Dhine's Note:
Again, dedicated to my another cousin na (medyo lang), medyo adik din kay Daniel. (di katulad ng ate niya. LOL.)
love you ley :*
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 2
''Hoy! Subukan mo kayang itikom yang bibig mo nang di pasukan ng langaw.'' pambubuska ni Renz na katabi ko.
''Alam mo nakakainis ka! Ang KJ mo!'' ganti ko sa kanya.
''Pa'no naman kasi kung makatitig ka naman sa lalaking yan, wagas! Akala mo nakakita ka ng anghel na bumaba mula sa langit."
''Renz, anghel nga siya.'' tila nangangarap ko pang sabi.
"Tsk," narinig ko pa si Renz, ngunit hindi ko na pinansin pa dahil....
Pinaupo si GJ sa harapan namin ni Renz.
Hindi maalis ang titig ko sa buhok at batok niya.
Satisfied nako dun.
Kung dati nga, sa TV ko lang siya nakikita.
Ngayon nasa harapan ko na.
''Hoy, baka gusto mong makinig sa lecture ng prof natin?!''
Hindi ko pinansin si Renz at sa halip ay pasimple ko pang inamoy-amoy ang buhok niya.
''Hmm... Bango...''
O.O >> (Renz's reaction)
''Tsk. Adik.'' narinig ko na namang sabi ng dakilang KJ na si Renz nang makabawi sa pagkabigla.
******
Breaktime...
Nawala bigla si GJ sa paningin ko nang mag-ring ang bell.
Siguro'y nairita sa mga babaeng lantarang nagpapapansin sa kanya.
Kaya naman napagdesisyunan kong hanapin siya.
''Oy! Oy! Oy! San ka pupunta?'' tanong ni Renz.
''Hahanapin si GJ.'' sagot ko.
''Umamin ka nga sakin, may balak ka bang magpatayo ng fans club ng GJ na yan dito?!''
Hindi ko na inintindi si Renz at sa halip ay tumakbo na para hanapin ang prince charming ko.
******
Sa wakas ay nakita ko din si GJ. Natagpuan ko siyang nag-iisa at tila kay lalim ng iniisip habang nakaupo sa rooftop.
Lakas-loob ko siyang nilapitan at, ''Hi, GJ.''
''Who are you?'' kunot-noo niyang tanong.
''I'm Ashie. Classmate mo.'' sagot ko.
''So?''
''Ahm, gusto ko lang sa--nang ma...makipagkaibigan.'' nauutal kong sabi.
''Tsk. Stop fooling me.''
''Huh?'' naguguluhan kong tanong.
''Alam ko naman isa ka din sa mga babaeng nagkakandarapang sakin. At first makikipagkaibigan kayo, and then pag naging close na tayo. Ipagmamalaki niyo nang may kaibigan kayong artista. Huwag niyo nga akong gamitin para sa sarili niyong kapakanan!''
Ang sakit naman ng sinabi niya.
Ganun ba kababa ang tingin niya sa aming mga babae? :<
Hindi nako nakasagot pa.
Umalis na siya with his last words, ''Tantanan mo ko.''
Tuluyan na lang akong napaluha sa mga sinabi niya sa akin.
Pero hindi ako agad susuko.
Papatunayan kong hindi ako katulad ng babaeng iniisip niya.
Nakaisang step na ako paangat sa kinaroroonan mo.
Ngayon pa ba ako susuko?
No way!
*******
Renz's POV
Hayy.. Masama talaga ang pagkakatransfer niyang GJ na yan dito sa school namin.
E simula nung dumating yun, hindi na kami nagkakasama ni Ashie.
Kahit sa room ay hindi na ata napapansin ni Ashie ang existence ko. Hindi naman siya pinapansin o kahit tignan man lang nung mayabang na artistang yun.
*****
Naalala ko pa dati nang una kong makilala si Ashie...
Transferee lang din sila ng kapatid niya sa campus.
Naging magkaibigan kami nung naging scholar o student assistant siya sa school. At sa office namin siya nadestino.
Ako ang naging guide niya habang nangangapa pa lang siya sa mga gawain bilang S.A.
Simula noon ay naging magaan na ang loob namin sa isa't isa at nagkwento na ng mga buhay namin sa bawat isa.
Ako ang kasama niya kapag inaaway ng mga babaeng insecure. Syempre, hindi naman ako papahuli sa pagtatanggol sa kanya.
Ako ang kasama niya kapag masaya niyang pinagdiriwang ang matataas na grades na nakukuha niya.
Ako ang kasama niya sa mga paghihirap niya.
Ako ang kasama niya sa lahat ng oras. Pero NOON na lang yun. NGAYON, nagbago nang lahat dahil lamang sa Gabriel James Jackson na yan.
Tsk. Mas pogi pa kaya ako dun.
BINABASA MO ANG
Ikaw Lang Pala [KathNiel] (Ongoing Series)
Teen FictionSino ang mas pipiliin mo? Ang lalaking pinapangarap mo? O ang bestfriend mong tunay na nagmamahal sayo.