"Ano?"

"Asan palad mo dali."

Pumalad naman siya kaagad.

Pagkapalad niya kaagad kong nilagay yung gagamba.

Pagkakita niya sigaw siya ng sigaw. Parang kung anong nangyayari sakanya.

"HOY! BWISET TO BAHALA KA NGA JAN! IKAW NA MAG-ISA JAN." Galit niyang sabi.

"Hehe!" Pang-aasar ko.

Kaagad naman akong pumunta sa may pintuan para magpahabol.

Pero, hindi ko mabuksan.

"REGIE DIKO MABUKSAN YUNG PINTO."

"Wag mokong niloloko Ken."

"Hindi ako manloloko ok? Hindi naman ako kagaya ng iba!"

Lumapit siya sakin ay tinry nyang buksan ang pinto.

"Oh ano ha? Ano?" Asar ko sakanya.

"ALAM MO NAMAMALASAN AKO SA TUWING KASAMA KITA." iritang sabi niya.

Behind The MaskWhere stories live. Discover now