Dhine's Note:
Dedicated po ang chappy nato sa cousin kong super addicted kay Daniel.
love you couz :*
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 1
''Hoy! Ano pang tinatanga-tanga mo dyan?! Tumayo ka na dyan. Batugan!'' sigaw na naman ni Tiyang Hilda.
''Opo.'' sagot ko na lang.
Hayy.. Kung buhay pa sana ang mga magulang namin ni Aldrin, hindi sana kami nagsasakripisyo nang ganito.
Grade six ako at si Aldrin naman ay grade four pa lang nang parehong namatay sa car accident ang mga magulang namin.
At dahil nga nag-iisang anak lang si papa at si Tiyang Hilda lang ang kapatid ni mama ay siya na ang kumupkop sa amin.
Noong una ay mabait pa siya sa amin pero di nagtagal, nang maubos na ang pamanang pera sa amin nila mama at papa ay naging malupit na siya samin ng kapatid ko.
Kami ang pinagagawa nila ng mga gawaing bahay at pinagtatrabaho.
At sa awa naman ng Diyos ay napagsumikapan naming maging scholar ng kapatid ko. Kaya hanggang ngayon ay nakakapag-aral pa rin kami sa magandang paaralan dito sa bayan namin sa Bicol.
******
Nang matapos ko na ang sandamakmak na gawaing-bahay ay tumuloy na ko kina Madam Gina kung saan ako ay namamasukan bilang kasambahay.
''Magandang umaga po Manang Simang .'' bati ko sa mayordoma nila Madam Gina.
''Magandang umaga din, hija. Bakit nahuli ka ata?'' tanong ng matanda.
''Pasensya na po kayo. Medyo nahuli po ako ng gising. Tinapos ko pa din po kasi lahat ng gawain sa bahay.'' paliwanag ko.
''Napakasipag mo talagang bata ka. Nawa'y pagpalain kayong magkapatid ng magandang kapalaran.''
''O, siya. Tayo na't simulan ang mga gawain at sinundo nila Madam Gina ang anak niya sa Maynila.'' patuloy pa ni Manang Simang.
''Sige po.''
Nang matapos kami sa gawain ay nagpaalam na ako kay Manang Simang upang pumasok naman sa eskwela.
''Manang, alis na po ako.''
''Ah, sige hija, mag-iingat ka.''
*******
Sa School...
Hinanap ko sa second-year building ang kapatid ko at ibinigay sa kanya ang baon niya na mula sa kinita ko sa paglilinis kina Madam Gina.
Pagkatapos ay dumiretso nako sa fourth-year building kung saan ang room namin ay matatagpuan.
''Hi, Ashie ganda!'' tawag ng bestfriend kong si Renz. Scholar din siya ng St. Benedict College katulad ko.
Gwapo din si Renz at habulin ng mga estudyante dito sa campus.
Ngunit wala siyang pinapansin kahit na isa sa kanila dahil naiirita daw siya sa mga mayayaman at maaarteng mga babae.
Kami lang ang nagkaka-intindihan sa campus dahil pareho kami ng katayuan sa buhay.
''Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay e.'' si Renz.
''O, bakit? Ano bang nangyari?'' kinabahan ako bigla.
''Wala lang. Miss kita e.''
''Bwiset ka talaga! Akala ko pa naman kung ano na!''
''Tara na, pasok na tayo. Baka ma-late pa tayo e.''
At pumasok na nga kami ni Renz bago pa mag-ring ang bell.
******
Sa classroom...
''Ok class. You have a new classmate. He's a transferee from Manila. Mr. Gabriel James Jackson.'' Ms.Cruz said.
O.O
Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko nang dahil sa aking narinig.
Totoo ba yun? Hindi ba ko nananaginip lang?!
OMG! TOTOO NGA! (O,O)
Halos lahat ng classmates ko ay nagtilian pagkakita kay GJ.
Syempre, sino ba namang hindi nakakakilala sa isang sikat na GJ.
BINABASA MO ANG
Ikaw Lang Pala [KathNiel] (Ongoing Series)
Novela JuvenilSino ang mas pipiliin mo? Ang lalaking pinapangarap mo? O ang bestfriend mong tunay na nagmamahal sayo.