chapter 4

47 6 9
                                    

Kenneth's POV.

Pagka-uwi ko kaagad akong nag online sa messenger. Pagka online ko sabog ng messages galing kay Lance.

"Ken? Chat mo nga si Regie." 1:05pm

"Ken? Ano nagchat mo na ba?" 1:07pm

"Ken? Sabihin mo sure na talaga bukas." 1:10pm

"Ken reply ka!" 1:15pm

"Ken? Nasa bahay ka ba? Uuwi muna ako." 1:20pm

"Ken galing ako sa bahay, bakit wala ka? San ka pumunta?" 1:40pm

Pero nabigla talaga ako dun sa isang nagmessage eh.

"Keeeeeeen!! Maraming salamat sa kanina! Hahaha sorry kung naging masungit ako sayo. Wag kang mag alala friends na tayo!"

"Naka-uwi ka na ba? Sa susunod wag mo na 'kong ihahatid samin lalo na pag gabi na ha?"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Feeling ko.. kinikilig ako? HAHAHA oo! Tama! Kinikilig ako! Natataranta ako! Hindi ko alam kung anong irereply ko, mukha akong tanga dito nakangiti. Buti na lang wala si Lance.

"Yown! Nagreply si ateng sungit! HAHAHA walang anuman yun, mas okay nang gabihin ako basta masigurado ko lang na maayos kang naka-uwi." reply ko sakaniya.

Pagka reply ko kaagad kong rineplyan si Lance.

"Lance slr, galing ako sa mall, nakipagkita lang ako kay Nikka. San ka nga pala? Umuwi ka na ba sainyo?" Reply ko.

"Chat mo na si Regie gamitin mo account ko." -Lance.

No choice ako, kaya ginamit ko na yung account niya.

"Sige na goodnight ateng sunget!" -sent.

Kaagad ko nang sinwitch account sa account ni Lance, at kaagad kong chinat si Regie.

"Sure ka na ba bukas?" -sent.

"Oo naman, see you bukas! Goodnight." -Regie.

"Yes naman, haha sige see you." -sent.

~

"Ken! Ken gising daliii." Sabay alog sa buong katawan ko.

"Lance bakit?" Tanong ko.

"Anong susuotin ko?" Tanong niya.

"Ano ba yan! Pati ba naman damit mo sakin mo itatanong?!" Iritang sagot ko.

"Syempre makakaharap ko si Regie."

"Ikaw na bahala sa susuotin mo! Ano ba yan! Magdamit ka! Alangan mag brief ka lang! Dapat yung magandang damit!" Suggest ko.

"10:40 na oh bangon na aba." Sabay palo sakin. "Maliligo muna ako." Dagdag niya.

Bumangon na ako at pumunta sa kusina, wala pala si mama ngayon kaya ako magluluto para sa sarili ko.

After 10 minutes bumaba na si Lance.

"Ayos na ba to?" Tanong niya.

Naka polo shirt siya saka siya naka pants.

"Okay na yan kesa sa wala kang damit!" Sagot ko.

Pumunta siya sa harap ng salamin para mag ayos ng buhok niya.

"Goodluck Lance!" Sigaw ko.

"Goodluck sa?" Tanong niya.

"Kay Regie." Sagot ko sabay ngisi.

Behind The MaskWhere stories live. Discover now