Dhine's Note:
Nasa gilid po yung song na "Why Can't It Be'' na kanta ni Renz para kay Ashie.
"Why can't we be lovers only FRIENDS."
ayieh. napakanta nang di oras. :))
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 7
''Sorry na po Ma'am. Hindi ko naman po alam na seryoso siya mga sinasabi niya.'' hinging paumanhin ko sa Campus Dean namin.
''At anong tingin mo sa lahat ng sinabi ko kanina? Joke, joke lang?! Bakit? Close ba tayo?'' sabad naman ng malditang anak ni Ma'am Mojica na Khim
pala ang pangalan.
''I'm sorry, Renz. But I already made my decision. Kailangan kitang tanggalin as student assistant. Kapag hindi ko ginawa to, yang anak ko namang si Khim ang hindi daw mag-aaral.'' malungkot na tugon ni Ma'am Mojica.
Alam ko namang napilitan lang din siya sa naging desisyon niya.
''Ma'am, promise ko po hindi na po mauulit yun. Please lang po Ma'am huwag niyo po akong tanggalin bilang S.A. dito.'' pakiusap ko pa.
''Mama, huwag kang papadala sa paawa effect ng lalaking yan. I'm sure when the time comes, marami pang callers ng school ang babastusin niyan sa phone.''
Bwiset na babaeng to.
Napipikon na ko ha.
''I'm so sorry Renz. Pero hindi ko na pwedeng bawiin ang naging desisyon ko. Sana maintindihan mo. Don't worry, valid pa naman ang free tuition mo until the end of the sem. Sige na, Renz you may now leave the office.'' pagtatapos ni Ma'am Mojica.
At wala na nga akong nagawa pa kundi bagsak ang balikat na lumabas ng office.
Ayts. Kung pwede ko lang patulan yung malditang babaeng yun!
******
Ashie's POV
Ilang araw ko na ding napapansin ang madalas na pag-iwas sa akin ni Renz. At hindi ko naman alam kung bakit.
''Wala naman akong bulutong e.'' sa isip-isip ko pa.
Pero hindi rin, kasi noong nagkabulutong ako siya lang ang may lakas ng loob na lapitan ako.
*****
''Ok lang yan. Diba bestfriend tayo? Kaya dapat pareho tayong may bulutong.'' ang baluktot niya pang katwiran sakin noon kapag pinapalayo ko siya sakin.
Hindi talaga niya ako iniwasan kahit na nga dumating sa puntong nagkabulutong na nga din siya.
''Ginusto mo yan e.'' sabi ko pa sa kanya nung pareho na kaming may bulutong.
At pagkatapos nun ay nagagawa pa naming tumawa.
*****
Hayy...nakakamiss na din pala yung mokong na yun.
Asan na nga kaya yun?
''Hey, Ashie. Tara sabay ka na sakin pag-uwi.'' yaya sakin ni GJ.
''Ah, hindi na muna GJ. Hahanapin ko pa si Renz e. Feeling ko kasi nagtatampo na yun sakin.'' sagot ko.
''Ah, ganon ba? Pasensya na ha, dahil kasi sakin kaya hindi na kayo nakakapagbonding ni Renz.'' hinging paumanhin ni GJ.
''Naku GJ, hindi mo kailangang mag-sorry. Friend din naman kita e. Sige na, umuwi ka na at pagabi na din.''
''Sige. Ingat ka sa pag-uwi mo mamaya ha. Bye.''
Pagkatapos ay nagpunta na ako sa office ni Renz, ngunit ganun na lamang ang gulat ko nang malamang tinanggal na daw siya bilang student assistant.
******
Pagkagaling ko sa school ay sa bahay nila Renz ako dumiretso.
Ngunit ang kapatid niyang si Ria lang ang aking nakita, ''Ay, ate Ashie. Wala dito si kuya Renz e. Kakaalis lang niya.''
Isa na lang ang naiisip kong lugar na pwedeng puntahan ni Renz--
ang tree house.
Halos lakad-takbo na ang ginawa ko para lamang makapunta na agad dun.
At nang makarating ako sa pakay kong lugar ay napatingala ako sa pinanggagalingan ng isang pamilyar na boses.
''So why can't it be,
why can't it be the two of us?
Why can't we be lovers?
Only friends.
You came along at the wrong place,
at the wrong time.
Or was it me?''
Si Renz,
kumakanta gamit ang kanyang gitara sa loob ng tree house.
Agad akong umakyat sa tree house. At nang mapansin niya ako ay agad siyang tumigil sa ginagawa niya.
''Bakit ka tumigil?'' nanibago ako dahil dati-rati naman kapag naaabutan ko siyang kumakanta ay pinasasabay niya pa ako sa kanta niya.
Hindi niya sinagot ang tanong ko kaya, ''Akin na nga yan.''
Kinuha ko ang gitara niya at tinipa kasabay ng pagkanta ko.
...
''You came along, unexpectedly...''
Bigla niyang kinuha sakin ang gitara at sinabing, ''Uuwi na ako. Baka hinahanap na ako sa bahay.''
''Pero sabi ni Ria, kakaalis mo lang daw sa bahay niyo e.''
''Inaantok na ako e.''
''E'di tulog na lang tayo dito tulad ng dati.'' yaya ko sa kanya at hinawakan ko pa ang kanyang kamay.
Ngunit binawi niya ito at sinabing, '' Ayoko nang matulog dito kasama ka.''
''Renz, kung may problema ka huwag mo naman akong idamay oh.'' pakiusap ko na sa kanya.
''Kung ayaw mong madamay, tigilan mo ko sa mga pangungulit mo!'' at tuluyan na niya akong tinalikuran.
BINABASA MO ANG
Ikaw Lang Pala [KathNiel] (Ongoing Series)
Teen FictionSino ang mas pipiliin mo? Ang lalaking pinapangarap mo? O ang bestfriend mong tunay na nagmamahal sayo.