Dhine's Note:
At dahil may bago akong reader, nag-update na po ako!
syempre, dedic sa kanya 'to.
T.Y. girl! :*
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 10
Khim’s POV
Sa aking paghahanap kay Renz para humingi sana ng sorry sa mga nasabi ko sa kanya ay natagpuan ko siyang paakyat sa rooftop ng campus. Susundan ko pa sana siya sa itaas nang mapansin kong bigla siyang tumigil at…
Nagulat ako nang mapansin kong tumigil siya sa pag-akyat at tila may pinakikinggan sa may rooftop.
Maya-maya pa’y napansin ko na parang may mga luha nang pumapatak mula sa kanyang mga mata.
Nagtago naman ako sa may gilid ng hagdan nang pababa na ng hagdan si Renz.
Nakayuko siya at dire-diresto lamang sa paglalakad kaya marahil ay hindi na niya ako napansin nang madaanan niya.
“Hmmm… ano kayang narinig nun at biglang umiyak?” tanong ko pa sa sarili.
At dahil nga sa pagka-curious ay hindi ko napigilan ang aking sa sarili na umakyat at silipin kung ano ang dahilan ng pag-iyak ni Renz.
At ganun na lang din ang gulat ko nang makitang magkahawak kamay sina Ashie at GJ.
May bahagya din akong kirot na naramdaman.
Pero siguro ay hindi katulad ng sakit na nararamdaman ni Renz ngayon.
Crush ko lang naman kasi si GJ.
Pero si Ashie,
sigurado akong mahal na mahal ni Renz.
Matinding awa ang naramdaman ko para kay Renz kaya naman hindi na ako nagdalawang-isip pa na hanapin siya.
*****
GJ’s POV
Masayang-masaya ako dahil halos hindi na kami napaghihiwalay ni Ashie.
Pero may lungkot din syempre, dahil nagtataka ako kung bakit parang lumalayo na si Renz sa kanya.
Nahihiya naman kasi akong tanungin sa Renz.
Sa totoo lang ay malaki rin ang utang na loob ko kay Renz, dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko makikilala nang lubusan ang totoong Ashie.
Ang Ashie na masayahin.
Ang Ashie na mapag-alaga.
Ang Ashie na hindi nakakatamad kasama.
Ang Ashie na palaging nagpapangiti sa akin.
At higit sa lahat,
ang Ashie na nagturo sa akin kung paano magmahal muli.
Pero, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang maalala ang sinapit ng ex-girlfriend kong namatay nang dahil sa akin.
Ito ay hindi dahil mahal ko pa si Marjori, kundi natatakot ako na baka sapitin rin ni Ashie ang nangyari kay Marjorie nang dahil sa career ko.
Kalahating buwan lang din kasi ang hiningi kong break sa manager ko upang makapag-focus nga sa iniwang negosyo sa akin nila Mommy dito.
BINABASA MO ANG
Ikaw Lang Pala [KathNiel] (Ongoing Series)
Teen FictionSino ang mas pipiliin mo? Ang lalaking pinapangarap mo? O ang bestfriend mong tunay na nagmamahal sayo.