Chapter 3

251 4 0
                                    

Chapter 3

Ashie's POV

Kinabukasan ay maaga akong gumising upang matapos rin ng maaga ang mga gawaing-bahay.

Pagkatapos ay nagtungo na ako sa mansyon nina Madam Gina.

''Magandang umaga po, Manang Simang.'' bati ko sa matanda.

''Magandang umaga din hija. Mabuti't maaga ka, kailangan nating matapos agad nang maayos ang lahat ng gawain. At istrikto ang si Sir Gabriel, siya ang namamahala ngayon sa mansyon.'' paliwanag ni Mangang Simang.

''Eh, asan po si Madam Gina?'' tanong ko.

''Pinasundo ni Don Jaime at kailangan daw ng tulong niya sa negosyo nila sa Paris. Mukhang matatagalan nga sila dun e. Kaya pinilit ni Madam Gina si Sir Gabriel na dito muna mag-aral.''

''Ah ganon po ba? Sige po, mabuti pa at umpisahan na natin ang paglilinis. Baka magalit pa ang bagong amo natin."

Kaya naman nagtungo na ako sa swimming pool upang linisin ito.

At ganon na lamang ang pagkabigla ko aking nakita.

(O.O)

*****

Si Sir Gabriel at si GJ ay iisa?!

Ayts. Ashie, ang engot mo talaga! Bakit di mo naisip yun?!

''Oh, look who's here. Ang dakilang stalker ko. Ang galing mo naman, talagang nag-apply ka pang maid dito para lang ma-stalk ako.'' sarkastikong sabi ni GJ.

''O, ano? Hindi kana nakakibo jan? Diba tama naman ako? Napaka-obsessed mo talaga sakin ha. Diba ang sabi ko sayo tantanan mo ako? Sorry, but I have to do this, ngayon pa lang I need to fire you. Hindi ko kailangan ng paparazzi dito sa mansion.''

Teka, ano daw yun?

Fire?

Sinisisante nya ko? :/

Sumusobra na siya ha!

Away talaga ang hanap nito ah.

teka nga!

''Hoy! Mawalang-galang na ha. Alam mo, nung unang minaliit mo ang pagkatao ko pinalampas pa kita e. Pero ngayon na pati trabaho ko e pinapakialaman mo na, aba'y sobra na naman ata yon! Alam mo, mali ako e. Mali akong inidolo ko ang isang walang kwentang taong katulad mo! Tatanggalin mo ko sa trabaho nang walang sapat na dahilan? Ok fine. Pero isa lang masasabi ko sayo. PLASTIK KA!''

At iniwan ko siyang tila naguguluhan ang itsura.

******

Umalis ako ng mansyon nang hindi na nakapagpaalam kay Manang Simang. At dahil wala na naman akong ibang mapupuntahan ay dumiretso na ako sa campus.

As usual, ang pagmumukha na naman ng bestfriend kong si Renz ang nakita ko.

''Hi, bestfriend! Ang aga mo ata? Hmm, siguro excited ka na naman makita yung artistang hilaw na yun no?''

Ayts. Narinig ko na naman ang pangalan ng plastik na lalaking yun.

''Ay, naku. Wrong timing ka, wala pa yung pinapantasya mong lalaki dito.'' patuloy pa ni Renz.

''Pwede ba, tantanan mo muna ako sa mga pambubuska mo?!'' di ko napigilang sigaw kay Renz.

''Hey, chillax ka lang. Bakit badtrip ka ata? Napagalitan ka na naman ba sa inyo? Naku, hindi kana nasanay sa tiyang Hilda mo. Haya--''

''Hindi si tiyang Hilda ang problema ko.'' putol ko sa sasabihin niya.

''Eh, sino?'' tanong niya.

''Wala.'' sagot ko nalang.

''Sino nga? Sige ka, pag hindi mo sinabi ipagkakalat ko sa buong campus na mabaho ang utot mo.'' pananakot niya pa.

''Che! Isa kapa e.''

''Sino nga kasi?!'' tanong niya ulit.

sa sobrang kakulitan niya at  alam ko naman na hindi niya talaga ako tatantanan ay....

At napilitan na kong ikwento sa kanya ang buong pangyayari.

******

Renz's POV

Gigil na gigil talaga ako nang ikwento sakin ni Ashie ang ginawa sa kanya ng hilaw na GJ na yun.

Pero nakiusap siya sakin na huwag ko daw gawan ng masama si GJ.

Ayts. Mahal niya pa rin yung artistang yun sa kabila ng mga ginawa sa kanya.

Kaya naman pagkatapos ng klase ay pinauna ko muna si Ashie sa S.A. office.

Agad ko namang hinanap ang aking balak.

******

''GJ, pwede ka bang makausap?''

''Tungkol saan?'' tanong niya.

''Tungkol kay Ashie.'' sagot ko.

Saglit siyang nag-isip at parang nag-aalinlangan pa.

''May gusto lang sana akong linawin sayo tungkol sa kanya.'' patuloy ko pa.

Ilang sandali lang ay pumayag din siya.

Ikaw Lang Pala [KathNiel] (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon