Regie's POV.
Monday nanaman ngayon, kaya back to school na ulit. Nagpaalam na ako kay mama na aalis na ko. Maglalakad lang naman ako papunta sa school, malapit lang naman kasi yun mula samin.
Pagdating ko sa school pumunta na agad ako sa room namin.
"Shit!! Si Lance! Ang gwafuu omayghaaad!" Sigaw ng kaklase ko.
Halos lahat naman sila nagtitilian. Linapitan ako ni Lance at may dala pa 'tong bulaklak at chocolates.
"Para saan to?" Tanong ko.
"1st day na ng panliligaw ko ngayon sa'yo, diba?" Sagot naman niya.
"Hindi na kailangan to Lance, sobra sobra na yung kahapon!" Sabay palo sa braso niya.
"Wala pa yung kahapon." Sagot niya sabay nakakalokang ngiti at naglakad na palayo.
Pumasok na ako sa room namin, buti nalang wala pa yung adviser namin. Pagpasok ko, yung mga kaklase ko iba iba ang reaksyon. Yung iba kinikilig, yung iba ang sama ng tingin sakin dahil sa ginawa ni Lance. Yung iba, wala lang.
Linapitan ako agad ni Jeza.
"YIEEEE YUNG BESTFRIEND KO DALAGA NA!"
"Hay nako Jeza." Sagot ko sabay upo.
"So ano? Kailan mo siya sasagutin? Mamaya na ba? Ngayon na? Bukas? Kailan? Tell me!"
"Jusko Jeza, baka mabaliw ako sa'yo lumayo layo ka muna."
"Joke lang! Sorry na! Di na ko magtatanong!"
After 5 minutes dumating na yung adviser namin.
So yun, nagdiscuss discuss lang siya.
Pagkatapos ng morning class namin nag lunch break na kami. Kaagad naman ko namang inaya si Jeza para kumain na.
"Jez, tara kain na tayo." Pag-aya ko.
Tumayo naman siya agad at lumabas na kami.
"Baka makita mo si papi Lance mo ha, wag kang magbblush!"
Hindi ko nlng siya pinansin, ayoko kasing kinukulit ako. Ayoko sa mga makukulit.
Pagdating namin sa canteen wala naman sina Lance, pero si Ken ang nakita ko.
"Hoy ateng sungit!" Bati sakin ni Ken.
"Wag mo nga 'kong tawaging 'AtengSungit' pwede ba?" Inis kong tanong.
"Sige ateng su-" hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya.
"Bwiset! Tara na nga Jez!" Sabay hila kay Jez at lumabas sa canteen.
"Oh ano? San tayo kakain? Jusko naman Regie, gutom na ko!"
"Wag na tayong kumain libre na lang kita mamaya."
"Ha?! Gutom nga ako diba? G-U-T-O-M, gets mo?"
"Ikaw na lang kumain balik na 'ko sa room."
Bumalik na 'ko sa room namin. Wala pa yung mga kaklase kase panigurado lumalamon silang lahat sa gantong oras. Ako lang mag-isa. Kinuha ko ang cellphone ko, pagtingin ko may message mula kay Ken at Lance.
"Hi Regie! Goodmorning. Ingat ka sa pagpunta sa school ha? See you." -Lance 6:40 am
"HI ATENG SUNGET! KAMUSTA?! KITA TAYO SA SCHOOL HA?! HEHE." -Ken 6:31 am
Hindi ko nalang sila rineplyan, kase naman 12pm na tapos kanina pa yung text nila.
12:30 na nung dumating na yung next teacher namin.
YOU ARE READING
Behind The Mask
RomanceMahal mo siya, pero hindi pwede. kahit ipaglaban mo yung nararamdaman mo alam mong talo ka na simula pa lang