Prolouge

1K 16 2
                                    

Ikaw Lang Pala

Copyright (C) 2012 by Dhine Roque

All Rights Reserved

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

PROLOUGE

''Ashiiieee!!! Giiisiiiinngg naaaa!!!''

''T'yang naman, antok pa po ako e.'' sabay takip ng unan sa aking mukha.

''Hoy! Ikaw bata ka! Wag kang tatamad-tamad at marami ka pang dapat gawin. Maglilinis ka pa ng bahay, maglalaba, magsasaing, magluluto, mag-aalaga ng pinsan mo, at mamasukan ka pa kila Madam Gina! Ano na naman bang ginawa mo kagabi at aantok-antok ka ngayon,'' litanya ni T'yang Hilda.

''Naku ma, pa'nong hindi aantukin ngayon yan? E halos mamilipit na sa kilig kagabi kakapanood kay GJ.'' sabad naman ng pinsan kong si Hillary.

Hayy... Narinig ko na naman ang pangalan niya.

Si Gabriel James Jackson o mas kilala, at kilalang kilala sa pangalang GJ. Siya ay isang sikat na singer actor.

Nag-umpisa siya bilang vocalist ng bandang Destination hanggang sa kunin na siyang leading man ng iba't ibang pelikula at teleserye. Hindi naman kataka-takang madiscover siya bilang aktor dahil sa taglay niyang kagwapuhan.

Para sa akin isa siyang bituin sa langit na kay hirap abutin.

Ikaw Lang Pala [KathNiel] (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon