Chapter 13

167 4 0
                                    

 Dhine's Note:

Dedicated sayo. ^^

Keep on reading I.L.P. :))

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 13

Renz’s POV

Gulat na gulat talaga ako nang makita si Ashie. Hindi ko akalain na magpupunta pa pala siya dito matapos ng huling pag-aaway namin.

Pero mas nagulat naman ako at nag-alala nang makita siyang nahulog mula sa tuktok ng puno kaya naman agad akong bumaba upang tulungan siya.

“Ashie? Okay ka lang ba?” tanong ko sa kanya.

Pero sa halip na sumagot ay tinitigan niya lang ako ng masama.

“Uy, tinatanong kita. Okay ka lang ba?” tanong ko ulit sa kanya.

“Anong okay?! Ikaw kaya ang mahulog mula sa tuktok ng puno, sa tingin mo magiging okay ka lang ba nun?!!!” halos mabingi ako sa sigaw niya.

“Sorry naman. Eh ano ba kasing ginagawa mo dun?”

Naisip ko kasi na baka kanina niya pa kami pinagmamasdan ni Khim sa loob ng tree house.

“Bakit?!! Wala na ba akong karapatan sa tree house, ha?!” sigaw niya ulit.

“Pwede ba wag kang sumigaw? Nakakahiya kay Khim oh,” sabi ko pa.

Tumingala pa ako at nakita si Khim na nakamasid lang sa amin.

“At kay Khim ka pa nahiya? Eh ako naman talaga ang may karapatan sa tree house na yan. Baka nakakalimutan mo, tayong dalawa ang nagpakahirap d’yan!” si Ashie.

“Ashie, hinaan mo naman yung boses mo, nakatingin si Khim sa atin,” pakiusap ko na sa kanya.

“Puro ka na lang Khim! Mas iniintindi mo pa yang Khim mo na yan! Magsama kayo!!!” akmang tatayo sana si Ashie pero sumakit lang ang kanyang balakang.

“Ano? Magwo-walk out ka na naman?” tanong ko sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit napakahalaga sa aking ng pride ko at di ko magawang ibaba na ito ngayon para kay Ashie.

Para kasing gusto ko din siyang pagselosin sa amin ni Khim.

Ayts! Ang sama ko!

“Bakit ba ang sama-sama mo  na Renz! Hindi na ikaw ang dati kong bestfriend na mabait! Nag-iba ka na! ibang tao ka na ngayon! simula ngayon, pinuputol ko na ang pagiging mag-bestfriend natin!” sigaw na naman ni Ashie at pinilit pang tumayo.

Hinayaan ko na muna siya sa gusto niyang gawin.

Kahit sa totoo lang ay ako ang mas nahihirapan sa nakikita kong itsura niya ngayon.

Hirap na hirap kasi siya sa pagtayo at…

“Ano yang binubuhat mo?” biglang tanong ko sa kanya nang mapansin na may mga dala pala siya maleta.

Nang hindi siya sumagot at saka lamang ako natauhan.

Kaya pala sa tree house niya naisipang pumunta…

Tumakbo ako at niyakap si Ashie mula sa likuran niya.

Narinig ko naman ang mahihinang hikbi niya.

Tsk! Kasalanan ko to!

“Sorry na, please. Huwag ka nang umiyak,” hinarap ko siya sa akin. “Bakit may mga dala kang maleta?” mahinang tanong ko sa kanya.

“Ngayon mo pa naisipang magtanong,” nagtatampo pa rin siya sa akin.

“Sorry na. Ano na naman bang ginawa sayo nila Tiyang Hilda mo?”

Sa totoo lang ay nag-aalala na talaga ako kay Ashie. Parang alam ko na rin kasi ang ginawa sa kanya ng tiyahin niya.

“Ano pa nga ba?... e’di pinalayas ako,” umiiyak pa rin si Ashie.

Para namang dinudurog ang puso ko sa nakikita kong itsura niya ngayon.

“Bakit ka nila pinalayas?” tanong ko ulit.

“Hi…hindi na da--daw nila ka..ya ang gas--tusin sa’ming dala--wa ni …Aldrin eh,” sabi niya sa pagitan ng mga hikbi.

Kaya naman niyakap ko ulit siya…

nang sobrang higpit….

na tila ayaw ko nang pakawalan siya sa mga bisig ko.

Nang sa gayon ay maramdaman niya na gusto ko siyang protektahan sa kahit na ano pang sitwasyon.

Napaiyak naman lalo si Ashie. Sigurado siyang ngayon lamang nito nailabas ang lahat ng sama ng loob.

“Anak ng! Halos kayong magkapatid na nga ang nagpapalamon sa mag-inang ‘yon eh!”

Naiinis ako kapag nakikitang naaapi si Ashie at ang kapatid niya.

Ayts! Kung pwede lang manakit ng babae eh!

“So, kaya ka nagpunta dito dahil sa tree house mo balak tumuloy?” tanong ko sa kanya nang bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya at pinahid ang mga luha sa mukha niya.

Pagkatapos ay kinulong ko ang mga pisngi niya sa mga palad ko.

Nakatitig lang kami sa bawat isa.

Maya-maya pa ay tumango siya bilang tugon sa tanong ko kanina.

“Tsk! Hindi ka ba nag-iisip Ashie? Dito ka titira, eh pa’no kung may mga loko-lokong mangtrip sayo dito? Gubat na to Ashie, napakalayo na sa kalsada,” hindi ko napigilang mainis sa sarili ko sa isiping may mangyayaring masama kay Ashie.

Nakatitig pa rin ako sa luhaang mga mata niya.

Sa totoo lang ay pinakaayaw ko sa lahat ay ang makita si Ashie na umiiyak.

“Wala na naman akong ibang pupuntahan eh… saka… kaya ko na naman ang sarili ko,” maya-maya pa ay sagot ulit ni Ashie.

“Hindi pwede. Sa amin ka na tumuloy,” seryoso kong pahayag sa kanya.

“Huh?”

Ikaw Lang Pala [KathNiel] (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon