Chapter 8

181 4 0
                                    

Chapter 8

Simula nang sabihan ako ni Renz nang mga massakit na salita sa tree ay nilayuan ko na nga siya.

Hnayaan ko na muna siyang mapag-isa dahil yun ang gusto niya.

At dahil dun ay si GJ na ang palagi kong kasama.

Napalapit na ang loob namin sa isa't isa na halos hindi na kami mapaghiwalay pa.

*****

Kaya naman....

Nagulat talaga ako sa nagawang pag-amin sa akin ni GJ. Kaya naman, hindi ko talaga alam kung saan ako hahagilap ng isasagot sa kanya.

''Ikaw ang dahilan kung bakit ako sumasaya araw-araw. Ikaw ang dahilan ng bawat pagngiti ko. At ikaw din ang dahilan ng muling pagtibok nito.'' sabi niya sabay turo sa tapat ng puso niya.

Hindi pa rin ako nakimik.

''I think, I'm falling for you Ashie.'' titig na titig siya sa aking mga mata habang binibigkas ang mga katagang iyon.

At ngayon ay palapit na ng palapit ang kanyang mukha sa mukha ko...

OMG! (O.O)

HAHALIKAN NIYA BA AKO?!

NAKU! WALA PA AKONG FIRST KISS E!

Ayan na siya.

Papalapit

na

papalapit...

Pumikit na lamang ako.

Maya-maya pa'y hinaplos niya ang aking pisngi.

''Ah, Ashie...'''

Naku naman GJ, wag ka nang magpaalam.

Ituloy mo na.

Hindi naman ako magagalit e.

Go, Ashie.

Feel the magic of this moment.

''Ahm, Ashie...may...may dumi ka sa mukha.''

eeeeennnnggggkkkk!!!!!

IKAW NA, Ashie! Ikaw na ang pinakashunga sa lahat!

Argh! Pwede bang lumubog na lang sa kinatatayuan ko ngayon?! Amp. :/

*****

Renz's POV

Mabuti na lang at tuluyan na ngang lumayo sakin si Ashie matapos ko siyang sabihan ng masasakit na salita noong nasa tree house kami.

Sa totoo lang ay hindi ko naman talaga ginustong sabihin kay Ashie yun. Dahil kung nasaktan siya sa mga sinabi ko, doble naman ang sakit na naramdaman ko.

Pero wala naman akong choice e. Kailangan kong sabihin sa kanya yun para na rin sa kapakanan niya.

Hindi siya dapat na masanay na ako ang palaging kasama niya. Dahil halos isang sem na lang ang itatagal ko sa campus na 'to.

Mabuti na nga lang at valid pa ang free tuition ko until the end of the sem. Kung hindi, malamang ay taong-bahay na lang ako.

Tsk.

Hindi naman kasi mangyayari lahat ng kamalasang 'to sa buhay ko kundi dahil sa malditang babaeng yun e.

Nakayuko lang ako nang biglang may nagsalita...

''Hi, can I have a seat?''

Tsk. Sino kaya 'tong makiki-epal pa sa pag-eemote ko?

*****

''Ikaw?!'' pareho pa kaming nagulat.

''Anong ginagawa mo dito?!'' mataray niya pang tanong.

''Ako? Kumakain. Obvious ba?'' at tinapat ko pa sa mukha niya ang sandwich ko.

''Ayan kana naman ha. Baka nakakalimutan mong--''

''Na ano? Na anak ka ng--''

Bigla niyang tinakpan ang bibig ko, ''Sshh! Wag kang maingay. Baka may makarinig sayo.''

Ang lakas din naman pala ng topak ng babaeng to e. Ang yabang-yabang kanina, tapos ngayon ayaw iparinig sa iba na anak siya ng Dean.

''E bakit ba kasi ayaw mo pang malaman nila? Ayaw mo nun, marami kang magiging friends, kasi nga anak ka ng--''

''ANAK KA NG KABAYO NAMAN OH! Sabi nang huwag kang maingay e!''

''Hoy! Sa pogi kong 'to?! Anak ng kabayo?! Nahiya naman ako sayo, ikaw nga anak ng ano e!''

''Ano? May sasabihin ka! Baka gusto mong tuluyan nang makick out sa campus na 'to?!'' at nanakot pa siya.

''E, sino ba naman kasi ang may sabi sayong kausapin mo ko?! Alam mo, pag nakikita kita, lumalabas ang pagka-monster ko e!''

''Ang kapa--''

''Heh. Wag ka nang madaldal dyan. Ayoko nang kausapin ka at baka makick-out pa ako sa school. Kaya kung pwede lang miss, dun ka na. Shoo! Shoo!'' at iminuwestra ko pa ang kamay ko para effective talaga ang pagpapaalis ko sa kanya.

*****

Khim's POV

Ayts. Nakakainis talaga yung lalaking yun, ginawa pa kong aso. Bwiset!

Wala naman akong nagawa kundi mag-walk out at magpunta na lang sa office ni mama.

Blaaaggg!!!

''Hindi ka ba marunong kumatok, Kimberly Anne?!'' sigaw ni mama.

''What's my room number?''

''Room 104. Si Miss Marianne Gaviola ang adviser mo. I already gave her your course card.''

''Siguro naman, hindi mo pinagkalat na mama kita?''

''No. Si Miss Marianne lang ang may alam.'' sagot ni mama.

''Tsk. Sige pasok na ko.'' at dire-diretso na akong lumabas ng office.

Sa totoo lang, ay hindi naman ako galit kay mama. Ayoko lang ng masyadong naa-attached sa kanya.

Siya kasi ang dahilan kung bakit...

namatay si papa.

Ikaw Lang Pala [KathNiel] (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon