Dhine's Note:
nasa gilid po si bestfriend Renz.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 6
Nang matapos kaming mag-swimming ay nagbanlaw na ako at nagpalit ng damit pampasok.
Nahihiya ako kay Manang Simang dahil hindi na ako nakatulong sa mga gawain.
''Manang Simang, papasok na po ako.'' paalam ko sa matanda.
''Sige,hija. Mag-iingat ka ha.'' nakangiting tugon ni Manang Simang.
''Hey, Ashie! Sumabay ka na sakin pagpasok.'' sabi ni GJ habang nakasilip sa bintana ng kotse niya.
''Hindi na po Sir GJ, magta-tricycle na lang po ako.'' tanggi ko.
''I told you, just call me GJ. Saka pareho lang naman tayo ng school, bakit ka pa mag-aaksaya ng pamasahe mo?'' pamimilit niya.
''Oo nga naman, hija. Sumabay kana lang kay Sir GJ para ibigay mo na lang sa kapatid mo yung ipapamasahe mo.'' sabad naman ni Manang Simang.
Kaya naman napilitan oa rin akong sumakay sa kotse ni GJ.
******
Pagdating namin sa school ay pinagtinginan agad kami ng mga estudyante, lalo na ng mga babae.
Ito ay dahil sa hindi pagbitiw ni GJ sa aking kamay.
******
Nang makarating kami sa classroom ni GJ ay napansin kong wala pa ang bestfriend kong si Renz.
Pero hindi naman ako na-bored dahil kausap ako ni GJ habang wala pa ang prof namin.
Maya-maya pa'y pumasok na si Renz kasunod lamang ni Prof Marianne.
''Hi, Renz! San ka galing?'' tanong ko sa kanya.
''Sa office.'' maiksi niyang tugon.
Nanibago naman ako kay Renz dahil parang wala siya sa mood makipag-usap sakin.
''Siguro, pagod lang.'' sa isip-isip ko.
Nang magbreaktime kami ay niyaya ako ni GJ sa canteen.
Napansin kong nawala na naman si Renz kay sumama na ako kay GJ.
Ganun pa rin ang titig sa akin ng mga babae-- masama pa rin.
Kung nakakamatay lang ang masasamang titig nila, siguro'y kanina pa ako tigok.
Nakahawak na naman kasi si GJ sa kamay ko.
''Ah, GJ...''
''Hmm?''
''Yung kamay ko?''
''Eto, hawak ko.'' nakangiti niya pang sagot.
Naku naman 'tong lalaking 'to! Hindi niya ba napapansin na parang gusto na akong lamunin ng buhay ng mga babae sa paligid?!
''Ano kasi e...'' nag-aalinlangan pa ako sa sasabihin ko.
''Don't mind them. Insecure lang sila. Hindi ka naman mapapahamak as long as I'm with you.'' assurance niya sakin.
Napangiti na lamang ako sa kanyang mga sinabi.
Ang wish ko, sana hindi lamang ito isang parte ng mga masasayang panaginip ko.
*****
Renz's POV
Nakakairita talaga ang nakita ko kaninang umaga-- inalalayan ni GJ si Ashie sa pagbaba sa kotse at hindi pa binitawan ang kamay niya hanggang sa pagpasok ng room.
''Tsk. Akala mo naman mawawala si Ashie.''
Ang aga-aga ay nawala agad ako sa mood. Para tuloy pinagsisisihan ko na ang ginawa kong pakikipag-usap sa GJ na yun.
Sa inis ko ay hindi na muna ako dumiretso ng classroom, sa halip ay nagpalipas muna ako ng ilang minuto sa S.A. Office.
Inabangan ko na lang ang paglabas ng prof namin sa department nila.
At nang makita ko na si Prof Marianne, ''Good morning Prof!''
''Same to you, Renz.'' nakangiting tugon ni Prof Marianne.
At tulad ng inaasahan, pagkarating ko ng classroom ay nakita ko na naman silang masayang nagkukwentuhan.
Ayts. Ano ba itong nararamdaman ko?!
Hoy Renz Mercado! Wala kang karapatang maselos!
bestfriend ka lang ni Ashie!
******
At nang magbreaktime ay umalis na ako kaagad sa classroom.
''Ayokong mawala sa mood maghapon,'' sabi ko sa aking sarili.
.
As usual, dumiretso ako sa office.
Kriiing...kriiingg...
Sakto ang pagdating ko.
''Hello? St. Benedict's Office, may I help you?'' sagot ko sa phone.
''Hello. Nandyan ba si Ma'am Mojica?'' mataray na tanong ng babae sa kabilang telepono.
Luminga-linga ako para hanapin si Ma'am Mojica, ang Campus Dean namin.
''Sorry miss, pero wala po si Ma'am Mojica dito.'' magalang kong tugon.
''E'di tawagin mo.''
''Po?''
''Bingi ka ba o nagtatanga-tangahan lang? Ang sabi ko tawagin mo si mama!''
Baliw naman ata tong babaeng to e.
Pati mama niya sakin pa ipatatawag.
''Excuse miss ha, mali ka ata ng tinawagan. Hindi kasi ito hanapan ng mga nawawalang nanay. Saka ano bang pakialam ko sa ina mo?!''
''Ah, ganon? So wala ka palang pakialam sa MAMA ko na CAMPUS DEAN ninyo. K, ihanda mo na lang ang sarili mo mamaya. Bye!'' sabay bagsak ng telepono.
''Aray! Ang sakit naman sa tenga. Baliw nga ata yung isang yun. Sabihin ba naman nanay niya daw si--'' napaisip ako bigla.
''Shit! Anak ng tipaklong. Mali yata ako ng binangga!''
BINABASA MO ANG
Ikaw Lang Pala [KathNiel] (Ongoing Series)
Teen FictionSino ang mas pipiliin mo? Ang lalaking pinapangarap mo? O ang bestfriend mong tunay na nagmamahal sayo.