Dhine's Note:
At dahil ni-request ng cousin ko, hinabaan ko ang chappy na 'to.
P.S.
dedicated naman sa kanya na bagong reader ng I.L.P. :*
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 11
Khim’s POV
Nagulat ako nang dalhin ako ni Renz sa isang magubat na lugar. Kinakabahan kasi ako sa maaaring gawin ni Renz. Baka kasi iligaw niya lang ako at saka iwanan. Wala pa naman sa katinuan ‘tong lalaking ito ngayon.
“Hoy Renz! Saan ba talaga tayo pupunta?!” tanong ko na sa kanya.
“Basta! Sumama-sama ka tapos ang dami mo namang tanong.” sagot nito.
Nanahimik na lamang ako saglit para makapag-isip ng paraan kung sakali ngang iligaw ako ng damuhong ‘to.
Pagkalipas lang ng ilang sandal ay nagsalita na muli ito, “Nandito na tayo.”
Huminto kami sa tapat ng isang mataas at malaking puno na animo may maliit na bahay sa itaas.
“Ano to?” tanong ko sa kanya.
“Tulay. Tulay yan, di mo nakikita?”
“Renz naman eh!”
“Tsk! Bakit kasi ang hilig mo magtanong ng mga ganyan? Eh obvious naman na tree house yang nakikita mo.”
At saka ko lang na-realize na may tree house pala talaga sa mga ganitong probinsya. Never pa kasi ako nakakita ng ganito sa Manila.
“Tara akyat!” yaya pa niya sa akin.
“Huh?” tanong ko ulit.
“Ayan ka na naman eh, kung ayaw mo e’di bumalik ka na sa campus,” naiirita na naman siya sa akin.
“Ang taas kasi eh, natatakot ako,” tugon ko.
“Tsk! Akala ko pa naman astig kang babae ka. Yun pala pag-akyat lang ng tree house duwag ka pa,” pambubuska niya pa.
“Yabang mo ha! Kaya kong akyatin yan noh!” napilitan na rin akong magyabang.
Mahal ko ang pride ko eh.
“Puwes! Patunayan mo,” paghahamon niya.
Tiningala ko muna ang napakataas na puno at saka humugot ng napakalalim na hininga.
Kaya ko ‘to. Aja! Bulong ko sa isipan.
Sinimulan ko na ang paghakbang paitaas. Pero sa pangalawang hakbang ko ay di sinasadyang nadulas ang isang paa ko, kaya…
“Kyyyyaaaaaahhhhh!!!!!” napasigaw ako sa takot na mahulog sa maputik na lupa.
Mabuti na lang at maagap si Renz sa pagsalo sa akin.
“Ano ba naman yan? Nakakadalawang sampa pa lang nahulog na? tsk! Engot naman…” pang-aasar na naman niya.
Hindi naman ako nakasagot agad dahil busy pa ang mga mata sa pagtitig ng…
GWAPO NIYANG MUKHA?!!!
(O.O)
Renz’s POV
Ayts ano ba ‘tong babaeng ito, ang engot lang! pagkatapos mahulog, tititigan ang gwapo kong mukha?!
Tsk! Si Ashie lang ang may karapatang tumitig dito!
Ano ka ba naman, si Ashie pa rin nasa utak mo? Eh masaya na nga yun sa piling ni GJ eh! ~ konsensya.
Sabi ko nga.
“May dumi ba sa mukha ko?” sa halip ay tanong ko kay Khim.
Hindi naman kasi ako sanay na namamahiya ng babae.
Tila natauhan naman si Khim at ibinaling ang tingin sa ibang direkyon. Tinulungan ko siyang makatayo.
“Ang bigat mo,” sabi ko pa nang hindi siya sumagot sa tanong ko.
“Tsk! Yabang mo!” sigaw na naman niya.
Natawa na lang ako sa kanya dahil sa muling pagtataray niya.
Ginulo ko ang buhok niya at sinabing, “Tara na, akyat na ulit tayo. Don’t worry, aalalayan na kita.”
“Argh, huwag naman yung buhok ko,” sagot niya.
Inalalayan ko na siya sa pag-akyat niya this time. Mahirap na at baka mahulog ulit, ang bigat pa naman.
Tuwang-tuwa pa siya nang makaakyat kami sa tuktok ng puno at makapasok ng tree house.
“Tsk! Inosente…” pabulong kong sabi.
“Renz… madalas ba kayo dati ni Ashie dito?”
“Tsk! Pwede ba, huwag kang magbanggit ng ibang taong wala naman dito?” nainis ako pagkarinig ko sa pangalang niya.
“Sorry…” hinging-paumanhin ni Khim.
“Okay lang,” sagot ko. “Nagugutom ka na ba? Hindi mo kinain yung binili ko kanina diba?”
Iling agad ang sinagot niya, “Hindi, hindi ako nagu—”
*growl*
(O.O)
“HAHAHAHAHAHAHAHAH!” biglang tawa ko sa narinig. “Traydor na tiyan noh?! Hahahahahahah.”
Sumimangot siya at binato ang bag niya sa akin.
“Aray!”
Hindi pa siya nakuntento at naghagilap pa ng mga bagay na pwedeng ibato.
“Hey! Hey! Hey! Tama na! masakit!”
Pero ayaw niya pa ring magpaawat.
“Hahaha! Yan ang bagay sayo! Ang yabang mo kasi!” tila tuwang-tuwa pa siya sa pananakit sa akin.
“Ayaw mo talagang tumigil ha,” tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa direksyon niya.
Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at pinigilan ito.
“Argh! Bitiwan mo nga ako!”
Sa sobrang pagpupumiglas niya ay na-out of balance din ako at dire-diretsong bumagsak sa ibabaw niya.
Saglit na tumigil ang paghinga ko
Tumitig lang sa kanyang mukha.
Pinagmasdan at pinag-aralan ang bawat parte nito.
Ang kanyang mga mata na binagayan ng medyo makakapal niyang mga kilay.
Ang kanyang maliit ngunit matangos na ilong.
At….
…ang kanyang mapupulang mga labi na tila,
kaysarap halikan.
Tila nagkusa naman ang aking mga labi na unti-unting lumapit sa mapupulang labi ni Khim…
…palapit
nang
palapit…
Renz! Pa’no si Ashie?! ~konsensya
Tila natauhan naman si Renz sa ginagawa at agad na lumayo kay Khim.
BINABASA MO ANG
Ikaw Lang Pala [KathNiel] (Ongoing Series)
Teen FictionSino ang mas pipiliin mo? Ang lalaking pinapangarap mo? O ang bestfriend mong tunay na nagmamahal sayo.